CHAPTER 15 (TYLEEEER, PLEASE REPEAT?)

323K 5.8K 1.2K
                                    

CHAPTER 15

It's been a week simula ng nagsstay sa bahay sila Tyler, Aisha, at yung kambal. Pati na din si Achi. Ang gulo nga eh. Parang ayaw na niya bumalik sa condo niya. Nageenjoy na yata dito sa bahay kahit na lagi silang nag-aaway ni Janine. Oo, nagaaway pa din sila kahit halata mong gusto na nila yung isa't isa. Nakakatuwa nga eh.

It's been a week din since walang tigil ang hate mails ko. And landi ko daw, slut daw ako, etc etc etc. Nasanay na nga ako eh. Syempre nasasaktan pa din ako sa mga pinagsasabi nila kasi alam ko sa sarili kong hindi totoo mga yun pero hindi na ako nagpapaapekto. Nginingitian at tinatawanan ko na lang. Ako naman si Rylie diba? Ang masiyahing si Rylie.

"Tyler, gawa na phone mo!" Sumigaw ako sa hallway habang nakatalikod si Tyler kaya nagtinginan yung mga tao sa akin. Nagulat naman ako kasi imbis na ikahiya niya ako, humarap siya sa akin at ngumiti. Tumakbo ako papunta sakanya at binigay yung phone niya with matching key chain na ginawa ko. 

"Ano 'to?" Tinuro niya yung keychain habang hawak hawak phone niya. 

"Ayaw mo? Akin na nga!" Kinuha ko naman phone niya para kunin yung keychain pero hindi niya ito binalik sakin. Inakbayan niya lang ako habang nilalaro niya yung keychain sa isang kamay niya. Tiningnan ko naman siya, aba ngiting ngiti ang loko. Aaminin ko, these past few days, naging close din talaga kami. 24/7 mo ba naman kasama ang isang tao, di kayo maging close?

Si Aisha naman kasi, puro si Drei. Si Lynne, puro si Brylle. Mukhang may pinaplano nga yung apat na yun eh. Pati si Achi at boyfriend niya! Ughhh. May time nga, ikinulong nila kami ni Tyler sa iisang kwarto kaya ang ginawa na lang namin, nag jack em poy kami. Kung sino talo, pitik sa noo. In fairness, namula noo ko. Biruin mo, nakuha niya pattern ko sa jack em poy samantalang hindi ko nga alam na may pattern ako sa jack em poy. 

Pero di na ko umaasa kay Tyler. Halluuuur. Ang hirap niyang abutin 'te. Tama na 'tong pagpapanggap namin na kami. Masaya naman ako eh. Kahit hopeless romantic ako, realistic pa din naman ako. Oh well, that's life.

"Bro, tingnan mo oh. Si Rylie kasama na naman yung boyfriend niya. Buti nakakatagal sakanya no?" Narinig ko si Leo kasama si Jake, Harold, at yung isang lalaking hindi ko kilala. Mga exes ko talaga oh. Maguusap na nga lang, rinig na rinig pa ng mga tao sa paligid. 

"Sus, di tatagal yan. Mga 1 week siguro, break na yan." Sabi naman ni Harold. 

"4 days." Si Jake naman nagsabi nun. Hoy, di ba nila alam na nakakasakit na sila?

"Bro, balita ko naglilive in na sila eh? Siguro mga 3 months? Gamit na eh." Kumulo yung dugo ko sa narinig ko. Gusto kong sumabog sa harapan nila nang masunog sila pero hindi ko magawa. Masyado kasi akong... duwag. UGHHH.

Kaya nga nagulat ako kasi hindi ko napansin na umiiyak na ako. Hindi ko din napansin na yung katabi ko kanina eh nasa harap na ng mga lalaking nanloko sakin...

"Ano pangalan mo?" Seryosong tanong ni Tyler. Nakita ko yung fist niya na nanggigigil and anytime, pwede na niya silang suntukin pero halata mong pinipigilan niya. Hindi naman war freak si Tyler. Hindi siya yung lalaking nagpapadala sa emosyon niya. Halatang mature na siya mag-isip hindi gaya ng iba na konting inis lang, ginagamit na agad yung lakas nila. 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon