CHAPTER 5 (Nakakarami na talaga siya!)

509K 7.4K 862
                                    

Chapter 5


AISHA’S POV


"Bakit hindi mo sinabi sa akin na bestfriend mo magiging fake girlfriend ko? Bakit di mo sinabi sakin na Rylie pangalan niya? Ha? Akala ko naman kung sinu sino lang. Hindi tama yung ginawa mo Aisha. Bestfriend mo siya. Paano pag napahamak siya?"

Yeah, matagal na niyang kilala si Rylie dahil kinikwento ko lagi si Rylie sakanya pero di pa naman niya nakikita at di rin niya alam yung pangalan. Kinikwento ko lang yung pagiging hopeless romantic niya at kahit na ilang beses siyang lokohin, ang lambot pa din ng puso. Tuwing naiinis kasi ako sa mga nanloloko sa bestfriend ko, pinsan ko ang nilalapitan ko.  At ayun nga, naiinis din siya. Pati kay Rylie, inis na inis siya. Ang tanga tanga daw. Sabi ko naman, bestfriend ko yun kaya wag niyang pagsabihan ng ganun. Anyway, hindi ko pa nakkwento si Justin kay Rylie kaya di niya kilala si Justin…

Akala nga niya may something kami eh. Kadiri.

"Paano pag napahamak siya pati yung pamilya niya? Paano pag nasaktan ko siya? Hindi yun kaya ng konsensya ko. Paano pag nain-love ako sakanya?"

Hindi ko naintindihan yung huling tinanong niya. Napaparanoid na siguro si Justin. Sino naman kasi kaya yung humalik kay Rylie? Diba siya naman? At wala din naman akong sinasabi na halikan niya si Rylie no! Bakit ako sinisisi niya?!

Nandito nga pala kami sa bahay nila. Sabi ko kasi sakanya sabay na kami pumunta sa school. Mas malapit yung house nila and on the way na rin kaya ako na nagpunta dito. Ewan ko ba, iba’t ibang bahay na tinutulugan ko. Ayoko na nga umuwi sa bahay namin eh.

"Pwede isa isa lang yung tanong. Okay. Una sa lahat, dapat sasabihin ko na. Ipapakilala ko na sana kayo sa isa't isa nung isang araw kaso nakita ko siya na kausap si Josh, kaya hindi ko na itinuloy." Totoo naman lahat ng sinasabi ko...

"Tapos?"

"Dapat din hindi ko na itutuloy ang plano ko na si Rylie maging fake girlfriend mo kasi naisip ko din na, bakit ko naman ibebenta bestfriend ko, kaso nakita ko naman kayo na nagkikiss,"

"Hindi ko naman kasi alam na siya yung kinwento mo. Kung alam ko lang, hindi ko na ginawa yun. At isa pa, pwede kasing hindi na ipaalala yung nangyari kahapon. Hindi ko lang talaga alam gagawin ko that time dahil malapit na samin si Alexa,” Sabi ni Justin.

"1st kiss mo ba?" Tanong ko. Ang sarap niyang lokohin eh.

"Ha?" Sus. Sure naman akong narinig niya tanong ko.

"Amiiiiinin. Don't worry 1st kiss ka din niya." Tapos tumawa na ako ng tumawa.

"Wala akong pakielam at wala din akong aaminin sa'yo."

"Kung ganoon, sino 1st kiss mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Si mommy."

"Sino nga?"

"Si daddy."

"Ano ba! Ang bakla mo naman eh!" Sabi ko sakanya sabay hampas.

"Si Rylie nga! Ang kulit mo!" Sabi niya na halata mong naiirita na.

"Sabi ko na nga ba meant to be kayo. Parehas kayong pakipot. Hopeless romantic siya. Ikaw naman, hindi ko alam eh. Basta may tiwala ako sayo,"

Actually, gusto ko talaga sila para sa isa't isa. Parang ang bagay kasi. May tiwala naman ako dito sa pinsan kong to. Kahit pogi siya, hindi siya chickboy... ATA.

"Tsss... Hindi pwede." Sabi niya.

"Bakit naman?"

"Masyado siyang mabait. Hindi siya marunong lumaban. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. At higit sa lahat, iyakin. Sa tingin mo, bagay kami? No way. Kilala mo naman ako Aisha, she’s not my type. Hindi ko din maiiwasan na masaktan siya verbally dahil sa ugali niya. Gets mo ba?"

Gets ko naman yun. Masyado kasing honest si Justin eh. Siguro natrauma na talaga kay Alexa. Dati kasi, hindi niya sinasabi yung mali sa isang tao or kung ayaw niya ito pero simula ng itago niya yung true feelings niya kay Alexa at akala ni Alexa na mahal siya nito, nagkandaleche leche na buhay niya. Basta, ayaw na niya maulit yung dati. 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon