LSS Series #1 - 28

1K 67 6
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Ang tagal mo ha? Akala ko nabulok ka na sa loob eh."

Natawa na lang ako at kinuha ko na ang helmet na inabot sa'kin ni Aldrich. "Tara na?"

"Sige ba-" nabigla ako nang may humatak sa'kin papalayo kay Aldrich.

"Ako na ang maghahatid kay Tyler." seryosong tumingin ito kay Aldrich.

"J-JM?" napataas ako ng kilay.

Nakita kong nag-iba ang awra ng mukha ni Aldrich at hindi ito natuwa sa ginawa ni JM. Ako din naman eh, hindi ako natuwa sa paghatak niya sa'kin agad.

"Let's go, Tyler." seryosong saad niya.

Dahan-dahan kong inabot kay Aldrich ang helmet at kinuha naman agad ni Aldrich ito nang hindi tumitingin sa'kin.

Gusto ko sanang mag sorry kay Aldrich kaso hindi na ito tumingin sa'kin matapos kong iabot ang helmet sa kanya.

Umandar na ang kotse ni JM at dinaanan lang namin si Aldrich na nakatayo sa gilid.

Natahimik kami ng ilang minuto sa loob ng kotse bago ako kausapin at tanungin ni JM.

"Bakit?" panimula niya. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na yung nakabangga ng kotse mo, eh yun pala ang Aldrich na kine-kwento mo no'n? Gano'n na lang ba, Tyler?"

"JM hindi naman sa wala akong tiwala o hindi kita kaibigan kaya hindi ko kinekwento sa'yo." pagpapaliwanag ko.

"Then why the hell you didn't tell me about Aldrich? Kung alam ko lang na siya yun nung araw na nabangga ang kotse mo, basag na mukha nu'n-" aniya.

"See? That's the reason why I didn't tell you about Aldrich." nainis ako bahagya kay JM.

"Masyado ka kasing mainit eh. In the first place, hindi naman din siya ang rason kung ba't ako napadpad dito sa Batangas diba? I ran away because of my parents. Sadyang nung panahon lang din nun, brokenhearted ako kay Aldrich. But that doesn't mean na sinisisi ko si Aldrich sa lahat na nangyari sa'kin noon." habol ko.

"Psh." umiling ito.


Nang makarating na kami sa bahay ko, tahimik akong bumaba at hindi ako kinausap ni JM kaya dire-diretso na lang ako.

Pagpasok ko sa loob, agad akong naupo at tinext si JM at dun na lang nagpasalamat.


To: JM
Thank you for giving me a ride. And sorry na din.


Ilang minuto ang lumipas at nagreply agad ito.


From: JM
We'll cross that bridge when we come to it.

Naiintindihan ko siya na ayaw niya munang pag-usapan ang nangyari kanina sa kotse kaya hinayaan ko na lang ito at sineen ko na 'to.



After I took a shower, nagsuot agad ako ng pantulog ko at nahiga na sa kama. Habang nags-scroll ako sa Facebook, biglang may chat na lumitaw sakin sa screen na agad kong binasa.

Leslie Mendoza : Ty? Anyare sa inyo ni JM? Naglalabas nanaman ng saloobin sa'kin eh.

Napaupo ako sa kama ko dahil nag-init ang dugo ko dito kay Leslie. Alam kong siya ang nagkwento tungkol kay Aldrich eh.

TA Garcia : Eh sino ba kasing nagkwento kay JM tungkol kay Aldrich ha!? Sige nga Leng. Sino?

Sineen na ni Leslie ang chat ko at nainis ako dahil sineen lang ako ni tanga. Hay nako! Hinayaan ko na lang ito at umayos na ulit sa pagkakahiga.


Days later, wala akong pasok, I decided to go to Tito Alvin's Coffee shop dahil nagtext ito at nandun daw siya. Nandito kami sa office niya at naupo ako sa may upuan sa tapat ng table niya.

Napag-usapan din namin ang kasal ni Ate at ni Kuya Nikolai na gaganapin na daw ngayong November kaya kinakabahan ako. "Ito yung invitation. Your Ate is expecting you at that day."

Tinignan ko naman ang information ng kanilang wedding at Sabado gaganapin ang kanilang kasal. Buti na lang at wala akong trabaho ng araw na 'to.

"Tito." panimula ko. "Hindi kaya sila magagalit sa'kin pag nagpakita ako sa kanila?

"Huh?" naupo si Tito sa kanyang swivel chair. "Bakit naman sila magagalit?"

"Kasi ngayon lang ako magpapakita sa kanila, especially kay Ate. Pitong taon din kasi bago ako magpakita sa kanila. Kaya kinakabahan ako." I sighed.

"Ikaw talaga oh..." natawa at napailing na lang si Tito sakin. "Hindi sila magagalit sa'yo, sa katunayan nga sila pa nga ang dapat umintindi sa'yo eh lalo na't sila naman ang ay dahilan kung bakit ka wala sa kanila eh."

May point naman siguro si Tito sa mga sinabi niya. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang ganitong bagay. Pumayag na ako na sumama sa kasal kaya napangiti naman si Tito sa desisyon ko.

"That's good to hear, Tyler. Don't worry, ipapasundo na lang kita kay Gordon sa araw na 'to." pag-alok ni Tito.

"Ay wag na, Tito. Ako na lang po bahala." tanggi ko.

"Huh? Okay ka lang? Batangas to Quezon City magco-commute ka lang? Ipapasundo na lang kita kay Gordon. Or di kaya kay Bogs! Tama. Sa kanya na lang ako makikisuyo. Sama mo na rin sa kasal, baka kilala ng ate mo si Bogs lalo na't kaklase mo pala yan nung bata kayo eh." grabe naman 'to si Tito. Matanda na ba 'ko?

Pero kung papakiusapan niya si Aldrich, baka pumayag. Baka nga galit pa yun sa'kin dahil sa ginawa nitong JM na 'to eh. "Ako na lang po bahala, Tito."

Kibit-balikat lang si Tito sa desisyon ko. May kinuha si tito na envelope sa bag niya at inabot niya sa'kin. "Here's the payment that I promised. Bayad mo na sa kanila dun at wag mo na ipagalaw ang pera ni Bogs."

Tumango ako at kinuha ko na ang bayad tsaka tinago sa bag. Hindi ko mapigilan ang magtanong kay tito tungkol sa nanay ni Al. at kung ano ang sitwasyon.

"May sakit sa puso ang nanay ni Bogs. Naka-kwentuhan ko yang mga yan dahil nag-inuman kami ng Tatay ni Leigh at sinama namin sila ni CJ kaya namin nalaman. H-hindi mo pala alam ang tungkol dun?" kwento niya.

Wala sa'king naikwento si Aldrich noon sa'kin ang pagkakatanda ko. Di ko maiwasang malungkot sa mga narinig kong kwento ng nanay ni Al.

"TIto?" tumayo na 'ko at kinuha ang dala kong backpack. "I need to go. May pupuntahan pa po kasi ako eh."

Nagpaalam na 'ko at lumabas ng shop at sumakay ako ng taxi papunta kila Aldrich. Lumipas ang ilang minuto, bumaba na 'ko ng taxi nang makarating na sa mismong entrance at naglakad na lang papuntang talyer.

Habang naglalakad ako, nakita kong may nahulog na mga gulay mula sa plastic kaya agad akong tumulong.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon