Napakabilis ng panahon. Tapos nanaman nga ang isang linggo.
'Huwebes nanaman ngayon. Parang no'ng isang huwebes lang ng tangkain kong muling tumayo. Para no'ng araw lang na'yon na umaasa akong may magbabago. Sumuko narin ako dahil wala naman. Walang nagbabago, binubugbog parin ako.'
Sa linggong nagdaan na'yon, pinilit kong gumawa ng baril sa factory ni dade.
'Kahit nanghihina at nanlalambot ako. Pakiramdam ko kulang ako sa dugo dahil sa ginagawa kong paglalaslas.'
Oo, pinapapunta na nya'ko do'n para mag-isip isip ng bagong disenyo at mag sabi ng opinyon ko tungkol sa gawa nilang baril. Pinapapunta nya'ko ro'n ng miserable ang itsura ko.
'Pakiramdam ko nawalan ako ng dignidad. Pakiramdam ko na parang alagang aso nalang nya'ko na kailangan sumunod sakanya.'
Nagpupunta ako ro'n ng bugbog ang itsura. Puro pasa ang mukha at nanlalambot.
'Gusto kong tumakas pero napakaraming bantay. Hindi na'ko takot sa labas dahil mas wala ng nakakatakot sa ginagawa ng dade ko sa'kin. Hindi na'ko makakaramdam ng mag-isa ro'n sa labas dahil matagal naman na'kong nag-iisa.'
Pero kailangan kong pumunta ro'n para lang makakain ako.
'Kung wala lang pagkain do'n, hindi ako susunod sakanya. Hahayaan ko nalang na bugbugin nya'ko hanggang sa sumuko na ang katawan ko.'
Kitang kita ko ang awa sa mata ng ibang tauhan ni dade. Naiinis ako dahil hindi ako matutulungan ng awa nila. Hindi ko kailangan 'yon. Hindi ako mapapakain no'n. Hindi ako magiging masaya do'n.
'Ayoko ng ganon dahil kung tignan nila ako ay parang isang kawawang hayop. Parang isang nanghihina at naghihingalong hayop. Parang nag-iisang kawawang usa sa gitna ng gubat na pinagtulung-tulungan ng mga mangangaso. Tao ako.'
Kahit may mga gano'n ay pinapatatag ko ang sarili ko. Kahit sa sarili koman lang. Hihingi ako ng tawad sa katawan ko dahil hindi ko sya naaalagaan. Sasabihan ko ang sarili ko at pupuriin.
'Wala naman kasing magmamahal at pupuri sa sarili ko kung hindi ako lang.'
Sasabihan ko na napakatatag ko naman. Napakatatag ko dahil kinakaya ko sa bata kong edad ang pagmamalupit ng taong dapat ay nag-aalaga at nagmamahal sa'kin. Nagpapakatatag ako dahil ito lang 'yung paraan para malakaban ako. Sukong suko na'ko.
'Naisip kolang na kapag namatay kaya ako magbabago sya? Masaya na kaya sya?'
Kapag umaalis si dade ay pinapakain nila ako at pinapaupo sa isang sulok. Kinakausap at kinakaawaan.
'Wala naman na akong magagawa. Wala na'kong magagawa kung anong tingin nila sa'kin. Matagal narin naman na akong nawalan ng respeto sa sarili ko.'
(╥﹏╥)
Sa mga panahong nagdaraan lalong lumalala ang kalagayan ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa'kin. Lalong lumalala ang naririnig kong pagbulongbulong. Hindi ko alam kung sino 'yung mga 'yon. Hindi ko sila kilala, parang isang illusion. Walang mukha. Basta may tao lang at sinasabing 'sundin mo ang sinasabi nya kung'di ay lalo ka nyang aayawan'. Natatakot na'ko. Pakiramdam ko pinaparusahan ako sa kasalanang hindi ko naman alam na nagawa kona pala.
'Pagod na pagod na'ko. Bugbog sarado ang katawan ko. Nanakit ang puso ko sa katotohanang ganito ang ginagawa sa'kin ng ama ko. May bumubulong sa'king hindi ko naman kilala sa tuwing sinasaktan ako ni dade. A-ayoko n-na. N-nakakapagod. T-tangina. P-pagod na pagod na'ko. B-bakit p-pinapahirapan ako n-ng ganito? May saltik na'ko sa ulo.'
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
