CHAPTER 7 (My dirty little secret.)

423K 6.5K 341
                                    

CHAPTER 7


SINO BA SILA?

Ayaw talaga nila ako paalisin dito kanina pa. Nagkkwento lang sila ng mga bagay bagay na hindi ko naman naiintindihan. Nagtatanong din sila ng kung anu ano pero sinasagot ko naman…

"Uhmm, ano pala pangalan niyo?" Tanong ko sakanila.

"Ako si Terence. Siya si-" Hindi niya natapos sasabihin niya dahil may nag tap sa shoulder niya…

"Pre, pasensya na sa abala ah." Tyleeer? Kilala niya sila?

"Wala yun tol. Buti na lang nandito pa kami. Kung hindi, baka kung ano nangyari sa girlfriend mo."GIRLFRIEND? Hindi ba nila alam yung about sa pagpepretend namin? “Sabagay, nandito naman kami everyday,

"Hindi pa din kayo nagbabago,"

"Sige, magaarcade lang kami."

"Ge. Pasensya na talaga sa abala. Salamat na din,"

"Walang anuman. Cute naman girlfriend mo eh." Sabi nung isa sabay wink sakin.

"Layas na nga!” Sabi ni Tyler. Nag bye na sila sakin at nag thank you naman ako sakanila. Umalis na nga sila pero nandito pa din kami ni Tyler malapit sa bench, tapat ng starbucks.

"HOY! Ikaw! Saan ka ba kasi nagpupunta? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Hindi ko pa alam number mo! Tinawagan ako ni Aisha, lowbat ka na daw at hindi niya alam kung nasaan ka. Malayo pa daw uuwian mo at magagalit daddy mo. Hindi mo pa daw kabisado to kasi hindi ka naman mahilig gumala. Next time, wag ka na ngang lumayo sa akin. Tingnan mo tuloy yung nangyari sa'yo. Nasampal ka na, tinapunan ka pa!" Galit ba siya?

Naiiyak ako T___T

"Oh." May inabot siyang paper bag…

"Ano yan?" Tanong ko.

"Bumili ako ng damit. Obvious ba?"

"Para saan?"

"Diba tinapunan ka ng juice ni Alexa?"

"Ah- paano mo alam?"

"Sinabi ng mga lalaking kasama mo kanina."

"Sino sila?"

"Dali na! Magpalit ka na."

"Ikaw bumili nito?"

"Oo nga. Magbihis ka na nga! Dali na!

Yinakap ko siya at umiyak ako. Ay hindi pala. Humagulgol pala ako. Wala akong pakielam kung madami bang nakatingin sa amin. Nagulat siya sa ginawa ko, sino ba naman kasing hindi magugulat doon?

"Hey. Bakit?" Tanong niya ng mahinahon pero nagtataka…

"Sorry." So friends niya yung mga guys kanina na ayaw ako paalisin? Pinapahanap ako ni Tyler? Grabe. Touched ako ng sobra! I feel sorry din kasi napagsalitaan ko na naman siya ng masama. Bakit ba kasi ang pikon ko masyado eh.

Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko.

"Teka R-" Hindi na niya natuloy sasabihin niya…

"Sorry umalis ako. Sorry naabala ko pa mga kaibigan mo. Sorry kasi napikon ako. Sorry kung napagalala ko kayo. Sorry talaga." Kasalanan ko naman talaga eh T___T

"Teka nga, wala ka namang dapat ipagsorry eh."

Inalis niya yung yakap ko at hinawakan niya ko sa shoulders ko.

"Ako ang dapat magsorry." Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Bakit ganito siya makatingin?

"H-h-ha?"

"Una sa lahat, ako ang may dahilan kung bakit ka nasampal."

Hinawakan niya yung mukha ko.

"Tingnan mo tuloy, namumula na mukha mo." Hinahawakan pa din niya mukha ko.

He wiped my tears.

"Pangalawa, sabi ko ipagtatanggol kita. Pero hindi kita naipagtanggol."

"Dahil wala ka sa tabi ko. Kasalanan ko naman eh. Umalis ako. Sorry!"

"Pangatlo, ako din naman ang may kasalanan kung bakit ka umalis. Sumobra ata pambabara ko eh."

"Hindi. OA lang talaga ako. Sorry ah."

"Sawa na ko sa sorry mo. Atsaka pwede ba, wag mong masyadong i-down sarili mo."

"Salamat. Sorry."

Tumulo luha ko.

Yinakap naman niya ako.

"Tahan na. Hindi ka na ulit mahahawakan ng babae na yun. Humanda siya,"

"H-ha? Ano gagawin mo?" Umalis ako sa yakap.

"Basta! Wait, saan ba bahay niyo? Hatid na kita."

"Wag na! Basa ka na rin eh. Sorry ah. Ito oh, gamitin mo na yung damit na binili mo."

"Wag na! Bili na lang ulit tayo."

"Pero wala akong pera."

"Ako na bahala."

Pumunta kami sa isang store.

May nakita akong shirt. Ang ganda.

"Sir, ma'am. Buy one take one po for 300 pesos only"

Only?  Wala nga akong pera tapos only? Ang yaman naman ng saleslady! Nilalang lang yung 300 pesos T__T Sorry, desperada lang yata ako magkapera.

"Ano to? Couples tee?" Tanong ni Tyler.

"Yes sir. Last na po to. Limited edition po kasi."

"Sige, bibilin namin." Sabi niya.

WHAT?! Siya na nga ang nagbayad ng Mcdo namin, siya pa nagbayad ng Tshirt. 2 shirts na pala yung nabibili niya sakin. Bale 3 shirts na kasi kasama na yung sakanya. Yung totoo, gaano ba kalaki allowance niya?

"Wag na, ang mahal." Sabi ko.

"Ngayon lang to."

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon