CHAPTER 18 (Wow.)

308K 4.5K 386
                                    

CHAPTER 18

"Baliw ka na talaga, Jamilah Rylie Hao!

"Matagal na akong baliw, Aisha Hera Dela Cruz." Sabi ko ng nakangiti.

"Ano ka ba! Creepy ka na. Last na nagkaganyan ka, dahil kay Josh. Ngumingiti ng walang dahilan and out of the blue? Ughh." Narealize kong may hawig pala ng ugali si Tyler at Aisha. Nangiti na naman ako. At oo nga no, parehas sila ng surname. Magpinsan nga sila.

"And... and... and... kahapon!" Tinuro niya ako kaya napataas naman kilay ko pero nakangiti pa din. Nakakagulat naman 'tong si Aisha. 

"Ano meron kahapon, Aish?" I'm still smiling.

"Nanood tayo ng movie! SAD MOVIE!" Yung itsura niya parang nagaalala, nagpapanic, na napaparanoid, na naC-CR, na nababaliw kaya lalo akong nangiti. 

"Oh tapos?" Nakangiti pa din ako.

"Ughh. Namatay na yung bida pero nakangiti ka pa din? Yer scary, Rylie. Dati naman pag nanonood tayo, hindi pa man namamatay yung bida, humahagulgol ka na. What is happening to my bestfriend? Ibalik mo siyaaa! Kahit abnormal yun, hindi yun sobrang baliw. Ibalik mooo! Saan mo siya dinalaaa?" Inalog alog niya ako. Binatukan ko nga siya.

"Ano ka ba naman Aisha! Masaya lang ako!"

"Hindiii. Gusto mo ba ihatid kita sa mental? Alam mo naman na bestfriend mo ako Rylie diba? I'm just worried. Okay? Tara na, bilisan na natin." Hinawakan niya kamay ko. Teka! Pupunta talaga kaming mental hospital? 

"Teka naman Aish! Love doctor kailangan ko, hindi mental." At dahil sa sinabi ko, nahampas niya ako ng sobrang lakas kaya napatili ako. 

"Aisha naman eh. Ang sakit kaya nun!"

Nasa CR nga pala kami ngayon. Ewan ko pero hinatak na lang niya ako bigla. Weird talaga nito oh. Masaya lang naman ako eh. Hehe! Ang sweet kasi ni Tyler. As in! Pinagbubuksan niya ako ng pinto, sinasabayan niya ako maglakad, pinapauna niya ako sa pagpasok ng pinto pati sa paglabas ng bus, at kung anu ano pa!

Lumabas na kami ni Aish sa CR kasi masyado na kaming matagal. Babalik na sana kami ng room kaso may nakita ako kaya pinauna ko na si Aisha sa room. Tinanong pa nga kung kaya ko daw ba mag-isa. Baka daw kasi mamaya, bigla akong mauntog o madapa. Tshhh.

Sinundan ko yung nakita ko...

Si Tyler at Janilyn lang pala na magkasabay na naglalakad. Nakahawak na naman si Janilyn sa braso ni Tyler. Kwento lang siya ng kwento pero si Tyler, di nagsasalita. Walang reaction. Sinundan ko na naman sila hanggang sa nakarating sila sa mini canteen...

Bakit pinagbubuksan ng pinto ni Tyler si Janilyn? Waaaa! Tapos pinauna pa siya pumasok! Sht! Sinundan ko pa sila. Buti na lang may dala akong cap ngayon. Umuulan kasi eh. Sana hindi ako mahalata! Papasok na sana ako sa mini canteen nang may gumulat sa akin...

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon