( Durst Point Of View )
Wala pa yatang limang minuto pero bumalik na ulit si Frances dito sa sala ng nakangiti. Umupo ulit sya sa sofang inupuan nya kanina.
" Durst, pwede na kayong pumunta sa hotel ng hayup na'yon habang hinahalay pa nya 'yung bata. Ako 'yung magiging pangatlong mata nyo ni Jakxic. Tapus magdala karin ng pampatulog Durst in case na hindi makasingit si Jakxic," sabi ni Frances sa'kin.
'Hmm, parang 'yung dapat lang talaga na mangyari kasi depende yan sa kakayahan namin.'
" Kumilos na kayo. Mag-uusap nalang tayo sa earpiece," sabi ni Frances at tumayo na'ko.
" Magpapalit lang ako ng damit," sabi ni Jakxic at tumayo narin sya. Tinignan ko'yung soot ko at nakapambahay pa pala ako. Tumayo narin ako para makapagpalit sa tinutulugan kong kwarto na katabi ng kwarto ni Jakxic.
Black T-shirt, denim jacket, black denim jeans, white sneaker, shades at black hat 'yung suot ko ngayon.
'Sa totoo lang ngayon lang ako pumorma ng ganito pero ayos lang naman.'
Nang nakapag-ayos na'ko ay bumaba na'ko agad. Pagbaba ko ay naka ayos narin si Jakxic ng damit pang sniper at ina-asemble na nya 'yung baril na gagamitin nya.
" Malala! Ang astig ng sniper mo! Saan mo nakuha 'yan?" Manghang tanong sakanya ni Frances na hindi maalis 'yung tingin sa baril na hawak ni Jakxic. Ngumiti naman si Jakxic habang ekspertong inaayos 'yung sniper nya.
" Ang cool mo bro," sabi ko sakanya at lalo syang ngumisi kaya nagmukha na syang aso. Napangiwi naman ako.
(^ω^)-> Jakxic
(。'▽'。) -> Frances
◐.̃◐ -> ako
" Nakuha namin 'to ni dad nung 11 y/o ako. Birthday ko noon at 'yon 'yung unang araw na lumabas ako ng bahay na walang bantay," sabi nya habang nakangiti at ipinasok nya na sa itim na bag 'yung sniper nya.
" Tara na." Sabi ko sakanya at lumabas na kami. Umayos naman na ng upo ni Frances at mukhang magseseryoso na sya sa mga oras na'to.
" Durst, Jakxic, goodluck," sabi nya at tumango naman kami ni Jakxic.
Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay agad kami sa Lamborghini ni Jakxic at kagaya ng dati ako ang nag-maneho nito para mabilis. Wala pang trenta minutos ay nakarating agad kami sa parking lot ng SM malapit sa hotel ni Benedicto. Sa tago ko ipinarada 'yung Lamborghini ni Jakxic para hindi agaw pansin. Mabilisan kong nilakad 'yung papunta sa hotel ni Benedicto at si Jakxic naman ay humiwalay ng daan sa'kin isa pang agaw pansin sa mga mata ng tao 'yung soot nya ngayon.
" Nakapasok na'ko sa Benobreeze Hotel," sabi ko sa earpiece.
" Nakakuha na'ko ng pwesto," sabi naman ni Jakxic.
" Good lang tayo. Jakxic tama lang 'yung building na napag taguan mo and Durst ikaw ng bahala sa taas. Busy si Benedicto dahil may hinahalay pa sya samantalang 'yung mga tauhan naman nya nag-iikot ikot. Kayo ng bahalang dumiskarte," sabi ni Frances sa earpiece. Hinanda ko 'yung sarili ko at sumakay na ng elevator.
( Asungot's Point Of View )
" Pre ano 'yung nangyare at pinapaikot tayo ni Boss sa buong Floor?" tanong ko sa kasamahan kong bodyguard ni Benedicto.
" Ano kaba pre hindi kana nasanay! Ano pang gagawin natin dito kung hindi naman natin babantayan si Boss?" sabi ng kasamahan ko.
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
