( Frances Ruiz, Hutt Point Of View )
<<Wed. March. 08. 2016.>>
Nang mga araw na'yon hindi ako nakapasok sa loob ng bahay kubo namin.
'Hindi ko kaya.Hindi pa ngayon dahil sobrang sakit pa. Galit ako, galit na galit. Hindi kopa tanggap na wala na sila nanay, tatay at ang kapatid ko. Nang mga araw na nasa harapan ako ng bahay kubo namin hindi ako makapasok dahil maalala kona naman kung anong pusisyon nila ng bawian sila ng buhay kapag tinuloy kopang pumasok. Naisip kona hindi! Hindi ako papasok do'n hanggang hindi ko nakukuha 'yung hustisya para sa kanila. Kung sino man ang pumatay sa mga magulang ko, humanda sila dahil hahanapin ko sila. Kahit saang parte at sulok ng impyerno ay hahanapin ko sila at ipinaghihiganti yung mga mahal ko sa buhay. Mga walanghiya sila! Pati bata dinamay nila. Mga gago sila!'
Simula ng araw na iniwan ako ng mga mahal ko sa buhay ay iyak lang ako ng iyak. Tinanggap ko sa sarili ko na ilalabas ko muna 'yung sakit sa pamamagitan ng iyak kasi kung hindi ko ginawa 'yon ay baka baliw na siguro ako ngayon. Wala naman kasing naiwan na pamilya ko para damayan ako.
'Hindi ko alam kung kaya kong magsimula ng wala sila sa tabi ko. Hindi ko alam kung sisimulan kopa ba? Hindi ko alam. Wala akong alam. Ang alam kolang ay galit at nasasaktan ako, nangungulila sa paglisan ng mga mahal ko.'
Paano pa'ko gaganahan sa buhay ko kung iniwan na'ko ng nagbibigay lakas at inspirasyon sa'kin? Bakit ba nangangarap ng magandang bubay yung isang tao? Dipa para sa pamilya mo? Bakit bako mag sisikap? Diba para sa pamilya ko? Sigi nga sabihin mo! Ano pang silbi ng paghihirap ko kung wala naman akong pamilya para sa pinaghirapan ko? Paano ko gagawin 'yung best ko kung para sa sarili kolang naman? Sa totoo lang ang gusto ko lang naman magkaroon ng computer, eh! Masaya na'ko doon at ayon lang 'yung hiling ko na magkaroon ako! Pero paano naman sa magandang buhay? Wala na hindi ba? Paano 'yung pag lalaanan ko? Wala na hindi ba? Kaya nung gabing mangyari yon, ayoko ng mabuhay pa. Sigi nga, para saan pa?
Mula ng mga araw na'yon lagi lang akong nakatulala, iniisip na sana panaginip nalang 'yung lahat. Pero hindi, gising na gising ako. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit. Ramdam na ramdam ko 'yung galit. Mula ng mga araw na'yon hindi ako kumakain o umiinom lang ng tubig, wala akong gana. Naisipan koring sumunod sa kanila pero na realize kona walang maghahanap ng hustisya para sa kanila. Hahanapin ko muna 'yung gumawa sakanila no'n, bago ako sumunod kung nasaan sila. Tatanggapin ko sana kung namatay sila sa sakit. Hindi eh, namatay sila kasi pinatay sila ng mga hayop na lalaking 'yon. Wala sigurong mga mahal sa buhay 'yung dalawang bugok na'yon. Hindi sila nag-iisip. Mga demonyo sila. Wala silang pakiramdam. Hindi nila iniisip 'yung mga pamilyang pinapatay nila kung may naiwan bayon o kung may naghihintay sakanila.
'Kung sa pamilya kaya nila gawin 'yon? Ano kayang mararamdaman nila? Hindi ba nila naisip na masamang pumatay ng tao? Wala siguro silang mga pamilya kaya ganon.'
Nang gabing yon, kinuha ako ni tito Amigo. Hindi ko namalayan na dumating pala sya ng gabing 'yon. magtalik na magkaibigan sila ni tatay kaya siguro sya nandoon. Nadatnan nya ako sa sulok ng bahay at umiiyak. Ang mga labi naman nila nanay, tatay at Francisca ay dinala ng mga kapitbahay sa Morgue. May nagpunta rin mga pulis ng gabing 'yon pero wala silang magawa at hindi nila ako mapaalis sa sulok ng bahay.
Ayokong isipin na wala na sila. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na panaginip lang to na gigising din ako bukas o sana bangungot nalang para ako nalang 'yung hindi magising sa katotohanang buhay sila, hindi ba?
Nang gabing yon, sinisisi ko ang sarili ko.
Kung sana nakaabot ako, baka buhay pa 'yung kapatid ko. Nasisi ko rin ang mga pulis na'yon sa galit ko pero hindi kona sinabi sakanila na wala naman silang kwenta. Bakit hindi sila dumating nung papatayin palang sila nanay? Bakit pumunta sila kung kailan huli nayung lahat? Mga wala silang kwenta! Oo hindi nila alam 'yon pero wala ba silang tracker para malaman na nanganganib 'yung tao? Kasi ako? Kayang kaya kong gawin sa mga magulang ko'yon. Nahuli ngalang ako. Pero anong gagawin ng pulis? Iimbistigahan 'yung nangyari? Para saan pa? Bakit mahahanap ba nila 'yung gumawa nyan sa magulang ko kung mag iimbistiga sila? Hindi naman diba?
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
