CHAPTER 11 (Face Palm)

412K 5.5K 523
                                    

CHAPTER 11

Nahulog yung mga gamit ko sa locker ko kaya sabay namin pinulot. Nag sorry naman ako at nag thank you. Grabe kasi, ang burara ko forever. Kung saan saan na lang nilalagay yung mga gamit...

"Ano ba yan, babae ka ba? Ba't ang kalat ng gamit mo?" Tanong ni Tyler.

"Sorry naman ha? Lalaki kasi ako eh," Sabi ko in a sarcastic way.

"Ughh! Fine! I'm sorry." Sabi niya.

"Sorry saan?" Tanong ko habang nagaayos ako ng gamit ko na tumapon. Hindi naman ako tumitingin sakanya...

"Sorry sa kanina. Hindi naman talaga ako galit." Sinabi naman na niya yun diba?

"Hindi nga. D-diba masakit yung ulo mo nun?" Sabi ko na nagaayos pa din. Nahuhulog kasi yung mga books and notebooks ko habang nagaayos ako kaya di ako matapos tapos. Natataranta din ako kausap 'to. Ewan ko ba kung bakit...

"Yeah. I wasn't lying but I didn't tell everything. Masakit ulo ko at naiinis ako kasi-" Kumunot yung noo niya. "Hindi ko din alam eh. Basta! Naiinis ako siguro kasi nararamdaman kong pinaguusapan niyo ako ng kaibigan or should I say, 'bestfriend ko' behind my back at tuwang tuwa pa kayo. Naiinis ako kasi hindi pa kita nakikitang tumawa ng ganun at naiinis ako dahil may pa secret secret ka pang nalaman. Yung totoo, hindi ka ba masaya na kasama ako? Err. Nevermind." Nagulat naman ako sa sinabi niya at natawa kaya bumagsak na naman lahat ng gamit ko sa locker ko. Natahimik naman ako at siya naman yung tumawa. Kainis naman oh.

"Ano ka ba. Wag mo ngang sabihin yan! That's not true. Pero Tyler, totoo bang ayaw mo magpatawag na Tyler sa iba?" Tanong ko sakanya.

"Yeah, that one. Actually, yes. Pag sinasabi nila yung Tyler, naiinis ako. Hindi ko din alam kung bakit eh. I just find it weird pero pag ikaw naman yung nagsasabi, I don't know but I find it... cute? I mean, the way you say 'Tyler', it's cute kaya hinayaan ko na lang. Kaya kung napapansin mo, nagrereact ako everytime na tinatawag mo akong Tyler kasi hindi ako sanay na tinatawag ako sa pangalan na yun. And yeah, you're the only person who's allowed to call me, Tyler." OMG! Nagkatotoo yung kinwento ko sa music club members. Sabi ko sakanila, ako lang ang may pwedeng tumawag na Tyler kay Tyler kasi yun yung gusto niya something something blaaaah. Nakalimutan ko na eh.

"Oh? Talagaaa? Thank you, Tyler. Thank you! Ang saya saya ko. Pero may kasalanan ako sayo..." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Ano kasi- Sabi ko kasi-" Sasabihin ko na sana kaso...

"OMG! Ang gwapo niya! Shocks talaga." Sabi ng babae sa gilid.

"Oo nga eh. Sayang may girlfriend na! Alam mo ba, kinwento sa akin ni Zaphire kanina kung paano sila nagkakilala ng babae na yan. Grabe pala, ang dami na nilang pinagdaanan. Ang sweet nga ng lalaki eh kaso... Suplado at masungit. Snob pa daw! Justin yung name. Hindi siya pwedeng tawaging Tyler or else... Tsk tsk." Sabi nung katabi niya. Nakuuu, baka isipin niya sinisiraan ko siya o kaya naman nagyayabang ako. Hayy nakooo.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon