( Ethan Euro Eastron Point Of View )
Nandito parin kami sa kusina at busy naman sa pagcecellphone si Frances.
'Hindi parin ako sanay na tinatawag sa pangalan nila.'
Tumingin ako sa harap ko at tamad namang nakasandal si Durst sa upuan nya habang si Jakxic naman ay inililibot ang paligid.
" Ethan, may wifi ka?" Nagulat ako ng tawagin ako sa pangalan ni Frances.
p⊙_⊙q
'P-paano nya nalaman ang pangalan ko? Sa pagkakatanda ko kanina ay hindi ko ibinigay ang pangalan ko sakanila.'
" Huuy! Malala ka Ethan! May wifi ka. Anong password?" Pukaw ni Frances sa'kin at naguguluhan naman akong napatingin sakanya.
" Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Seryoso at kunot noong tanong ko sakanya. Ngumisi naman sya sa'kin.
p◐.̃◐q
" Paano ko nalaman?? Whaha! Tracker ako, Ethan." Mayabang na sabi ni Frances na ikinakunot ng noo ko.
'Tracker? Oo alam ko'yon pero hindi ko alam kung paano nya ginagawa.'
" Malala ka! Bilisan mo! 20 mintues nalang at makakapunta na sila rito. Ayy! Ako nalang pala--" Sabi ni Frances kaya sinabi ko naman ang password sakanya.
" Capital letters lahat. NNQSHEOSNWOJWP (104578110030)" sabi ko sakanya at nagulat ako ng hindi man sya nalito.
'Wow. Tracker talaga sya.'
" Labas nyo cellphone nyo," sabi ni Frances kila Durst at Jakxic. Tumingin naman sya sa'kin. " Pati ikaw." Sabi nya kaya inilabas ko nalang ang cellphone ko. Napatingin ako sa cellphone nila at lahat 'yon ay latest IPhone.
'Oh, h-hindi pa nakakalabas pero mayroon na sila?'
Tumayo si Frances at lumabas. Maya maya ay bumalik sya namay dalang isang malaking itim na bag. Inilagay nya sa taas ng lamesa ang bag at bumalik sa pwesto nya kanina.
" Nasaan na cellphone mo?" Tanong nya sa'kin at inabot ko naman sakanya ang cellphone ko. Nangunot ang noo ni Frances habang nakatingin sa cellphone ko.
" Hindi 'yan gagana sa gagawin ko." Seryosong sabi na ikinataas ng kilay ko.
p(~_^)q
" Anong gagawin ko?" Tanong ko sakanya at bigla naman syang ngumisi. Binuksan nya ang bag na hawak nya at may inilabas na bagong cellphone ro'n kagaya ng cellphone nila.
" Buti nalang naghanda ako." Sabi nya habang nakangisi at kinalikot 'yung cellphone na'yion.
" Sayo na pala 'tong cellphone na'to." Sabi nya na ikinagulat ko.
'Anooo??'
" Ethan, makinig ka." Seryosong sabi ni Frances habang may kinakalkal sa bag. Napansin kona nakaitim silang tatlo at pare parehong may maskara.
" Bago paman kami pumuntang tatlo rito ay nakaplano na kami," sabi nya at tumango naman ako.
" Ngayong kasama ka namin ay isasama ka narin sa gagawin namin mamaya. Ang plano namin ay kunin ang grupong kukuha sa'yo. Gets mo?" Tanong nya at umiling naman ako.
" Mafia Boss si Durst at may plano syang gawing under 'yung mga taong pupunta rito. As much as possible gagawin nya 'yon." Sabi nya at may inilabas na itim na damit katulad ng kanila.
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
