~♥~ Flashbacks (5) ~♥~

16 4 0
                                        

Natapos ng magkwento si Monkey/ Jakxic at natahimik nanaman kaming mga lalaki rito.

'Na kwento nya sa'min dati ang pinagdaraanan nya pero hindi detelyado katulad ng kwento nya sa isang 'to.'

p>__<q

Tumingin ako sa hawak kong alak at kaunti nalang ang laman nito. Tinungga ko na ang laman para maubos na. Inilapag ko sa lamesa 'yung boteng walang laman at kumuha ng pulutan. Tahimik kami ngayon, mukhang sariwa pa ang kwento ni Jakxic.

" Sorry, nak. Nasaktan kita. Naging pabaya akong ama sa'yo. Inuna ko ang pagiging Mafia ko kesa pangalagaan ka. Nakampante akong maayos kalang sa bahay na binabantayan ng mga tauhan ko. Sorry dahil hindi mo naranasan ang saya ng pagkabata mo dahil sa'kin. Sa mga oras na kasi na'yon, kapag nakita ka ng mga kalaban ko, kukuhanin ka nila upang maging kahinaan ko." Malungkot na pagpapaliwanag ni tito Jaxton sa anak nyang si Jakxic/Monkey.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo.

'Sa lahat ng hirap, bakit may kinalaman pa sa pamilya? Ang hirap kaya no'n.'

pʕ•ﻌ•ʔq

" I understand, dad." Nakangiting sabi ni Jakxic habang naka tingin kay tito Jaxton na ginawang tubig ang alak. Napailing naman ako. Binaba nya ang hawak nyang beer at pinunasan ang bibig. Tumingin sya sa'kin.

" Hindi pa natutuloy ni Durst ang kwento ng buhay nya." Sabi ni tito Jaxton habang nakatingin sa'kin. Tumingin naman sya kay Jakxic. " Hindi kaparin natatapos pero. .. Sisingit muna ako sa kwento dahil nahuhuli na kami ng mga matatandang kasama ko." Sabi nya na ikinatango naman naming lahat.

'Tama sya, kapag nagpatuloy ako sa pagkwe-kwento, maiiwan ang sakanila.'

p‹•.•›q

" Pwede magtanong?" Nakataas ang kanang kamay na sabi ni Frog. Napatingin naman kaming lahat sakanya at tumango.

Tumingin sya kay tito Jaxton at napakamot ng ulo. " Bakit poba kailangan mopang ikulong si Jakxic?" Kunot noong tanong nya na ikinahingang malalim naman ni tito Jaxton.

" Ang mga panahaong bata pa ang anak ko ay 'yung panahong masasabi ko talagang nasa panganib ang buhay namin. Onti-onting nalulugi ang kompanya no'n, nawawala ang konsentrasyon ko sa gano'ng bagay dahil laging sumasagi sa isip ko ang kaibigan kong namatayan ng ama. Bumagsak ang kaibigan ko, ang nangunguna sa lahat ng Mafia. Kaososyo ko sya at alam kong ako na ang isusunod ng gumawa no'n sakanya. Ayokong madamay ang pamilya at mahal ko sa buhay kaya ko nagawa ang ganoong kadesperadong paraan." Mahabang may kalungkutang pagkwe-kwento ni tito Jaxton sa'ming lahat.

'Ahh. ..'yon pala 'yon.'

p●____●q

'May mga bagay ka talagang kailangang isa kripisyo pagdating sa ganitong trabaho. Ayon ang kasiyahan mo.'

pv__vq

" Wala naman na sa'kin 'yon. May pag-iisip naman na'ko ngayon at nauunawaan kona ang lahat. Lahat lahat." Nakangiting sabi ni Jakxic.

'Masaya akong nakakangiti na sya.'

" Osya! Tama na ang drama! Ako na ang susunod na magkwekwento!" Nakangiting sabi ni tito Jaxton habang umaayos ng upo. Nasa kanya naman ang atensyon naming pito ngayon dahil sa sinabi nya.

" Hmm.. . So putol pa ang kwento ng anak ko at ni Durst?" Parang sa sarili nyalang sinasabi 'yon habang nakatingin sa itaas pero napatango parin naman kami. Nasa baba nya ang kanan nyang kamay at mukhang nag-iisip. Napatango rin naman sya.

'Til The Perfect DayWhere stories live. Discover now