CHAPTER 27 (I'm the happiest slave!)

323K 4.9K 446
                                    

CHAPTER 27

*SIGH* Sobrang daming ginagawa sa school. Sa sobrang dami, wala na akong time para sa ibang mga bagay. Kasi naman, may school event next next week! Magpeperform yung ibang mga clubs kasama club namin at since ako yung president, ako yung nagoorganize. Nasabi ko naman na hindi ako kumakanta diba? Nagoorganize lang ako and other stuff.

Bukod doon, may Christmas in July pa sa Friday na kaming dalawa ni Tyler ang nagoorganize so kasama ko siya lagi. Oo, kasama ko siya lagi! Meron pa pala, tambak din ako sa assignments, papers, and projects! Hindi ko pa kasi ginawa kahapon eh, nagccram tuloy ako ngayon...

"Hoy ikaw. Wala ka bang balak pansinin ako?" Si Tyler yun also known as Patrick. Pag talaga malayo iniisip ko, hindi ko namamalayan na may kumakausap sakin. Tsh, from his tone, mukhang kanina pa niya ako tinatawag.

Sabihin ko kayang siya si Patrick? Kaso, pag sinabi kong siya si Patrick, para na rin akong nag confess sakanya? Diba? Sabi ko kasi, gusto ko si Patrick. Eh siya yun eh! At ayokong malaman niya na gusto ko siya no. Hindi naman ako yung lalaki eh! Pati, baka mabasted ako. 

"Kanina pa kita kinakausap ah! Bakit ba ayaw mo ako pansinin?" Nangiti naman ako pero hindi niya nakita kasi nakatalikod ako. Nandito kasi ako sa library ngayon at gumagawa ng essay sa laptop ko. Hindi kasi ako makaconcentrate pag sa bahay eh. Nadidisturb ako pati maaga pa naman...

"Jamilah!" Lumingon naman ako pero seryoso yung itsura ko. Syempre, kailangan magpakipot muna no. Wag papahalata... 

"Ano?" Seryosong tanong ko.

"Ewan ko sayo." May nilapag siya sa table kung saan ako nagsusulat... Nagalit?

"Text me if you already have TIME for me." Umalis na siya. Ang sungit talaga nun! Atsaka, time para sakanya? Ano ba kaming dalawa at kailangan ko ng time para sakanya? In fairness, kinilig na naman ako. Ughh. Pero wala naman akong phone eh. Na sakanya nga diba? Teka, bakit nga ba hindi pa niya binabalik phone ko? Hmp. 

Tumingin ako sa gilid ko.... 

OMG! Yung phone ko! Yun pala yung nilagay niya kanina sa table. Namiss ko yung phone ko! Kinuha ko na yung phone ko at mas nagulat ako kasi may keychain na nakasabit. Wait nga, bakit parang ito yung keychain na nilagay ko sa phone niya? Ba't niya binalik sakin? 

Tinapos ko na yung essay ko sa english at tinext ko kung nasaan siya. Naamaze ako kasi nung chineck ko yung load, 200 tapos unli call and text pa. Yaman naman! Ilang saglit lang, tinext ko na si Tyler...

Sender: Me

Message: Wru?

Sender: Tyler

Message: Basketball court. Punta ka dito.

Sender: Me

Message: Kk. Wait for me! :)

Sender: Tyler

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon