'Diba sabi nila 'Sa Jullibee bida ang saya?' eh bakit kung titignan ko ang batang 'to ay napalalungkot?'
Ramdam ko ang lungkot ng bata.
'Bakit kaya? Dahil nabasa ko'yung nasa isip nya at nakabalatay lang sa mukha ang lungkot nya? Parang ako?'
Malungkot ang bata dahil iniwan sya ng ama nya para umorder ng makakain nila. Mababaw na dahilan pero naiintindihan ko ang nararamdaman nya.
'Iniisip nya na iniwan narin sya ng tatay nya. Natatakot sya.'
Hindi mababaw na dahilan 'yon, para sa'min.
Masakit. 💔💔💔
Ramdam ng bata na pati ba naman ang tatay nya ay iniwan sya. Na sa lungkot nya ay pati ang mga simpleng bagay ay nahahawaan nya ng malungkot nyang enterprentasyon. Kinain na sya ng negatibong pag-iisip.
'Hindi ko sya masisi, pareho lamang kami.'
Alam kong namatayan ng ina ang bata. Bakit ko nalaman? Magaling ako sa pagbabasa ng mukha at iniisip ng mga tao. Kitang kita ko ang sarili kong 'yan sa bata. Malungkot, nag-iisa sa malawak na lugar, dinaramdam 'yung sakit ng alaalang parang kutyilso na humihiwa sa puso namin.
'Parehong pareho kami.'
Nakalipas na ang ilang minuto pero hindi parin bumabalik ang tatay nya. Kitang kita kona ang takot sa mga mata ng batamg kaharap ko. Mula sa galaw ng bibig at mata nya, kitang kita talaga ang takot do'n. May tumulong luha sa mga mata ng bata na pinaka ayaw kong makita.
💔
Tinitigan ko sya ng may pakiramdam na nasasaktan. Umalis ako sa pagkakasandal ko at dahan dahang lumapit sa salamin na nakapagitan sa'ming dalawa pero nasa gitna palang ako ng aking paglapit ay bigla nalang naglaho ang batang nasa harapan ko at bigla nalang pumalit ang lumuluha kong mukha. Lumapit ako sa salamin at mukha ko talaga ang nakikita ko. Napatingin ako sa baba at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Walang bata. Walang bata dahil malaki na sya ngayon at heto na'ko. Napakatagal na pero nasasaktan at hindi ko parin tanggap na wala na ang nanay ko. At ang pinakamasakit ay.. .
'Tatlong buwan na ang nakakalipas nang nawala na ang presensya ng papa ko. Hindi kona sya makikita.'
💔💔💔
'M-masaya naman ako kasi kasama na sya ni nanay ngayon at alam kong masaya na sila do'n.
Iniwan narin ako ni Papa.'
Sa dami kong lugar na pag-iiyakan ay dito pa talaga sa maraming tao. Pinunasan ko ang luha ko at lumayo sa salamin. Kitang kita ko ang pagtataka, gulat ng kumakain sa loob kung bakit may lalaking umiiyak sa harapan nila. Nakita ko agad ang mga panghuhusgang nasa mukha nila. Hindi man nila sabihin pero nakikita ko.
'Wala na'kong pakialam. Tao rin naman sila. Basta ako, malungkot ako.
Dahan dahan akong naglakad palabas ng parking lot kung nasaan ako at tuminin sa kalangitan.
'Napakalungkot ng mga ulap.'
Mula sa kinakatayuan ko ay kitang kita ko ang Carriedo fountain. Napakaganda ng fountain na'to. Nakabukas ang mga tubig sa gilid nya. Tubig na dumagdag sa disenyo at ganda nito dahil bumubulusok 'to pataas. Habang naglalakad ako ay may nadadaanan akong mga tao. Hindi maiwasan na mabasa ko ang mga itsurang naka rehistro sakanila.
Dahan dahan akong naglakad at inobserbahan ang paligid. May kanya kanyang ginagawa ang mga tao. Kung titignan ay akala mo totoo lahat ang ginagawa at pinapakita nila pero, hindi. Tumingin ako sa kanan ko at puno ng nagtitinda rito. Sari-sarili silang diskarte para mabenta ang mga paninda nila.
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
~♥~ Flashbacks (26) ~♥~
Start from the beginning
