~♥~ Flashbacks (4) ~♥~

19 4 0
                                        

( Jakxic Atlanter, Corleone Point Of View)

Takot.

Ayan ang nararamdaman ko ngayon. Umiiyak ako sa takot na baka kung anong nangyare kay mom. Kanina pa ako iyak ng iyak dito pero hanggang ngayon wala parin akong natatanggap na tawag mula kay dad. Kinakabahan nako. Ngayon lang nangyaring may nagtangkang bumaril sa'min ng ganito.

'Pero dapat ba akong matakot? Dapat ba akong umiiyak? Wala na nga akong aasahan dito kung hindi sarili ko kaya hindi dapat ako matakot. Tama. Tama. Kailangan kong maging matapang. Kung gusto kong magaya kay dad ay kailangan kong lakasan ang loob ko. Pagpapalakas ko sa sarili ko.'

p(。ŏ__ŏ)q

Itinigil ko ang pag-iyak at naikuyom ko nalang ang mga kamao ko. Hindi ako papayag na gani-ganituhin lang nila kami nila mom and dad. Hindi na'ko makakapapayag na mangyari ulit to.

'Kung sino man ang gumawa sa mommy ko no'n humanda sya. Hintayin nya ako.'

Weeks past nakalabas narin si mama ng Hospital. Simula ng araw ng may mangyari kay mom lalo kong pinaghusayan ang pag-sasanay kong bumaril. Sinanay narin ako ni dad gamitin ang bagong Sniper na nakuha namin at isa lang ang masasabi ko.

p('∀`)♡q

'Napakaganda.'

Pinangako ko sa sarili ko na kapag gumaling na ako ay ako ang proprotekta sa pamilya ko. Hindi ako papayag na maulit muli ang nangyare kay mom. Gustong-gusto korin ang pag-gamit ng nakuha naming Sniper ni dad. Inalagaan ko ito ng para konaring kapatid. Pinunas punasan ko pa 'to sa tuwing katatapos kong gamitin.

p^_^q

Pinapayagan narin akong lumabas ni dad dahil kaya ko nang protektahan ang sarili ko. Nagsanay rin ako ng hand-to-hand combat at martial arts. Sumubok narin ako sa isang misyon na binigay sa'kin ni dad.

'Ang pumatay ng isang tao.'

Nakokonsensya man ako no'ng una pero no'ng nakita ko kung gaano kasama ang mga taong tinitira ko ng bala sa ulo, nawawala ng parang bula ang konsensyang 'yon.

p(•ω•)q

Natatandaan kopa kung paano ko nagamit 'yung pag-namartial arts ko sa labas nung labing-anim na taong gulang ako (16).

Gabi na ng lumabas ako sa bahay para bumili ng paborito kong Chuckie sa convenience store. Nang paglabas ko ng convenience store ay nakapamulsa akong naglalakad habang ang isa ko namang kamay ay may hawak na Chuckie na sinisipsip ko. Nasa gitna na'kong madilim na daan ng may sumulpot sa'king mga nilalang na hindi kopa nakikita sa tanang ng buhay ko. May tatlo lang namang taong tikbalang sa harapan ko.

'Tsk, papangit.'

┐('д`)┌

Naramdaman kong may papalapit sa likod ko pero wala akong pakialam. Maya maya lang ay ngumisi ang tatlong tikbalang sa harapan ko at may naramdaman akong kutyilyo sa leeg ko.

" HAHA! Sakto 'to, oh? Mukha pa namang mayamang Inglesero." Nakangising sabi ni tikbalang #1

" Ibigay mona'yung pera mo bata kung ayaw mong masaktan." Sabi ni tikbalang #2. Ngumisi naman ako sa kanila.

Binatukan naman sya ng kasama nya.

" Tanga! Inglesero nga, 'diba? Hindi ka naiintindihan nyan, bobo!" Sabi naman no'ng isa.

" Basta, sakto! Mukhang mahina, dre!"

'Mali yata sila ng pinuntahan.'

Kinuha ko yung kutyilyong nasa leeg ko at hinatak ko 'yung mapangahas na kamay na humawak sa makinis kong leeg. Hinatak ko sya hanggang lumipad sya sa ere papunta sa harapan ko. Hawak ko parin ng kaliwa kong kamay ang kanan nyang kamay na nakahawak sa leeg ko kanina nang bumagsak sya sa lupa. Inapakan kong malakas ang dibdib nya sanhi ng panghihina nya.

'Til The Perfect DayWhere stories live. Discover now