~♥~ Flashbacks (12) ~♥~

10 4 0
                                        

( Durst Point Of View )

Nang marinig ko'yung lalaking nag salita sa earpiece ay nagulat ako. Hindi ko alam kung anong ginawa nya at nakapasok sya sa earpiece namin.

'Sabagay sinabi nya na hacker daw sya, psh. Paano kung narinig nya 'yung pag-uusap namin ni Jakxic? Naknang tupa nayan, oh!

Iniisip korin kung bakit nya tinulungan si Jakxic. Nang marinig kong magsalita si Jakxic ng retreat ay tamad akong umalis sa pagkakasandal ko sa pader.

'Makaalis nanga rito ang baho, eh! Hindi ako bagay dito, hindi bagay sa kaguwapuhan, ko!'

Umalis na'ko rito sa likod at pumunta nasa room 353. Kumatok ako at pinagbukasan naman ako ng pinto ni Jakxic. Bumungad sa'kin ang naka kunot nyang noo. Pumasok ako at umupo ako sa isahang sofa.

'Hayystt! Nasasayang 'yung kaguwapuhan ko sa lugar na'yon, eh!'

Umupo na sya sa sofa at halatang may iniisip.

" Sino kaya yung lalaki?" Tanong nya at nag kibit balikat nalang ako dahil hindi ko naman talaga kilala.

>_< -> Jakxic
ʕ•ﻌ•ʔ -> Ako na wala lang.

" Sa tingin mo ba kaya alam nya 'yung nangyayari sa taas kasi kasama sya nung Benedicto?" Tanong nya at napabuntong hininga naman ako.

'Ayan din 'yung iniisip ko kanina pa.'

Umiling naman ako sakanya.

" Hindi. Kasi kung kasama ni Benedicto yan hindi nya sasabihin sa'yo na may makakasalubong ka sa taas. Pangalawa, sa tingin ko may pakay din yan kay Benedicto at saktong nung nag hack siguro sya ay nakita nya tayo. Tyaka kung pupunta yan dito sa hotel room mo masasabi kopang mabuti yung pakay nyan at kung hindi, malamang hindi. Kung may misyon naman sa ibang grupo hindi tayo sasabihan nyan dahil masisira 'yung plano nila. Kapag hindi sya pumunta rito it's all about commonsense naman." Mahabang sabi ko sakanya. Tumango tango naman sya at napabuntong hininga.

" Tama, tama." Sabi nya habang tumatango.

" Hintayin nalang natin kung pupunta. Kapag may kumatok sa pinto ako ang mag bubukas." Sabi ko sakanya.

" Ako nalang, hindi pa kita natuturuan ng hand-to-hand combat." Sabi nya sa'kin na ikinatawa ko naman.

'Hindi nya kasi alam na magaling ako roon.'

" Watch and Learn." Nakangising sabi ko sakanya.

( Jakxic Atlanter Point Of View )

Tama si Durst sa sinabi nya sa'kin kanina. Hindi naman siguro kasama sa mga tauhan ni Benobreeze 'yung lalaking kumausap sa'kin kanina. Napatingin tuloy ako kay Durst na katatayo lang dahil uminom sya ng tubig. Katagal kasi ng lalaking Mr-sabihin-nalang-natin-na-isa-akong-hacker, hindi ko alam kung darating pa sya. Halos 30 minutes narin 'yung lumipas. Naalala ko'yung sinabi ni Dad kahapon tungkol kay Durst. Kaganda pala ng buong pangalan ng hayop nayan. Matalino nga sya at anak--

**PRUUUUUUUUP** Nabilaukan pa ang gago! Nung nahuli nya akong nakatitig sakanya ay naibuga nya agad 'yung tubig at nag-uubo sya sa sala. Nang mahimasmasan sya ay tinignan naman nya ako ng parang nandidiri.

'Problema nito?'

(*>.<*) -> Durst
๏︿๏ -> Ako

" Yuck!!!! Ewww!! Hoy! Amerikanong hilaw! Sabi ko naman sa'yong hindi tayo talo!! Alam ko namang guwapo ako pero hindi mona ako kailangang titigan ng ganyan! Makatingin ka dyan grabe ang lagkit! Kadiri ka! Bakla kano?" Sabi nya sa'kin pero imbis na mainsulto ako ay natawa ako sa pamamaraan kung pano sya mandiri.

'Til The Perfect DayМесто, где живут истории. Откройте их для себя