Natahimik ang lahat at sa palagay ko ay kaialangan konang ituloy ang pagkwekwento kong nahinto.
" Itutuloy kona 'yung kwento ko." Nakangiting sabi ko sakanila kaya nasa'kin nanaman ang atensyon nila ngayon.
Bago ako magkwento ay kumuha ako ng bagong bote ng Redhorse at hinanap 'yung abrelata (opener). Nang mabuksan ko ay tumungga muna ako bago magsalita.
----------------------------------------------------------
*ɴᴀᴛᴀᴛᴀɴᴅᴀᴀɴ ɴʏᴏ ᴘᴀᴘᴏ 'ʏᴜɴɢ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 1? ʏᴇsᴢ! ɪᴛᴏ ᴘᴏ 'ʏᴜɴɢ ᴋᴀᴛᴜʟᴏʏ.
*ᴘᴀᴛɪ ᴅᴀᴛᴇ ᴘᴏ ɴᴏ'ɴ ɪᴛᴏ ᴋᴀᴛᴜʟᴏʏ.
-ヽ(^o^)ノ
-----------------------------------------------------------
Continuation of Chapter 1 ->->
( Durst Point of View )
<<Wed. March. 07, 2017>>
Nagising nalang ako sa malamig na sahig. Nilibot ko ang paningin ko at madilim, mabaho at puro daga't basura lang ang nakikita ko. Nagsisilbing liwanag lang ang butas sa pader na pinanggagalingan ng araw na tumama sa mukha ko kaya ako nagising. Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Gusto kong tumayo pero bakit parang nakatali ang mga paa ko? Tinignan ko'to at nakita kong mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa paa ko. Sobrang sakit rin ng katawan ko ngayon dahil sa mga malalaking sugat na namamaga dahil sa paglatay kahapon.
'Ano bang nangyari sakin? Arrggh!'
Nandilim ang paningin ko ng bigla akong bumangon.
'Nasaan ako?'
Hindi rin ako makapag salita dahil tuyong tuyo 'yung lalamunan ko. Puro sugat ang katawan ko, sobrang hapdi. Sumandal ako sa pader at pinagmasdan ang paligid kung nasaan ako ngayon.
'Natatandaan kona. Naparusahan pala ako dahil sa katangahan ko. E bakit hindi pa nila ako pinatay? Bakit hindi pako namatay? Sakto bagay na bagay ako kung nasaan ako ngayun oh, HAHA! Puro basura. Tsk. Paano nga pala ako uuwi sa orphanage nito? Umalis ako don ng hindi alam ni Mother Lucia, baka hinahanap na'ko nun.'
Tinignan ko ang katawa ko at napailing nalang ako. Puro tuyong dugo, maraming latay na namumula at namamaga, may mga pasa rin ako sa braso. Hindi kona alam 'yung gagawin ko. Hindi kona iisipin ang sarili ko. Ang mahalaga nalang ay si Mother Lucia.
'Paano kaya ako uuwi at pauuwiin kaya nila ako?'
Sinubukan kong tumayo. Nagdahan-dahan ako at kumapit sa pader. Nang makatayo na'ko ay bigla akong tumumba dahil nakatali ang mga paa ko at nanghihina ako.
" HAHAHAHA!" Natawa nalang ako sa kalagayan ko. Umupo ako at inalis ang lintek na tali na makatali sa paa ko wagas. Tumayo na'ko ng dahan dahan at pinulot 'yung damit kong mukang basahan na nasa sahig. May nakita akong Cr na walang pinto at pumasok ako ro'n para linisin ang katawan kong sobrang hapdi.
'Tangina naman kasing makapa parusa, eh!'
Sinindihan ko'yung gripo at sinahod sa timba. Humanap ako ng tabo pero wala akong makita. Tinignan ko 'yung itsura ko sa salamin na basag-basag at napangiti ako. Gwapo parin. Buti nalang wala akong sugat, makakapagdahilan pa ako kay Mother Lucia.
'Katawan kolang pala 'yung tinira ng mga demonyong 'yun ano?'
Napailing nalang ako.
[{‹•.•›}]
Nang mapuno na sa kalahati 'yung timba ay ibinuhos ko na sa katawan ko.
BẠN ĐANG ĐỌC
'Til The Perfect Day
Ngẫu nhiênKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
