CHAPTER 47 (OMG!)

234K 3.7K 138
                                    

(3-10 chapters na lang! Woohoo, party party! \(^____^)/)

CHAPTER 47

"Uy, gusto mo pa ba?" Hindi siya nagsasalita at naiiyak na din ako. 

Nitong mga nakaraang linggo, ang cold sa akin ni Tyler. January na at sasagutin ko na sana siya sa 13 kaso ito na naman. Hindi ko alam kung ano ang problema. Pero nitong mga nakaraang linggo, nakikita ko din sila ni Janylin na madalas na magkasama. 

Pero alam niyo ang pinakamasakit?

Nandoon lang ako pero hindi niya ako pinapansin...

"Ano ba yung problema natin?"

"Layuan mo na ako. Ayaw na kita makitang nasasaktan."

"Mas nasasaktan nga ako sa ginagawa mo e."

Umalis na ako. Umiyak ako ng umiyak. Ang sakit! Dahil ba 'to kay Janylin? Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Parang kailan lang ang sweet sweet niya sa akin. Binigyan pa ko ng sling bag at pinakilala sa parents niya.

Ano nangyari? Wala akong kaalam alam. Dati hindi ako makapaniwala na mahal niya ako. Pero ngayon, hindi rin ako makapaniwala na nangyayari 'to. Naipinaparamdam niya sa akin na hindi na niya ako mahal. Ang sakit


Hindi naman ako nasaktan ng ganito sa mga ex ko ah?!

Dahil ba siya lang ang pinagkatiwalaan at minahal ko ng ganito?! Mahal? Mahal ko nga ba siya Tyler? Tangsht oo! 

"Uy Rylie, bakit badtrip si Tyler?" Tanong sa akin ni Aisha. In fairness, pumasok siya ngayon pero may napapansin akong nag iba eh. Iba talaga!

"Tanong mo sa magaling mong Pinsan!"

Umalis na naman ako doon. Alam ko naiipit na siya sa amin. Pero ang hirap naman kasi e. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Ako ang nililigawan pero ako ang nanghahabol. Sht. Ang pangit tingnan.

Uwian na sa wakas...

Tuluy tuloy ako sa kwarto, binuksan yung wi'fi at binuksan ko yung laptop. Naglabas muna ako ng saloobin kay Tumblr tapos chineck ko yung notifications ko sa TTalk. Wow naman! Active na active si Lynne sa story niyang Recycled Hearts. Inspired siguro dahil kay Brylle. Kailan kaya niya sasagutin yun? Kawawang lalaki. Pero why not? Maganda naman si Lynne. Kapag pinakawalan niya yun, siya ang mawawalan. Hahaha! 

Wala na akong magawa. Facebook pa pala! 

May 10 friend requests ako, puro hindi ko kilala kahit ang daming mutual friends. Pero may isang nag caught ng attention ko. 

Sht. Si Laurence Fiasco?! Sht talaga! 

*Flaaaaashback*

"Hoy panget!"

"Sino panget?"

"Sino pa ba? Ede ikaw! Wahahahaha!"

"Ang sama sama mo talaga!"

Then my knight in shining armor came. Hay. 

SI JT! <3

*end of the flashback*

Aaccept ko ba? Magagawa ko bang tanggapin ang lalaking sumira sa lovelife ko?!  

"HOY! NAGDEDAYDREAMING KA NA NAMAN DIYAN?!"

"Achi naman e! Napakasadista mo talaga!" Batuhin daw ba ako ng unan. Kasalanan ko ba kung hindi ko maitago yung feelings ko? Speaking of. Andiyan pala siya.

"Kailan ka pa nandito sa kwarto ko?"

"FYI. This is our room. Share share diba? Medyo kanina pa. Lalim kasi ng iniisip mo e. Parang kinikilig kilig ka pa kanina. Tapos ngayon naman, sisima-simangot ka diyan?!"

"E sa kinikilig ako sa story ni Lynne e. Try mong basahin yung Recycled Hearts! Hahaha! Sumimangot naman ako dahil inadd ako ni Laurence."

"Laurence Sy?"

"Ano ba! Hindi yung ex mo! Laurence Fiasco! Yung lalaking sumira ng love life ko."

"Ang landi landi mo talaga. Diba ikaw yung sasali ng Search sa school niyo?"

"Ayaw ko nga e. Pero I have no choice. Si Sir and yung classmates namin yung namili e. Nakakainis. Sure talo na ko dun." Yun yung beauty contest sa nalalapit na Foundation day. Golly geez. 

"Ang nega mo kasi  kaya hindi ka nananalo e. Tingnan mo ako."

"Yabang mo talaga.

"Pero seryoso, maganda ka naman at matalino. Maliit nga lang pero may mas maliit pa naman sayo no! Kaya mo yan! Ako bahala sa mga susuot mo at sa make up artist mo." Fashionista kasi yung ate ko e. Kung icocompare mo sa akin, walang wala ako. Ganito nga pala ako ka-nega. Ganito talaga ako.

"Excited na ko para sayo!"

"Ay ako hindi!"

Habang nagbobrowse ako sa FB. Bigla kong naclick yung profile ni Tyler. 1st time ko siyang nakita na nagopen ng FB ah. As in. Pero ang nakalagay sa wall niya...

JANYLIN: Hey Tyler. See you tomorrow. Yung pinag-usapan natin ah. Kaya mo yan! 

At kailan pa nagpatawag ng Tyler si Justin sa ibang tao? Or baka naman hindi na ibang tao si Janylin sa kanya. TANGSHT ANG SAKIT WAAA! I HATE THIS FEELING!

JUSTIN: Alright. Thanks Janylin.


Wait. Meron pang nag post sa wall ni Tyler.

Quote

ALEXA: Take care of HER.


Hindi nagreply si Tyler.

Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nilalayuan ni Tyler?

Dahil gusto na ba niya si Janylin o binablackmail lang siya ni Alexa? Pero bakit naman take care of her? Sinong her? Ang guloooo! 

Nagtext si Tyler sa akin, as if on cue.

TYLER: Sorry.

Hindi ko na nireplyan. Wala ako sa mood. 

May one new notification pala ako.

Tinag ako ng mommy niya sa limang pictures? Hehehe, oo friends na kami ng parents niya. Sosyal nga eh kasi may facebook parents niya eh yung parents ko ba? Ayun, ginagamit lang ang computer para sa trabaho. Wait nga, check ko na yung pictures...

Wala talaga akong natatandaan may picture kami...

Hmm...

Pagkabukas ko...


OMG! 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon