LSS Series #1 - 12

903 66 8
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Hmmm.. Hmm…”

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko dahil Sabado ngayon at walang pasok. Hindi rin ako gumagala ngayon dahil si Anna ay inasikaso ang Passport dahil hindi daw sila dito magb-bagong taon at pasko. Si Andrea naman ay… hindi ko na inaya dahil hindi naman gumagala ‘yun pag hindi kasama si Anna.

Bukod sa nakikinig ng kanta, iniisip ko rin kung ano ang bibilhin ko sa gunggong na nabunot ko. Ang malas naman ng bunutan ngayon – ay hindi pala ako bumunot. Natira lang sa’kin ‘yun kaya tadhana ang malas ngayong Christmas Party.

Sa mga nagdaang araw na nakasama ko si Aldrich, marami akong nalaman tungkol sa kanya, gaya ng paghilig niya sa mga poster at tshirt ng mga rock bands. Nung nasa kwarto niya kasi ako nakadikit ang mga poster ng mga rakista eh.

“Bakit ba kasi ito nabunot ko eh. Pwede namang si Xyan na lang or di kaya si Vincent. O si CJ?!” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame.

Naudlot ang pag-iisip ko nang may nagtext sa’kin. Binuksan ko ang phone ko para tignan kung sino ang nagtext.

[ Ty! Nandito ako sa labas niyo. Labas ka. ] -Aldrich.

“Anong ginagawa nito dito?!” pinatay ko ang speaker at tsaka lumabas ng kwarto para puntahan ang gunggong.

Pagkalabas ko, nakita ko ‘to na kumakain sa meryiendahan ni Leslie at si Leslie naman ay nakangiti na parang abot hanggang outer space.

“Anong kailangan mo?” tanong ko agad sa kanya nang makarating ako sa tapat niya habang kumakain ‘to.

“Grabe naman! Pinupuntahan lang ba kita pag may kailangan ako?” depensa niya naman.

“Bakit? Hindi ba?” tanong ko sa kanya na ikinatahimik naming tatlo.

“Hehe... TY!!!” biglang saad ni Leslie at sabay abot ng pagkain sa’kin at inumin.

“Sabado na Sabado ang sungit mo! Oh kumain ka muna para guminhawa ang buhay!! Bilis! Bilis!” agad akong pinaupo ni Leslie at sinubuan pa ‘ko ng pagkain.

“Kaya ko na. Kaya ko na…” binitawan ni Leslie ang tinidor at bumalik sa pagbabantay ng kanyang tinda.

“Ba’t mo naman iniwan si Adrian du’n sa bahay niyo? Hindi ka ba nangangamba? Baka kung anong gawin ng tatay mo sa bata?” pag-iiba ko ng usapan.

“Wala si Papa du’n sa bahay. Simula nung dumating si Lola sa bahay, hindi pa siya umuuwi.” Kwento niya naman sa’kin.

Kumain muna kaming dalawa ni Al at pagkatapos ay inaya ko ito sa loob ng bahay at nagpaalam muna kay Leslie dahil siya ang nagbabantay ngayon sa tindahan nila.

Naupo muna si Aldrich sa sala at ako ay inayos muna ang lamesa at binuksan ang electric fan at naupo sa tabi niya.

“Ty sino pala nabunot mo sa Exchange gift?” bigla akong kinabahan sa tanong niya dahil AKO naman ang nakabunot sa kanya.

“Ano.. uhm… si...” nag-iisip ako maiigi kung sino ang ipapalusot o ano ang ipapalusot ko. Hindi naman pwedeng basta-basta na magsabi ako ng pangalan baka yung mabanggit ko eh… ‘yun pala nabunot niya.

“Sino??” muling tanong niya.

“TEKA NGA! Ba’t ko sasabihin? Nagbunutan pa kung sasabihin ko din naman.” Depensa ko sa kanya na ikina-dismaya niya.

“KJ naman nito. Pero sige. Lalaki o babae na lang ang nabunot mo?” saad niya.

“Lalaki.” Sagot ko.

“Ako ba ‘yan?” biglang lapit niya sa tabi ko at nakangiti at kinabahan naman ako bigla.

“Ano?! H-hindi ah?! Si ano… Si HAZEL! Si Hazel nakabunot sa’yo.” Ani ko sa kanya kaya napatigil.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon