( Ethan Euron, Estron Point Of View )
Dahan dahan kong itinaas ang kanang kamay ko para hawakan ang nakaukit sa harapan ko. Bawat letrang naka ukit ay syang sakit na dala sa'kin nito. Ito ang pinakaayokong makitang bagay sa buong buhay ko, pero ito ako, kaharap ang kinakatakutan ko. Pilit na nilalaban ang mga luhang nagbabanyang tumulo sa mga mata. Sa lahat ng mga bagay na nahawakan kong nakakurba, dito ako nakaramdam ng sakit, sakit na dulot ng pangungulila. Pangungulilang makakasama ko hanggang pagtanda. Sa lahat ng bagay na pwedeng mangyari sa buhay ko, ito ang hindi ko tanggap. Hindi ko tanggap pero wala eh, katotohanan na mismo ang sumampal sa mukha ko. Pwede akong matanggalan ng isang kamay, mawalan ng paningin habang buhay, ibang paghihirap na pagdaraanan ko para lang sa taong mahal ko, pero ito? Napakasakit. Hindi ko'to kaya. Hindi ko kaya ang ganitong sakit, hindi ko kaya ang ganitong sitwasyon. Hirap na hirap na'ko.
'Potang sakit na nararamadaman na'to! Walang katapusan!'
Kailangan ba sa buhay kona bawat segundong naninirahan ako sa mundo ay may nararamdaman akong sakit? Hindi naman, 'diba? Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko sa Panginoon at pinahihirapan nya'ko ng ganito.
'W-wala n-maman a-akong nagawang m-masama. N-nagangarap lang n-naman ako.'
Hinawakan ko ang maikinis na bagay na nasa harapan ko at dinama ang pakiramdam na walang iba kung hindi sakit. Itinaas ko ang hintuturo ko para sundan ang mga letrang naka ukit sa mahal na marmol. Ukit na kahit anong gawin ko ay hindi mabubura. Gusto kong baguhin ang pangalan na nakaukit dito at palitan ng pangalan ko.
'S-sakit. Puro nalang s-sakit. H-hindi ako makapaniwala.'
Pakiramdam ko nabuhay ako sa mundo para makaramdam lang ng sakit. Tuwing may masayang pangyayari na mangyayari sa buhay ko ay napakaraming lungkot ang kasunod no'n. Gusto kong mamuhay sa mundo namay kasamang pamilya pero bakit ang hirap naman makamit nito?
Ang dami kong nakitang bulaklak kanina pero 'tong bulaklak na nasa harapan ko ang ayokong makita. Napakakulay ng pekeng mga bulaklak na nadito pero hindi mababago no'n ang katotohanang inaalay ang ganitong mga bulaklak sa isang taong yumao na.
Napatingin ako sa baba kung saan may isang kandilang nakatayo kahit na upod na upod na'to. Ito 'yung kandilang nag-iisa sa dilim. Na kahit na anong iyak nya ay wala na talagang mangyayari, na mag-isa nalang talaga sya wala ng taong magpapasaya sakanya kung hindi ang sarili nya. Umiiyak sa taong mahal nya pero wala, walang nangyayari. Upod na sya, hindi na nya kaya, pero ano ba ang magagawa ng kandilang 'to? Kahit ibuhos pa nya ang luha ay wala talagang mangyayari. Kailangan nyang maging matapang sa dilim para lang makaahon at mabuhay.
May tumulong nag-iisang luha sa mata ko.
'Hindi kona kaya.'
Ang mga bagay na nasa harapan ang magpapatunay na wala na ang Papa ko. Ang magpapatunay na wala na akong kasama at dadalhin ko ang sakita't alala na'to habang nabubuhay ako.
'A-at ayokong n-nakakakita ng ganitong mga b-bagay.'
Mula no'ng mawala ang nanay ko ay ayoko ng makakita ng ganitong bagay. Pero pota nga naman! May ganito nanaman sa harapan ko.
" Pa, alam moba no'ng mga araw na'yon ay napakasaya ko? Napakasaya kona nakalimutan kona hindi mopa'ko binabalikan mula no'ng umalis ka." Sabi ko kay Papa habang nakatingin sa marmol nya.
Napakasaya ko ng mga araw na'yon. Nagkaroon ako ng kaibigan kahit pansamantala lang. Naalala kopa 'yung gabing sinundo ako nila Durst sa bahay. No'ng mga oras na'yon, nakalimutan kong may hinihintay pala akong bumalik. Mula no'ng mga oras na'yon, sinariwa ko muna ang saya.
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
