LSS Series #1 - 22

899 66 11
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Before we start our practice sa court, may sasabihin muna ako sa inyo."

Umayos ako ng pagka-kaupo nang magsalita si Miss Angelica sa harapan. "Inayos ko ang mga documents niyo sa office kanina, and may napansin ako na kulang-kulang pa din na docs gaya ng, Birth Certificate, yung Good Moral ng ibang transferee, at 2x2 picture."

Kinuha na ni Miss Angelica ang isang bond paper na naglalaman ata ng mga pangalan na may kulang na papers sa school.

Isa-isa na binabanggit ni Miss ang mga pangalan ng mga may kulang at si Aaron nakatabi ko ngayon, may binubulong. "Huh?"

"Buti na lang naayos ko agad yung mga ganyan ko nung nag-enroll ako dito." napatango na lang ako dahil wala rin naman ako masabi sa sinabi niya eh.

"At ikaw... Tyler..?" napalingon ako agad kay Miss nang mabanggit ang pangalan ko.

"Ako po??" Nakatingin din ang mga kasabayan ko na nag-aral dito sa eskwelahan na 'to sakin nang marinig  nila ang pangalan ko. "Oo Ty... Birth Certificate lang ang hindi mo napasa."

Nakakapagtaka na kulang ako ng docs dito sa school dahil alam ko nung Grade ako, inasikaso ito ni Lola o ni Ate dahil hinihingi naman ang mga 'to nung first day at sinabi ko naman agad sa kanila. "Miss, baka na misplace lang po sa ibang envelope or file yung akin-"

"I've checked the other files pero, wala dun yung iyo eh." dismayadong ani niya.

"Kailangan po ba magpasa ng ganon pa? Aalis na din naman po ako-" tanong ko.

"Of course. Xerox lang naman ipapasa mo eh. I hope na mga binanggit kong pangalan, makapag pasa kayo until next week." napatango na lang ako dahil wala rin akong magawa.

Nagsimula na ang usapan namin about Graduation at tsaka bumaba sa court para simulan na ang practice.

Makalipas ang dalawang oras, natapos na ang practice namin at kasalukuyan kaming naglalakad ni Aaron palabas ng school.

Yung tungkol sa biglaang pag-alis ko sa eskwelahan nung nakaraan, naniwala naman sila sakin sa dahilan ko kaya hindi na nila ako kinukulit tungkol dun.

"Gusto mo kumain kila Aling Yolly?" tanong sakin ni Aaron.

"Hmmm, pwede rin si..." napahinto ako sa pagsasalita at paglalakad nang tumayo si Steven sa dinadaanan namin at nakatingin kay Aaron.

"Ano sabi?" panimula ni Steven kay Aaron at nagtaka ako dahil sa tanong nito kay Aaron.

"Oo nga pala. Mamayang alas-syete ng gabi, nandun sila sa Village natin." responde naman ni Aaron kay Steven na tumango naman kay Aaron.

"Sige. Sa may harap ng village na lang tayo magkita-kita." umalis na si Steven at tsaka nagpatuloy kami maglakad.

"Anong meron? Ba't kayo magkikita? Nag-away nanaman ba kayo-" kabado kong 
Natawa si Aaron at tsaka tinapik ang balikat ko "Chiil, Tyler... Si Alden kasi, binili yung kotse ni Steven." napadilat ako nang malaman ko na binebenta pala ni Steven ang kotse niya.

"Gagi weh?! Ang ganda sobra ng kotse ni Steven ha?? Mamahalin pa nga yung mga parte ng kotse niya eh." ani ko.

"Ewan ko... need niya daw ng pera eh kaya naghahanap siya ng buyer." biglang pumasok sa isip ko ang sitwasyon nila ni Aileen ngayon. Hindi kaya dahil dun kaya niya binebenta ang pinakamamahal niyang gamit?

Nagpasya na lang kaming umuwi ni Aaron dahil may gagawin pa pala ito at ako naman ay hahanapin ang Birth Certificate ko na ipapasa ko kay Miss.











LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon