CHAPTER 16 (JANILYN T___T)

339K 4.7K 851
                                    

CHAPTER 16

TYLER'S POINT OF VIEW

Ayoko na! Gusto ko na itigil yung dare namin ni Aisha. Nakokonsensya ako. Natatakot ako. Natatakot ako na mahulog siya sa akin at hindi ko siya masalo. Natatakot ako na masaktan siya! Hindi pwede. Natatakot ako na masaktan siya ng dahil sa akin. Natatakot ako kasi baka saktan siya ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Biro lang! Pero seryoso, natatakot ako na saktan siya ni Alexa.

"Aisha." She smiled.

"Why oh why my dearest cousin?" Tanong niya habang nakaholding hands sila ni Drei. Nandiri naman ako. Hindi naman pangit si Drei eh. Hindi nga lang siya kasing gwapo ko pero pwede na din. May itsura? Eh lahat naman ng tao may itsura. Sus! Nakakatamad i-explain mukha niya eh basta! Kidding aside, ayoko lang talaga sakanya para kay Aisha. 

"Kailangan natin mag-usap." Kailangan ko ng sabihin sakanya na talo na ako sa pustahan namin at wala na akong pakielam sa sasabihin niya. Ayoko na sumakay sa mga trip niya. Syempre bestfriend niya yun at alam kong ayaw din niya masaktan si Rylie pero ughh ganun ba kalaki tiwala niya sa akin? Damn sht!

"Mamaya na lang. Ihahatid ko kasi si Drei sa bahay nila. Mauna ka na din pala kasi nauna na umuwi si Rylie. Napagod kasi siya eh." Tumalikod na ako. See? Sino bang matinong lalaki ang magpapahatid sa babae lalo na kung girlfriend niya ito? Gagabihin pa si Aisha niyan since malayo bahay nila Rylie sa kabihasnan. Damn! Kung hindi lang talaga siya mahal ni Aisha.

Nakarating na ako sa bahay nang may narinig akong nag-uusap sa sala...

"Ate Rylie, bakit gustung gusto mo si Kuya Patrick?" Si Jenine. Teka, sino si Kuya Patrick?

"Hehehe. Wala lang. Kahit hindi kasi siya nageeffort, napapasaya niya ako eh." Ngumiti naman si Rylie at tumawa si Jenine na parang kinikilig. Sht! Anong ginawa ni Rylie sa kapatid ko? Atsaka wala naman nababanggit si Rylie na may gusto siya ah. Langya! Hindi naman niya kailangan itago sakin eh. Diba una pa lang sinabi ko naman sakanya na pag nagkagusto siya, sabihin niya?

"Gusto ko din siya para kay Ate Rylie eh. Sabi mo kasi pinagtatanggol ka niya diba? Ayiieee." Tumawa si Rylie at ginulo buhok ni Jenine. Mukhang nagblush naman yung babaeng kausap ng kapatid ko. Damn! Mukhang enjoy na enjoy sila ah? Ang saya saya nila eh. Pero kailangan ba talagang kasabwat pati kapatid ko? Sa dinami dami ng pagkkwentuhan niya ng pagkagusto niya kay Kuya Patrick, kapatid KO pa??? Langya!

"Yup. I feel safe when I'm with him." Leche! Ano ba tinuturo niya sa kapatid ko? Ang bata bata pa ng kapatid ko, pinpollute na niya yung utak? At bakit ba ako nagrereact ng ganito? Ughh. Sht! Paano pag naging hopeless romantic kapatid ko ng dahil sakanya?! Ughh.

"Yiieee. Lumalovelife si Ateee." She poked her ate Rylie sa tagiliran nito. Geez. Kinikilabutan ako. Bakit ba ako naiinis sa pinaguusapan nila? Hindi kaya... HINDI. Imposible! Hindi naman ako nagseselos diba? Bakit naman ako magseselos? Tsss. Sino bang may sabi na nagseselos ako? Toungena! Pati ako, naguguluhan na sa sarili ko. O.o

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon