CHAPTER 30 (I love my bestfriend! <3)

323K 4.9K 763
                                    

CHAPTER 30

Ayoko na talaga! Ayoko na dito! Hindi lang isang multo, kundi dalawa! DALAWANG MULTO! Can you imagine that? Yung isa, nakabangga ko at hinila yung paa ko. Yung isa naman, nakabangga ko kaya ito, nakaupo na ako sa floor. Yumuko ako, yinakap ko legs ko at umiyak ng umiyak. 

Pag nakita ko talaga si Aisha, sasakalin ko yung babaeng yon! Tama ba kasing mag movie marathon ng horror movies. Kakapanood ko lang eh! T____T Naaalala ko si Shomba, ang multong artista. Si Sadako, lumalabas sa TV. Yung nasa Shutter, The Grudge, at iba paaa! Kung kayo kaya nasa kalagayan ko, hindi ba kayo iiyak? Ay. Ako lang pala 'tong sobrang duwag. Nagpapasama pa nga ako maligo sa CR eh T___T

Teka, nahahawakan na ang multo ngayon? Naramdaman ko naman na nagkailaw na kaya unti unti kong tinaas ulo ko habang tumutulo yung luha ko sa mukha ko. Nakita ko na may dalawang gwapong lalaki na nakatayo sa harap ko...

"Rylie/Tyler/Josh?" Sabay sabay naming sinabi habang ako, humihikbi pa din. 

"Magkasama kayong dalawa?" Sabay sabay naming tanong. 

"Hindi." Sabay sabay din naming sagot.

"ANO BA!" Sabay sabay ulit kami.

Grabe, nanginginig pa din ako sa takot. Hindi ako makaget over sa kanina! Akala ko talaga multo! Akala ko multo na! Yumuko na lang ako, yinakap ulit legs ko, at umiyak ulit. Hindi ko mapigilan, natatakot talaga ako. Hindi ko naman kasi alam na dalawang anghel pala nasa harap ko! Kung alam ko lang, edi sana ginrab ko na yung opportunity na yakapin sila! LOL!

"Uy, Rylie. Okay ka lang?" Naramdaman ko naman umupo si Josh tapos inakbayan ako...

"Mukha ba siyang okay? Tabi nga diyan." Inalis ni Tyler kamay ni Josh sa balikat ko at hinug ako.

"Jamilah..." I'm still sobbing. Ang duwag duwag ko naman kasi eh! Siguro lahat na lang ng kahinaan sa mundo, sinapo ko. Jusko! "Heyy, don't cry. You're safe. Hindi kami multo, ok?" Dagdag ni Tyler.

Inalis niya pagkakahug niya sakin at hinawakan dalawang balikat ko. Yumuko naman ako...

"Hey. Look at me." Tumingin ako ng dahan dahan sakanya habang humihikbi pa din. He wiped my tears and smiled. Nakakalusaw ::)

"Ang cute cute mo!" Pinisil niya pisngi ko, "Aaaaaw!" Napasigaw ako at hinampas hampas ko siya. Hooong sakit kaya! 

"Ano ba pre, nasasaktan si Rylie." Sabi ni Josh kaya tiningnan siya ni Tyler...

"Pinapatawa ko lang siya." Pinapatawa daw. Neknek niya! Hindi porkit gwapo siya, pwede na niyang hawak hawakan ang makinis na face ko. Paano na lang pag nagkapimples ako? Wala na ngang nagkakagusto sakin tapos dadagdagan pa niya! Amp.


Binalik ni Tyler yung tingin niya sakin at muling hinawakan yung dalawang balikat ko...

"Listen to me, Jamilah. Tandaan mo lahat ng sasabihin ko sayo." I just nodded. Di ako mapagsalita, ewan ko kung bakit. Akala ko talaga multo eh. Naiimagine ko si Shomba o si Sadako. Pati yung bata sa The Grudge! Ayokoooo naaa!

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon