LSS Series #1 - 26

1K 65 6
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Dahan-dahan lang..."

Bumaba na 'ko sa motor at inabot sa kanya ang helmet na pinahiram niya sakin.

Dinala niya 'ko sa talyer at naabutan namin si CJ at si Lolo na may-ari ata nitong talyer. "Magandang Hapon po."

"Magandang Hapon din, Hijo."


"Uy Ty! Kakatapos lang ng klase?" Ngumiti ako kay CJ at tumango sa kanya.

"Himala at nagpagupit ka? Parang kelan pa huli mong gupit ha?" natawa na lang si Al sa pang-aasar sa kanya ni Lolo. "Pati na rin yung balbas mo oh? Pero bagay sayo."

Sino ba namang hindi makakapansin ng ganon kay Al eh sobrang haba ng buhok nito at medyo makapal ang balbas niya. But I agree with Lolo. Bagay sa kanya ang ganyang ayos.

"Pa'no ba naman kasi Lo, eh may nagbabalik eh." biglang tumingin sakin si CJ at napataas na lang akong isang kilay sa kanya.

"Sino nagbabalik? Yung kinekwento mo ba noon?" ngiting-tanong ni Lolo kay Al na natawa at napailing na lang.

Inaya ako ni Al na tumungo sa kainan sa talyer at naupo dun habang si Al ay kausap ang isang nagbabantay sa tindahan.

"Naka-order na 'ko." ani niya nang makaupo ito.

"Hala! kahit wag na. Busog pa naman ako eh." pagtanggi ko.

"Ewan ko na lang kung tanggihan mo yung inorder ko." sambit niya.

Ilang minuto ang lumipas at may lumapit na lalaki samin na may dalang dalawang mangkok. "Bogs ito na oh."

"Salamat tol." nang mailapag na ng lalaki ang dala nito, nagulat ako dahil Bulalugaw ang laman inorder ni Al. Ang paborito kong pagkain.

Hindi ko pinapakita na sobrang saya ko sa pagkain na inorder niya baka mang-asar nanaman 'to eh.

"Diba..." dahan-dahang hinahatak ni Al papunta sa kanya ang pagkain ko. "Ayaw mong kumain?"

"B-bakit?" agad kong kinuha ang mangkok sa kanya at sinimulan nang palamigin ito para makain ko. Tsanggala kasi eh, alam na alam kung ano yung paborito kong pagkain eh. "P-pwedeng magbago ang desisyon diba? Everything change."

Natawa na lang ito sakin at ako ay kumain ng paborito kong Bulalugaw. Buti na lang at may alam na rin akong tindahan ng Bulalugaw. Huling kain ko pa ata nito nung nag Team Building kami nung 3rd year college ako.

"So... What are we going to talk about?" tanong ko sa kanya habang kumakain.

"Mhmm.." uminom muna ito bago sabihin sakin ang pag-uusapan namin. "Yung tungkol sa kotse mo. Sabi kasi ni Arvin hinahanap mo ako nung Sabado dahil dun eh."

"Ahh..." panimula ko. "W-wala na bang chance talaga na maayos yung kotse ko this week?"

Tumingin ito sakin na parang alam ko na ang isasagot niya. "Pasensya na talaga, Ty. Ngayong linggo pa lang din daw madadala dito sa talyer yung inorder ni Lolo para sa parts ng kotse mo eh."

"G-ganon ba...?" di ko maiwasang malungkot dahil hindi pa rin pala magagawa ngayong Linggo ang kotse ko. "Sige ayos lang. Basta magawa yung kotse, okay na sakin yun."

"Bakit? Hindi ba sayo yung kotse mo?" tanong niya sakin.

"Binigay naman na yan sakin ng tito ko. Kaso pupunta kasi siya dito ngayong Linggo at hindi niya pa alam yung nangyari sa kotse ko." saad ko sa kanya.

"K-kung gusto mo, papuntahin mo tito mo dito at ako magpapaliwanag sa kanya-" suhestyon niya.

"Nako wag na. Ako na lang magpapaliwanag sa kanya-" tanggi ko.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon