CHAPTER 12 (SPLASH)

329K 5K 642
                                    

CHAPTER 12

Nakakahiya talaga kapatid ko, sobra. Kung pwede lang ibuhos ko na yung strawberry shake sa ulo ko ngayon para may dahilan ako umalis dito, ginawa ko na kaso sayang eh. Favorite ko kasi ang strawberry masyado kaya hindi ko magagawa yung only way ko para makatakas.

Hinarangan ni Ariza si Tyler at humarap sa kapatid ko.

"Excuse me, who are you?" Tanong ni Ariza.

"Ako lang naman ang future sister-in-law niya. Bakit, girlfriend ka ba ni Justin Tyler Dela Cruz? Ang alam ko kasi, kapatid ko ang girlfriend niya." Sabi na naman ni Achi. Ayoko na talaga, naiiyak na ko. Hiyang hiya na talaga ko. Teka, alam niya buong pangalan ni Tyler? Grabe, lalong nakakahiya. Tiningnan ko naman ng masama si Aisha kasi tawa siya ng tawa.

Hindi naman sila pinansin ni Tyler at pumunta sa side namin. Nagtatalo pa din silang dalawa doon. Grabe naman talaga oh. Si Christian nga, halatang hindi na alam gagawin niya sa dalawa eh. Nakakaawa talaga. 

"Number mo ba 'to?" Tanong ni Tyler sabay pakita ng phone niya sa akin. Nagulat naman ako sa message kasi hindi lang pala 'hello' ang nakalagay kung di 'Hi Tyler. Rylie here! Nandito kami sa Shakey's ngayon. Punta ka dito please?'

Pambihira naman talaga oo! 

"Ang ganda naman ng phone mo." Sabi ko. Ang ganda kasi talaga ng phone niya eh. Sabagay, ang laki ng bahay nila tapos ang konti konti pa nilang nakatira doon. Narinig ko din kagabi na lagi pa palang umaalis parents nila. Kawawa naman siya pati yung kambal. Kaya pala love na love niya yung twins kasi buong buhay niya, siya nag-aalaga sa mga kapatid niya.

"Is this your number, Jamilah?" Nagulat ako kasi binanggit niya yung 1st name ko. Oh nooo, he didn't. Ngayon ko lang narealize na parehas kaming may issues sa mga pangalan namin. Makapagpalit na nga ng pangalan pag yumaman ako ng bonggang bongga.

"Wag mo nga banggitin yan! Pangit!" Sabi ko, "Oo nga, number ko yan pero hindi ako ang nagtext niyan. Okay? So wag ka magfeeling." I added. Nakakahiya naman na talaga ako oh. Ano ba yung pinagsasabi ko? Err. Wala naman expression si Tyler. Duuuh Rylie, duuuh.

"Ang unfair naman ata? You can call me Tyler but I can't call you anything I want? Isa pa, your parents call you Jamilah and I find Jamilah, beautiful." Nag yiiee naman yung mga kasama ko. What did he mean by that? Ako ba yung maganda o yung pangalan ko? Nyenye, feeler ka Rylie. "By the way, hindi ako nagfifeeling. I was just asking you. Alam ko naman kung sino nagtext nito eh. Diba Aisha?" Tiningnan niya si Aisha. 

"Tama ka diyan, pinsan!" Sabi ni Aisha. Tinaas naman niya yung thumb niya kaya binatukan siya ni Lynne. Nagtawanan naman sila Drei, Brylle, at Kuya Iel. Ang pasaway talaga ni Aisha kahit kailan. Tumahimik naman kami sabay tingin sa likod namin...

"Ano bang alam mo? Eh ano naman kung may gusto ako kay Justin?" Nagulat naman kaming lahat sa narinig namin. May lumapit naman na waiter sakanila...

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon