CHAPTER 33.5 (I like you most, Tyler!)

276K 4.8K 584
                                    

CHAPTER 33.5

Mabait naman pala talaga parents ni Tyler. Sobrang iba sa imagination ko. When I say sobra, SOBRA talaga! Biruin niyo, nag take out pa sila ng food para sa parents ko tapos pinahiram pa ko ng damit kanina kasi nabasa daw ako sa ulan. Baka daw magkasakit ako. Sabi pa nga nila Tita Carmina at Tito Jimmy kay Tyler, alagaan daw ako. 

"Nakuuu, hindi pa po kami ni Tyler." I said.

"PA???" Tanong ni Tyler kaya nanlaki mata ko. Oo nga no? Mali!

"JOKE! Hehe! Joke lang! Hindi po kami ni Tyler. Friiieends lang kami. Super friends!" Tinaas ko yung kamay naming dalawa kaya nagtawanan naman sila. Agad ko naman binaba ni Tyler pero nung aalisin ko na, ayaw naman niyang bitawan. Nye?

Tiningnan ko siya ng masama pero hindi siya natinag. LOL! Hayaan ko na nga lang.

"Ano nga pala apilido mo, iha? Sorry, makakalimutin na eh. Alam mo na, tumatanda na din." Sabi  ni Tita Carmina, mommy ni Tyler.

"Hao po. Half Chinese." I smiled.

"Ooooh. Ikaw nga! Sabi ko na nga ba!" Nakasmile lang siya. Anong ako nga???

"H-ho?" Tanong ko.

"Ikaw nga yun. Ikaw nga ba yun? Ewan, nakalimutan ko na talaga. Bahala na nga. Hayaan mo, pag nakita ko o nalaman ko, iinform agad kita. Add mo kami sa facebook ng Tito Jimmy mo ha." Sabay kindat sakin. Ang cool at cute at kulit talaga ng mommy ni Tyler. 

"Maaaa!" Sabi ni Tyler. Hehe! Nagbblush na siya. Ayiiieee.

"Sige po Tita, a-add ko po kayo." Tumawa kami. Hinigpitan naman lalo ni Tyler pagkakahawak niya sakin habang nakakunot yung noo. Aww. My Tyler's so cute. Yiiee. MY talaga, Rylie?!

"Oh, sige na Justin. Hatid mo na 'tong si Rylie sa bahay nila. Gabing gabi na oh. Buti na lang mabait parents mo at buti na lang may tiwala sila dito kay Justin."  Sabi ni Tito Jimmy. Sabi sa inyo eh, sobrang bait nila.

Ilang minuto pa, nag bye na ako kila Tito't Tita pati sa kambal. Last night na nga pala nila ngayon kasi bukas, pupunta na silang Europe. Hayy, malulungkot na naman sila Tyler, Janine, at Jenine. By the way, mamimiss daw nila ko. Sweet nila no?

Nandito na kami sa kotse. Pinaupo ako ni Tyler sa front seat. Uhmm, ano na nangyayari? Nagulat naman ako kasi umupo siya sa driver's seat.

DIBA HINDI SIYA MARUNONG MAG DRIVE?!

"T-Tyler, kung nagjojoke ka, di magandang joke." Ngumisi lang siya at siya na nag suot ng seat belt ko. Wow, ang bango. Nag seat belt na din siya.

"Hindi ka nagjojoke?!" Sinabi ko ng malakas kaya napakunot noo niya. 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon