CHAPTER 52 (Last date?)

307K 4K 113
                                    

"Rylie! Dalian mo magayos! Kanina pa naghihintay si Tyler."

Eh? Tama bang ilaglag ako ng ate kong 'to?

Kainis. Bakit kasi kailangan pang magdate bago maghiwalay. Edi lalo lang kaming masasaktan. Wala nga kaming pinagawayan e. Kaya mahirap mag let go. Awayin ko kaya? Hay nako! Kasi naman e. Baka mamaya hindi ko na siya kayang pakawalan...

Kailangan kong pakawalan ang isang taong mahal ko hindi dahil may kasalanan siya, kundi dahil sa sarili ko! Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. Kailangan ko munang matutunan itaas ang sarili ko. 

Bumaba na ako...

"Nag-ayos ka pa talaga ah." Sabi ni Achi. 

"Ako? Ayos? Weh? Neverrrr." Sorry, pakipot talaga ako e. Hahaha!

Tumatawa silang dalawa...

"Bakit kayo tumatawa?!

"Wala! Ang ganda mo kasi e." Sabi ni Tyler, ahihihi. 

"Talaga? Bola! Sa tingin mo, maniniwala ako sayo?"  

Ito na naman ako... -__- Hahahaha!

"Maniwala ka, maganda ka talaga." He said seriously. 

"Asaaaa!"

"Let's go?

"Go! Dalian niyo!" Sigaw ni Achi sabay tulak sa amin palabas ng pinto. Mas excited siya sa akin. Hahaha!

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa tabi tabi lang." Ayos din sasagot tsong ah? -__-

"Okay." Gusto ko sanang sabihin na nag ayos pa naman ako para lang dito kaya lang ayoko. Baka lumaki ulo at magkaroon ako ng kadate na may hydrocephalus.

Lumabas na kami at sumakay sa tricycle papuntang terminal. Umupo na kami sa bus at hinawakan niya yung kamay ko...

"Tingnan mo yung dalawa oh, lalanggamin na." Narinig ko sa likod. Bibitaw sana ako pero lalo pang hinigpitan ni Tyler...

"Uy, nakakahiya." Lalo pa niyang hinigpitan.

Hinayaan ko na lang siya. Naiiyak ako. Tae! Tae! Tae! Please wag kang iiyak dito sa bus Rylie. Control your tears! Wag kang iyakin. Wag kang crybaby! Ugh. Kinikilig kasi ako. Pag kinikilig talaga ko, naiiyak ako. Pati naiiisip ko din na last na 'to. AYOKO SIYA PAKAWALAAAAAAN!

"Inaantok ka ba?

"H-h-ha?" Hiniga niya ako sa dibdib niya. DIBDIB talaga, hindi balikat? Hahahaha! Kaloka ka talaga Tyler! Ibang klaseeee. 

"Naririnig mo ba yung tibok ng puso ko?"

"Oo?"

"Ikaw lang ang tinitibok nito."

At dahil diyan, "HAHAHAHAHAHAHA TAE TYLER! HAHAHAHAHA!" Hindi ko mapigilan matawa. Hinampas ko siya. Nakatingin lang siya sa akin na parang nagtataka kung bakit ako tumatawa. Hay na ko wala nga palang experience sa panliligaw 'to. Di marunong mangchixx! 

"Corny mo 'te!" Sabi ko kaya nag pout siya. OMG, his lips!!! Weakness ko yun e! Buti na lang talaga hindi siya naninigarilyo. Hindi kasi itim labi niya unlike other guys. Hehehe! 

Napansin ko na lang na nakatingin na yung mga tao sa akin dahil siguro sa ingay ko. Muahaha! Kaya tinakpan ko lang bibig ko.

"Ingay kasi e. Palibhasa, kinikilig." He rolled his eyes. Aba't niloloko ako ng lokong 'to ah. Wag siyang ganyan at kinikilig ako. Pwede na kong mamatay!!!

"Corny mo kaya!" I rolled my eyes, too. Ha! Akala niya siya lang. 

"Mahal naman kita.

"Ikaw na!"

"Tayo na." Hindi ko na mapigilang matawa at hinampas ko na siya ng bonggang bongga. Hindi talaga mapigilan ng kamay ko e. Hahahaha!

"Saang site mo na naman ba nabasa yung mga yan o kaya saang bookstore mo nabili yung mga cheesy lines mo na yan. Alam mo kasi, may technique diyan e. Hindi naman sa lahat ng oras madadaan mo yung babaeng gusto mo sa cheesy lines kasi yung ibang babae, talagang nakocornyhan sila sa mga ganyan."

"Dami mong alam ah." Of course! Nagsusulat at nagbabasa ata ako sa internet. Nanonood ako ng movies at madami pang iba. Malamang madami akong alam dahil sa pagka-hopeless romantic ko. Muahaha! 

"Totoo naman e. Gusto mo ba malaman kung anu ano yun?" Tumango lang siya. Fail talaga siya manligaw. Haaaay. 

"Kung gusto mapakilig yung babaeng mahal mo, unang gawin mo, tumingin ng malalim sa mga mata niya." With hand movements pa yah ah. Napatingin naman ako sakanya at napakalalim ng tingin niya sa akin. Malagkit na ugghhh. Pag ako di nakatiis, magagawa ko ang di dapat.

"Uhmm..." Umiwas ako ng tingin sakanya. "Tapos ngumiti ka sakanya." Sabay tingin sa taas dahil iniimagine ko yung ngiti niya.  "Yung ngiting pampalaglag... Ah basta. Yung ngiting hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya."

"Ganito ba?" Tumingin ako sakanya and oh no. Mas masaklap 'to sa iniimagine at ineexpect ko. Oh Lord. Killmenow! Hahaha! Napalunok ako. Kinalikot ko yung bag ko at kinuha yung camera. Sabay picture sakanya.

"Gotcha! Pogi mo talaga!" Nakangiti pa din siya pero close yung mouth. Alam mo yung parang kinikilig na pinipigilan tumawa. Napayuko siya. Tapos tumingin na naman siya sa akin ng malalim at ngumiti na naman ng nakakapangakit. Pag yan ginawa niya sa ibang babae, makakapatay ako. JOKE LANG PO. HAHAHA!

"T-t-tapos pag nakita mong nilalamig siya, ilagay mo yung jacket mo sa shoulders niya! Ay nakooo!" Buti na lang hindi ako nilalamig ngayon. Kinikilig kasi ako e.

"Tapos hawakan mo din yung kamay niya ng biglaan or yakapin mo siya. Kiss her on her forehead kasi doon niya mafifeel na iniingtan mo talaga siya and special siya sayo. K? Tandaan mo yan ah. Wag mong ilagay sa tenga mo. Ilagay mo sa utak mo."

Hinawakan niya yung kamay ko...

"Hoy hoy! Binibigyan lang kita ng techniques." Sabi ko kahit na halata namang nagbablush na ko. Jusko po, jusko po, jusko po. 

"Sabi mo gawin ko 'to sa taong mahal ko." Sabay ngiti. Sineseduce ba niya ko? Yung totoo? Medyo kasi effective, you know. MEDYO? HINDI MEDYO! HAHAHAHA labo ko sorry!

"Ah basta tandaan mo yan at ilagay sa utak mo para pag may iba ka na hindi ka na poor manligaw...

"Hopeless Romantic ka nga talaga!" Iniiba niya usapan.

"Oh yes. I'm in love with love," I smiled sweetly. Oh love. Love love love.

"And you're in love with me." Speechless.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon