CHAPTER 3 (PEE BEEBEE TEENS?)

502K 7.9K 638
                                    

CHAPTER 3


I nominate Justin Tyler Dela Cruz for President.” Sabi ni Selena.

Yes, nomination na ng class officer. Pero wala akong gana. Magang maga, ang lungkot lungkot ko. 

I nominate Jamilah Rylie Hao for President.” At mas lalo pa kong lumungkot.

Syempre. Si Aisha ang nagnominate sa akin. Baliw talaga to.

Bakit mo ko ninominate? Ayaw ko!” Bulong ko sakanya.

Sshhh..” Kinakausap ko ng maayos eh. Nice talking, bestfriend!

"I closed the nomination.” Sabi ni Levi.

I second the motion.” Sabi pa ng isa naming classmate.

Third.” Sabi naman ni Selena.

What?! Kaming dalawa lang yung maglalaban? Syempre panalo na diyan si Tyler. Hindi ako umaasa at ayaw ko din maging president. 

Kaso mukhang ayaw ata ng mga lalaki sakanya at hindi siya binoto. Mga babae at bakla yung karamihan na bumoto sakanya. At yung mga bumoto naman sa akin, karamihan lalaki, science club members at music club members.

Section 1 kaya to kaya halos lahat ng science club members nandito.

So its a tie? Kailangan niyong mamili ng isa.” Sabi ng adviser namin.

Hindi pwede yun.

Sir, si Justin na lang po. Okay lang po ako. Since transferee siya, mas okay kung maexperience niya to.” Then he nodded. Looks like...

No sir. Siya na lang po. Since, transferee lang ako, mas madami siyang alam kung paano imamanage-” Sabi niya pero hindi ko pinatapos sasabihin niya dahil…

But sir, he can-

Sir siya na  la-

Pero-

You two! Come here in front. Kayong dalawa ang magiging president ng classroom na to. Unfair din naman sa mga bumoto kung may magbibigay sa inyo.

Sir siya na lang po. Okay lang naman sa inyo diba?” Tapos umiling yung mga club members ko at yung iba pa. 

Nooo.” Sabay sabay nilang sinabi.

Alright.” Sabi ko ng mahinahon then nag sigh ako. Ano pa nga ba magagawa ko? Nakita ko naman si Aisha na tumatawa tawa. Siniko ko nga siya at tiningnan ng masama.

Pumunta na kaming dalawa sa harapan. Ang awkward ng position namin ngayon dahil sa nangyari kanina.

Kami na nagpanominate tapos si Selena yung secretary. Sigurado magkakasama silang dalawa ni Tyler lagi. Ay. President nga din pala ako? Magkakasama kaming tatlo lagi. Oh nooo.

Vice president pala si Aisha. Si Aish? Maganda, matapang, pero mysterious pag hindi mo siya kilala. Pag nakilala mo siya, masarap kasama pero mature siya in her own way. I’m proud that she’s my best friend.

Si Lynne at Brylle ang business manager. Destiny nga naman oh. Biruin mo, parehas pa silang natapat sa business manager. Tinukso tuloy sila ng mga classmates namin. Okay, kasama kami ni Aisha doon sa nanunukso. Isa lang naman ang walang reaction eh… Si Tyler. Parang walang pakielam sa paligid. Napakafriendly naman niya talaga. I’m so proud!

Si Gia at Rachelle naman yung P.R.O. Magaganda pa talaga ang natapat sa P.R.O ah. Si Gia at Rachelle? Magbestfriends yan! Parehas silang mabait at matalino. Malamang, section 1 nga eh. Pero sabi nila, yung ibang tiga section 1 daw, hindi naman daw talaga matalino eh. May pera lang daw kaya syempre yung mga magulang, pinalipat yung mga anak nila sa section 1. Ewan ko ba kung maniniwala ako. Wala naman akong pekielam sa ganyan eh.

Si Tyler kaya? Ang galing niya naman kung napunta siya sa section 1?

Ay. Muse and Escort na pala.

So class, dalawa dapat ang muse and escort. Kung sino ang 1st pair na may pinakamataas na votes, sasali sa Mr. And Ms. Campus. Next year pa naman yun. Yung 2nd pair naman, sa Mr. And Ms. Intramurals. So yun nga, you may now start the nomination.

Sa escort muna, nominated si Tyler (again), Joseph, Jake(ex ko), Leo (ex ko), and Marvs. Okay. Nanalo si  Mr. Pogi at ang magaling kong ex na si Leo. Mas mataas nakuha ni Leo kaya naman siya ang sasali sa Mr. and Ms. Campus next year.

Sa muse naman...

I nominate Jamilah Rylie Hao for Muse.” Isa sa mga science club member ang nag vote sa akin. Nakakainis naman! Pinagtitripan pa ata ako ng ibang boys kasi alam nilang ex ko si Leo. Whuuut is their problem? Sabihin lang nila kung may problema sila sakin, hindi yung ganito.

I nominate myself for Muse.” Biglang sinabi ni Selena. Nagulat kaming lahat at binoto niya ang sarili niya pero oh well, she deserves it.

Ang nominated sa girls ay ako, Selena, Lea, Rhea. Ayoko manalo! Please. Ghad! Ano gagawin ko pag si Leo yung naging partner ko? Mas okay na ako kay Mr. Pogi pero teka, hindi pala. Nahihiya ako sakanya eh. Pakiramdam ko, end of the world na T___T

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon