LSS Series #1 - 31

1K 68 8
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Pasok lang po kayo, Sir."

Nandito kami ngayon ni Aldrich sa bahay nila Mama at Papa. Medyo inaantok pa kaming dalawa pero kailangan pumunta dahil mamayang hapon ay babalik na kami sa Batangas at gusto nila dito kami magpalipas ng araw.

Pagkapasok namin sa loob, bumungad ang bahay na sobrang lawak at ang gaganda ng mga disensyo. Ang plain sa mata nung kulay pero binawi ito sa mga ilaw.

"Anak," nilapag ni Mama ang dala niyang plato at lumapit sa'min. "Good morning!"

Yumakap ako kay Mama, habang si Aldrich ay nagmano naman. "Mukhang inaantok pa kayo. I'm sorry kung napakakulit ko."

"Okay lang po, Ma. At least masusulit namn kahit papano ang araw namin dito sa QC bago kami bumalik sa Batangas." sumunod na kami kay Mama na papuntang dining.

Maya-maya lang ay bumaba na si Papa at agad kaming nakita at binati. Si Ate ay hindi na muna pinasama dahil sobrang pagod daw nun kagabi kaya apat lang kami andito.

Nang magsimula na kaming kumain, kinumusta ni Mama ang sitwasyon ko sa Batangas. "Hindi ka naman ba nahihirapan dun, Anak? May kailangan ka ba?"

"Okay lang naman po ako, Ma. Si Tito Alvin din po yung tumutulong sa'kin du'n ngayon," paliwanag ko. "At sumesweldo na 'ko, Ma. Kaya may money na rin po ako for my expenses."

Nakita ko ang ngiti ni Mama na di gaanong kalaki. Yung ngiti na may dismaya o lungkot pa rin? Ganon ang ngiti niya ngayon.

"We're really sorry Tyler for what we've done," panimula ni Papa. "Lalo na nung unang pagkikita na'tin. Nasaktan agad kita-"

"Wala na po 'yun, Ma. Pa," pagpigil ko kay Papa. "Kaya ako bumalik dito hindi para ibalik ang nakaraan, kundi magsimula ng bago ngayon. At yun po ang gagawin na'tin."

Napangiti silang dalawa at napasulyap ako kay Aldrich nang makita kong nakangiti ito. Inaya ko na ulit silang kumain matapos nito.

Napag-usapan din namin si Leslie dahil nga nagtanong ang mga 'to kung san ako tumuloy nu'ng nag-aaral pa ako at hindi pa 'ko nakikita ni Tito Alvin.

Naisipan nilang bigyan si Leslie at ang pamilya nito ng munting regalo para daw sa pasasalamat. Hindi ko na tinanggihan 'to dahil deserve nila nito lalo na't ang laki ng naitulong nila sa'kin.

Lumipas ang oras, nagkwentuhan lang kami at nilibot namin ang bahay nila Mama at Papa. Maya-maya lang ay hiniram ako ni Mama kaya nasolo niya 'ko sa kwarto nila ni Papa.

Naupo muna ako sa kama at minamasdan ang paligid ng kwarto, habang si Mama ay may kinuha sa drawer niya.

"Anak," naupo si Mama sa kama at pinakita ang box ng isang necklace. "Para sa'yo 'to."

Nilabas sa box ang necklace at nakita ko ang kumikinang na pendant na may initials ng pangalan ko. T&A.

"Nu'ng graduation mo sana, ibibigay ko 'to sa'yo. Kaso, nangyari ang mga pangyayaring 'yun," aniya. "Ang Ate at Kuya mo, suot na rin nila ang gan'to mo."

Napangiti ako nang malaman kong may gan'to rin sila Ate na pendant. Sa bagay, same initials lang kaming tatlo kaya pare-parehas kami ng pendant.

Tylene Anne.

Tyson Andrick.

Tyler Allen.

Nang masuot sa'kin ni Mama ang necklace, napangiti ako habang hawak ang pendant. "Pakiramdam ko, parang parte na 'ko ng pamilya."

"Kahit hindi mo pa nasusuot 'yan, parte ka na ng pamilya . Parte ka na ng buhay na'min." hinawakan ni Mama ang kamay ko at tumingin ito sa'kin nang naluluha ang mga mata. "Kami ang nagpapasalamat dahil pinili mo pa rin na papasukin kami sa buhay mo kahit na sobrang laki ng nagawa naming kasalanan."

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon