CHAPTER 32 (65-64)

313K 5K 618
                                    

CHAPTER 32

FRIDAY na. Nakakainis! Bakit nila pinagsabay yung club performance and yung inter high competition? Paano na lang yung mga gusto manood ng sakanila at yung gusto manood ng samin? Hindi naman ata pwede mag multi-tasking no. Hayy. Kung pwede lang sana hatiin yung katawan ko. Natetense na talaga ko...

"Uy Ate Jam, bakit parang kanina ka pa hindi mapakali diyan? Hindi ka naman magpeperform ah." Sabi ni Zaphire, treasurer namin sa music club. Magkatabi kami ngayon kasi hindi naman kami magpeperform. Sa isang side ko naman, si Gelo. Nandito kami sa backstage. Madami naman kaming magaasikaso sa magpeperform eh kaya madami kaming manonood.

 "Oo nga, Ate Jam. Kinakabahan na nga ako tapos lalo pa akong kinakabahan dahil sa itsura mo. Naman eh. Amp." Raissa pouted. Inakbayan naman siya ni Renz.

(A/N: CHAPTER 10! Si Raissa and Renz yung muse and escort. Hehehe!)

"Wag ka ng kabahan, honey ko." He winked at her.

"Honey koooo???" Sabay sabay naming sinabi at tinukso silang dalawa. Nawala ang pagkatense ko kahit papano, in fairness. Siniko ni Raissa si Renz tapos tiningnan ng masama. SI Renz naman, tawa lang ng tawa. Ang cute nila. 

"Teka teka, ang bilis naman ata. Parang nung June lang, may lihim na pagtingin pa si Renz kay Raissa at si Raissa naman, nangangarap ng prince charming niya. What happened? Bakit di kayo nagkikwento? Ha? Ganyanan na ba?" Sabi ni Jessica pero pabiro lang. Nagtawanan naman kami tapos nag agree yung ibang members.

"Ate Jess, ano kasi. Hayy ewan ko ba dito. Hindi pa naman kami eh pero di rin naman siya nanliligaw. Ewan. Magulong ugnayan siguro? Hindi naman sinasabi kasi ano na lang sasabihin namin? Na may something samin? Ang pangit naman ata nun!" Raisa said. 

"Eh ikaw naman kasi. Sabi ko, kung gusto mong ligawan kita, liligawan naman kita. Ikaw 'tong ayaw magpaligaw eh." Nagtilian na naman yung mga kasamahan ko kaya nabawal pa kami ng ibang club na magpeperform at teachers. Parang sila, hindi maingay ah. Unfair naman.

"Hindi mo naman kailangan manligaw kasi..."

"Kasi???" Sabay sabay naming tanong.

"Kasi gusto mo, tayo na?" Renz asked and smiled playfully.

Nagulat naman kaming lahat pati si Renz nang yumuko si Raissa at nag nod. Pagkatapos mag sink in samin yung respond ni Raissa, nagtilian na naman kami. Pati ata yung members ng ibang club eh nagtilian. Tahimik kasi nung tinanong yun ni Renz so narinig nila. Nakakakilig. Second time ko nakawitness ng babaeng nag yes sa boyfriend niya. Syempre, si Aisha yung first. Hehe! 

"Talaga? Totoo ba yan, Raissa? Totoo ba yan? Tayo na talaga?" Inalog alog ni Renz si Raissa na halatang masayang masaya.

"Oo nga! Ayaw mo ba? Ha? Sabihin mo lang." Renz hugged Raissa na halatang masayang masaya!

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon