LSS Series #1 - 32

903 67 12
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Gago ka talaga kahit kelan!"

Tumakbo na kami nang mabilis para pumagitna na sa dalawang nagsusuntukan sa sahig.

"Kuya Bogs!" lumapit si Leigh kay CJ at Arvin para tulungang ilayo kay JM habang kami ay pilit na nilayo si JM.

"Tangina! Bitawan niyo 'ko! Hayaan niyo 'kong sirain ang pagmumukha ng ulol na 'yan!" sigaw ni Aldrich.

"Tama na 'yan! Aldrich. JM," sigaw ko. "Para kayong mga bata eh. Ilang taon na kayo oh!?"

"Siya sisihin mo," sabay turo kay Aldrich. "Masyadong pikon! Sinabi ko lang naman 'yung totoo eh, na kapag naging kayo, siya ang magiging pabigat sa'nyong dalawa. Hindi pa nga kayo noon, sinaktan ka na, paano pa kaya pag naging kayo?"

Napailing na lang ako sa mga narinig ko, habang si Aldrich ay tumingin ng masama kay JM.

Pinaasikaso ko na lang muna sa kanila si Aldrich at i-uwi sa kanila.

"Leslie, iwan mo muna kami ni JM." pakiusap ko.

Sumunod muna si Leslie kila Leigh habang kami ay naiwan ni JM sa talyer.

Putok din ang labi ni JM at namumula ang pisngi dahil sa suntok ni Aldrich. "JM naman eh-"

"Bakit, Tyler?" pagputol niya sa'kin. "Kasalanan ko nanaman ba? Nagsasabi lang naman ako nang katotohanan sa kanya, ah?"

"Wala akong sinabing kasalanan mo," seryosong saad ko. "Ang akin lang, bakit ba sobrang init mo kay Aldrich? Ni wala nga siyang kasalanan sa'yo eh-"

"Sa'kin wala, pero sa'yo meron." I sighed when I heard his reason.

"Heto nanaman tayo, JM eh," I massaged my head.

Kinuha na ni JM ang kanyang wallet at phone sa mesa at naglakad na ito palabas kaya hinabol ko.

"JM, teka lang-" huminto ito sa tapat ng kotse niya.

"What now," masungit na tanong niya sa'kin. "I'm going home. Puntahan mo na lang du'n 'yung kumag na 'yun. Tutal siya naman tama eh, ako ang mali."

Nang bubuksan niya na ang pintuan ng kotse, agad ko itong hinarangan kaya nainis 'to. "Ano ba, Tyler?"

"Ano ba, JM," hindi ko na mapigilang mapikon sa kinikilos niya. "Ang labo mo eh! Hindi ko alam bakit ganyan ka umakto-"

"Ikaw ang mas malabo!" duro niya sa'kin kaya napaatras ako nang bahagya. "Sinaktan ka na't lahat, ginamit ka na, 'di ka na binigyan ng importansya noon, pero siya pa rin?! Tangina naman!"

Nabigla ako nang hampasin niya ang hood ng kanyang kotse. Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi niya kaya hindi ko alam ang dapat kong itanong.

"Samantalang ako, dinamayan kita sa mga taon na sobrang lungkot mo dahil sa kanya at sa pamilya mo. Tapos," he sighed. "Hindi lang rin pala ako mapipili..."

"H-Hindi kita maintindihan, JM." malungkot na saad ko.

Tumingin ito nang seryoso at lumapit nang kaonti sa'kin. "Parehas lang din pala kayo ng mokong na 'yun - manhid!"

He grabs me at looked in the eyes. "Gusto kita, Tyler. Hindi pa ba sapat 'yung mga pinakita ko sa'yo? Ano bang gusto mong gawin ko? Halikan kita?"

Nabigla ako nang pilit niya 'kong nilalapit sa mukha niya pero nilalabanan ko ito.

"JM! Umayos ka nga!" mas humigpit ang yakap niya kaya dumidikit na ang katawan ko sa katawan niya.

Napapiglas si JM nang biglang may sumabunot sa kanya kaya napausog ako.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon