A/N: May bagong Character nanaman po tayong makikilala.
◌⑅●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌
Sa Kabilang Banda.. .
( Ethan Euro Eastron Point Of View )
Naka tayo ako ngayon dito sa gilid ng Jollibee at tanaw na tanaw ko ang batang naka upo sa loob at naka harap sa'kin ngayon.
'Isang salita, malungkot. Grabe ang lungkot na pinagdaraanan ng batang 'to.'
Naiisip kona bakit hindi kaya pantay pantay ang pinagdaraanang lungkot ng mga tao dito sa mundo?
Kung titignan mo sya mula sa pagitan namin ay aakalain molang na walang prinoproblema ang bata habang nakapirmi sa upuan nya pero kung pagtutuunan mo sya ng pansin ay nakabalatay talaga sa mukha nya ang lungkot. Nakapagitan sa'ming dalawa ang isang babasaging puting harang kaya kitang kita ko sya ngayon.
'Naawa ako sakanya dahil wala manlang may gustong kumaibigan sakanya.'
Kitang kita korin ang repleksyon ko sa salamin na'to. Bakit kaya kahit nakikita ko sya sa loob ay nakikita ko parin ang repleksyon ko sa salaming 'to? Nakakapagtaka.
'Dahil ba pareho kami ng pinagdaraanan?'
Dahan dahan kong iginalaw ang ulo ko kaya ayon din ang kinalabasan ng itsura kong nakikita ko sa harap. Nangalumbaba ang bata at malungkot na tumingin sa'kin. Isa lang ang ibig sabihin nito, nakikita nya'ko.
'Pero bakit kailangang humantong sya sa ganito kalungkot?'
Tinitigan ko ang batang nasa harap ko. Nahihiwagaan din siguro ang isang 'to kung bakit ang lungkot din ng kaharap nyang lalaki, na bakit nakikita nya ang sarili nya sa lalaking 'yon? Na bakit nag-iisa lang din ang lalaking nasa harapan, kagayan nya. Naiisip nya siguro na hindi na sya mag-iisa dahil may kasama na syang malungkot.
'Well, ako rin naman.'
Tinitigan ko sa mata ang batang kaharap ko ngayon at napakaraming emosyon ang makilita moro'n. Gusto ko syang tanungin kung pagod naba sya pero may nakaharang sa pagitan naming dalawa.
'Halata narin naman sakanya ang pagod.'
Pero kung titignan mo ang isang 'to ay mukhang napakatatag nya.
'Dahil kung hindi sya matatag ay malamang ay matagal na syang sumuko.'
Sabi nga nila magsasama ang mga taong nagkakaintindihan. Gusto kong samahan ang batang nasa harapan ko dahil naiintindihan ko sya. Kitang kita ko ang mga emosyong nakabalatay sa mukha nya pero nagtataka kung bakit hindi 'to nakikita ng taong nasa paligid nya? Gano'n ba talaga sya kagaling magpanggap?
Pinipilit ng bata na masaya kapag kasama ang tatay nya pero sa loob loob nya ay napakasakit.
Ngayong wala sa paligid ang tatay nya ay hinayaan nyang ipakita ang mga emosyon nya sa harap ko.
'Ako nalang ba talaga ang iintindi sa sarili ko sa mundong 'to?'
Napakalungkot ng bata pero walang nakakapansin sakanya. Nasasaktan sya pero wala na ang nanay nya para pasayahin sya. Pakiramdam nya nag-iisa nalang sya dito sa mundo. Walang magpapatatag ng loob nya kung hindi ang sarili nya.
'Ramdam na ramdam ko sya.'
p︶︿︶q
Sumandal ako sa Kawasaki Ninja H2R ko na naka parke rito at tinitigan ang batang nag-iisa nalang sa upuan dahil hinihintay nya ang Papa nya para bumili ng makakain nila.
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
