~♥~ Flashbacks (19) ~♥~

5 3 0
                                        

( OPM Point Of View )

Maaga akong nagising at nandito ako sa terrace ngayon gaya ng aking nakagawian. Papanoorin ko ang kagandahan ng sunset na tanaw na tanaw ang pag akyat mula rito sa kinaroroonan ko.

Hilig konang gawin 'to tuwing umaga dahil napakaganda ng sikat at umpisa ng araw.

'Pakiramdam ko ang ganda na ng gising kosa umaga sa tuwing makikita ko ang napakagandang sunset na'to.'

(^_^)

**SUUUP** Humigop ako ng kapeng iniinom ko habang hindi ko matanggal tanggal ang mga mata ko sa ganda ng tanawin.

'Ang ganda mag-isip.'

Ngayon ko napagdisisyonan na ngayong araw ako kikilos kaya kailangan ko ng magandang umaga which is nasa harapan kona.

Tumingin ako sa bundok na kitang kita ko ngayon mula sa pwesto at dinamdam ang sariwang hangin. Napapikit ako sa lamig na hatid nito.

**SUUUP** Humigop muli ako ng kape ko.

'Ang sarap talagang magtimpla ni Seigi.'

Dahil kanina pa'ko nakatayo rito ay nangawit na'ko kaya umupo na'ko sa wooden chair at ipinatong ang tasa ng kapi sa wooden table na nasa harapan ko. Dumantay ako sa katawan ng upuan at muling pumikit para makapag-isip isip.

'Kagabi kopa 'to iniisip kung ito naba talaga ang tamang panahon para magpakita sakanila. Sa tagal kong panahon na nandito lagi lang akong naka upo at naghihintay sa balitang sasabihin sa'kin ni Seigi. Kaya ito na talaga ang tamang oras at panahon para magpakita ako sakanila.'

Gumuhit ang ngiti sa'king labi ng maisip ko kung paano ko sila so-sorpresahin.

'Maganda 'yung nakakapanindog balahibo.. .

'Yung matatakot talaga sila.. .

'Yung exciting.. .'

ヾ(〃^∇^)ノ

'Masyado na'ko nakulong sa bahay na'to kaya kailangan ko naman ng thrill. Palagi nalang akong kumakain ng strawberry, nagbabasa ng dyaryo pagdating ng dapit hapon. Nakakasawa na at tumatanda na'ko kaya kailangan ko talaga ng thrill! Pagod na'kong bumaril, mangidnap, pumatay ng tao, kaya gusto ko 'yung naiiba naman.'

Iminulat ko 'yung mga mata ko ng marinig kong bumukas 'yung sliding door sito sa terrace.

'Seigi.'

Naka simpleng shorts lang sya at sandong puti. Kaya kitang kita ko ang ganda ng hugis ng katawan nya.

'Hindi naman sa pinag nanasaan ko ang katawan ni Seigi pero parang gano'n na nga!! Ayy nadulas!! Ang totoo nyan ay.. .'

Natatandaan ko nung ganyang edaran kopa! Pati mga insekto na makakakita sa'kin ay hinahabol ako! Pati ang mga isdang lumalangoy sa dagat na nakakakita sa'kin ay napapatalon sa tubig makita lang ang napaka guwapo kong mukha. Napakaganda ng hubog ng katawan ko no'n at hamak na daig kopa ang isang modelo. Gano'n ako ka guwapo dati. Dati. Dati pero iba na ngayong tumatanda ako dahil mas LALOO AKONG GUMUUWAPO! LEGIT! WHAHAHA! Ma sta-star truck siguro si Dust nyan pati si Jaxton kapag nakita ako.

'Whahah ang guwapong patay ay muling nabuhay! Akala nila, huh? Babalik na'ko mamaya! And I'm more than excited!'

Ipinatong ni Seigi ang dalawang braso nya sa railings at tumingin din sa napakagandang pag-angat ng araw.

'Para konaring anak ang isang 'to.'

Napabuntong hininga sya at tumingin sa'kin.

'Til The Perfect DayWhere stories live. Discover now