CHAPTER 37 (Hindi pa ba nagsususpend ng klase??)

267K 3.8K 135
                                    

CHAPTER 37

(JAMILAH RYLIE'S POINT OF VIEW)

Pinagtitinginan kami ni Tyler ngayon sa school. Ngayon lang ba nila kami nakikitang magkasama? Lagi naman kaming magkasama ni Tyler ah? Yun nga lang, sabay kaming pumasok ngayon. Kumindat pa nga sakin si Gelo eh. Fan daw kasi siya ng love team namin ni Tyler. Amp. Anong love team pinagsasabi niya? Pero ang sweet talaga niya. *ehem* Tiningnan nga pala siya ng masama ni Tyler at tinanong kung sino yung bago kong lalaki. Sabi ko na lang, 'wala'.

"Kayong dalawa haaa? Anong ginawa niyooo?" Hinarang kami ni Lynne. Si Lynne talaga! Parehas silang chismosa ni Aisha. Fine, ako din! Pare parehas kami. Hehe! Speaking of, nasaan na ba si Aisha? Lagi ko na lang siyang nakikitang wala ah. 

"Ha?" I asked. 

"Sabay kayong pumasok diba?" Tiningnan niya kaming dalawa ng nakakalokong tingin at ngiti. 

"Ah. Nagpunta kasi si Tyler sa bahay kaninang maga. Bored daw kasi siya." I smiled at her. Tumaas naman isang kilay ni Lynne...

"Oooh. Bored pala ah?" Nagtinginan si Lynne at Tyler. Nakangisi lang si Lynne na parang hindi naniniwala. Pinandilatan naman ni Tyler si Lynne. May tinatago ba sila sakin? Ano meron? Di ko sila gets! Amp.

Pumasok na lang ako sa room at umupo. 

Nakita ko naman si Tyler na may binulong kay Lynne. Ang dayaaa! Teka, nasaan ba si Aisha? Absent siya di man lang nagsasabi. Hmp. Bakit ba pakiramdam ko lahat ng tao ngayon eh may nililihim sakin? Nakakaloko na ah.

Tinabihan ako ni Tyler sa upuan since wala si Aisha. Tinukso pa nga kami ng mga kaklase namin. Geez! Wag kayong ganyan, kinikilig ako. LOL! Landi.

Natapos na ang 1st and 2nd subject pero wala atang nakinig saming dalawa ni Tyler. Nag tic tac toe, SOS, Flames, at Smash lang kami. Syempre, ako ang pasimuno! Hindi nga alam ni Tyler yun eh. Kawawa naman. Walang childhood. LOL! Pero kahit na ganun, natalo pa din niya ako ng bonggang bongga sa tic tac toe at SOS. Hindi rin kami ang nagkatuluyan sa SMASH at FLAMES. Nakakalungkot nga eh pero wala naman akong magagawa... Hayy.

"Wag ka ng malungkot. Hindi naman hawak ng flames at smash puso natin diba?" He winked. Mukhang naweirdohan siya sarili niya kasi kumunot yung noo niya at umiling iling. Nawala naman ang lungkot sa mukha ko nung sinabi niya yun at hinug siya ng mahigpit. Tinukso nga ulit kami kasi madaming nakarinig saming dalawa.

"Nakakainggit talaga kayo! Kainis!" Sabi ni Gia pero pabiro lang at umalis na kasama si Rachelle. Anong dapat ikainggit niya eh ang ganda ganda kaya niya pati si Rachelle. 

"Kain na tayo." Aya ko kay Tyler.

"May kailangan pa ko kausapin eh. Pasama ka muna kay Christian." Tumango naman ako at umalis na siya. Tinext na ako ni Christian tapos pinuntahan ako sa classroom. SECTION II lang naman siya kaya magkatabi lang kami ng room.

Tumambay muna kami ni Christian sa room at nagkwentuhan. After ilang minutes, sobrang nilamig na ko kaya napagdesisyunan na namin lumabas ng room pero paglabas ng room, mas malamig pa pala! Ang lakas naman ng ulan.

Pagbaba namin ni Christian... 

Nakasalubong namin si Josh at Janilyn. Wow. Magkasama sila? 

"Hi Josh. Hi Janilyn. Kayo ha." Inis ko sakanila. Kumunot naman noo ni Josh.

"Ikaw talaga, Rylie. Nasaan si Justin?" Tanong ni Josh. Ginulo niya buhok ko. Nakita ko naman si Janilyn na nakayuko at nagbblush. Tyler, bakit ba ang haba ng hairlaloo mo?

"Ewan ko eh. May kakausapin daw. Sige na Josh, nagugutom na ko. Bye!

Umalis na kaming dalawa ni Christian pero habang papunta kami ni Chris sa cafeteria, nakita ko si Tyler na kasama si Ariza sa school veranda...

Hindi pa ba magsususpend ng klase?? >____<

TO BE CONTINUED...

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon