Facts and Game Winners

203K 2.4K 97
                                    

FACTS:

2010 noong sinulat ko ang Hopeless Romantic sa Creative Corner Candymag. Hindi pa uso nun yung mga love stories na mayroong pustahan at may title na hopeless romantic. Truth to be told, sinulat ko ang book one dahil gusto kong i-sulat ang book two.

Book one: Rylie was very hopeless romantic. She was too dependent. Syempre naman, sino bang hindi magiging independent kung meron siyang nanay, tatay, kapatid, at best friend na protective sa kanya? Soft man siya, pero she was really strong. Hindi lang halata. 

Book two: Hindi lang naman yung video ang dahilan kung bakit naging bitter si Rylie. Yung video lang ang nag trigger, pero hindi lang 'yun ang dahilan. As I mentioned, laging nag-aaway parents dahil sa babae at niloko rin siya ng tatlong lalaki. Kung si Tyler at Aisha, kaya siyang lokohin, paano pa kaya ang ibang tao? Na-trauma siya just like other women na naloko. We could never blame them.

Anyway, back to book one...

Sinulat ko ang book one dahil noong highschool ako, addict talaga ako sa mga koreanovelas pati sa mga online stories. Nagpupuyat ako para mag-basa at manood. Ewan ko. Mahilig ako manood at mag-basa, pero ayoko naman ng love life.

Sinulat ko yung book one dahil noong nag-sulat ako ng script para sa radiodrama namin para sa isang subject tapos napuri ako ng teacher ko. Sobrang excited ko nun kaya kinwento ko sa sister ko also known as Achi tapos pinagsabihan niya akong hopeless romantic.

Pero I wrote book 1 dahil maraming hopeless romantic sa mundo and I wrote book 2 dahil maraming bitter sa mundo, lalaki man o babae. Kaya ko sila sinulat dahil gusto ko ma-realize ng mga tao na lahat ng sobra, masama. Sa sobrang pagkahopeless romantic ni Rylie, naloko siya. Sa sobrang bitter niya sa book 2, naging shallow siya.

GAME WINNERS:

5th place: cyrenegrgz

Gusting gusto ko yung sinabi mo about sa malalaman mo na mahal na mahal na mahal ka ng isang tao pag minahal niya imperfections mo. Gusto ko rin yung, "The story taught me that yung akala mong okay na, na siya na ang 'the one', sa huli, hindi pa pala tapos yung challenge. Na may pagdadaanan kang pang pain na mas higit na masakit kaysa sa mga naranasan mo na." I agree with this. What doesn't kill us makes us stronger, right? Si Rylie, naging mas matapang siya dahil sa mga experiences niya without seeking revenge.

4th place: Mindyosaaa

Thank you for being honest. And yes, exactly, Rylie reflects today's teenagers. Nakakainis man minsan dahil ang OA na at puro love life ang iniisip, pero yun ang totoo. Gusto ko talaga yung pag compare mo kay Rylie sa mga teenagers dahil yun ay isa sa mga goals ko. Kaya nga may book 2 dahil doon ko naisulat na there's more to life than love. Hindi masamang umasa basta wag sobra at hindi masamang protektahan sarili mo, pero wag naman sa point na hinding hindi ka na magtitiwala sa ibang tao. 

3rd place: Haniexine

Nagustuhan ko 'to kasi sinabi niya talaga kung ano yung insights niya at kung paano nabago ng Hopeless Romantic yung mga pananaw niya sa love at iba pang bagay. Hi, Haniexine. Agree rin ako sa sinabi mong hindi naman lagi, masaya lang. Basta, nagustuhan ko yung mga review mo. Thank you din dahil realistic para sa'yo ang story.

2nd place: ParisLady

Thank you for admitting that you are one those hopeless romantics. Thank you kasi binasa mo yung story kahit nagddoubt kang basahin noong una. "As I replay the scenes, I realized that your life wouldn't just revolve around love. Another thing is that you wouldn't find the person you will love and would love you completely, not unless you already learned to value and love yourself first before anyone else." Amen! 

1st place: Xaxabooboo

Nasabi ko na sa facebook group kung bakit nagustuhan ko yung review mo. Iccopy paste ko na lang. "Kaya ko napili yung 1st place ko dahil ang creative ng pagkakasulat niya sa review. Kahit hindi masyadong mahaba, nandoon na lahat. Kung paano nadiscover, kung paano siya naapektuhan ng HR, at basta. After kong basahin yung review niya, naka-smile lang ako." Thank you, Xaxabooboo. Very unique review, eh?

So, there. Ang hirap mamili, grabe. Obvious naman, diba? Dapat kahapon pa yung announcement ng winners, pero inabot ako ng 9 PM ng Tuesday. Anyway, congrats to all the winners! PM me and magpakilala rin kayo. Hahaha! 

Sa lahat ng sumali, maraming maraming salamat. Akala ko talaga konti lang sasali! Kung pwede lang talaga panalunin lahat, pero hindi 'yun pwede kasi mamumulubi ako. Huhuhuhu! Sobrang naappreciate ko, promise. Yung mga efforts, I couldn't thank you guys enough. Also, comment or PM me your names and usernames para sa video greet OR fan sign?

THANK YOU!!! SORRY FOR THE LOOOONG WAIT. 

Sincerely yours,

strawberry008 aka Trisha Jayne Lim

🎉 Tapos mo nang basahin ang Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION) 🎉
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon