LSS Series #1 - 09

941 64 6
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Salamat ha? Sa ilang araw lang naman eh babalik na kami. Kaya pakibantayan muna si Leleng.”

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Leslie dahil nakiusap ang nanay niya na dumito muna sa’min si Leslie dahil aalis ang mga kuya nito at ang nanay niya.

“Okay lang po, tita. Wag po kayong mag-alala kay Leleng…” wika ko.

“Nay naman eh! Kaya ko naman mag-isa sa bahay eh. Nakakahiya kila Tyler-“ maktol ni Leslie.

“Hindi! Wala akong tiwala sa’yo, Leleng.” Kontra ni tita kay Leslie.

“Pare, pag nagmatigas itong si Leslie, tawagan mo lang ako para masampulan ko ‘to pagbalik.” Sabi ng Kuya ni Leslie.

“Sige pre.” Sumakay na sila sa L300 nila at nagpaalam na kay Leslie.

Nang makaalis na ang mga Kuya at Nanay ni Leslie, inaya ko na ito sa loob para ipakilala kay Ate Tylene na nagluluto ng tanghalian namin. Sa totoo nga niyan, ngayon lang nagsipag magluto si Ate eh.

Hindi dahil sa walang pasok ngayon dahil sabado, kundi dahil nandito si Kuya Nikolai. Alam ko naman na manliligaw niya si Kuya Nikolai eh. Kahit di niya sabihin, halata naman kay Kuya.

“Ate! Nandito kaklase ko!” panimula ko kay ate pagkapasok namin sa loob.

“Sino ‘yan?” binaba ni Ate ang sandok at humarap sa’min para makita ni Ate “Ay ikaw ‘yung kapitbahay namin diba? Kaklase mo pala si Tyler.”

“Oo ate. Kaklase ko siya. Si Leslie nga pala-“ bumati muna si Leslie kay Ate Tylene at Kuya Nikolai.

“Dito muna siya matutulog. Nakiusap ‘yung mama niya eh. Ilang araw lang naman daw sila mawawala eh kaya ‘yun.” Paliwanag ko kay Ate.

“Oh sige sige! Pero maghain ka na dahil paluto na ‘yung sopas oh. Nikolai patulong muna dito.” Pumunta si Kuya Nikolai sa kusina habang kami naman ni Leslie ay nagligpit ng kalat sa lamesa at naghain.

“Ty? Wala ka bang pupuntahan mamaya? Baka kasi maabala pa kita sa pupuntahan mo eh.” Alala ni Leslie habang naghahain kami.

Meron dapat akong lakad ngayon. Pinapapunta kami ni Aldrich sa bahay nila mamayang hapon dahil magluluto nga siya ng Bulalugaw na pinangako niya sa’kin. At isama ko daw si Anna at siyempre si Andrea.

Pero nagsabi na sa’kin kagabi si Andrea na hindi siya makakapunta dahil aalis sila ng Mama niya ngayong araw. Eh si Anna naman ay biglang nagkaron ng dalaw daw kaya tinatamad umalis ng bahay. Kaya hindi na lang rin ako tutuloy.

“Sana… kaso baka hindi na rin ako tumuloy.” Sagot ko kay Leslie.

“Ay gano’n? Bakit naman? Dahil ba sa’kin?” tanong niya.

“Hindi naman uy! Nag-aaya kasi si Aldrich sa bahay nila mamayang hapon-“ putol na saad ko.

“Sige na pumunta ka na! Ayos lang ako dito mag-isa sa bahay niyo-“ biglaang saad ni Leslie na akala mo ay natataranta na ewan.

“Teka lang, Leslie! Hindi pa ‘ko tapos…” pagkalma ko kay Leslie kaya humingi ito ng sorry.

Inabot ko muna kay Leslie ang plato bago ko ipagpatuloy ang paliwanag ko. “Diba nag-aya si Al mamayang hapon kasama sila Anna at Andrea, eh sila Anna at Andrea di makakapunta dahil may mga personal na rason, kaya hindi na rin ako tutuloy.”

“Ay sayang naman…” malungkot na saad ni Leslie na ikina kunot-noo ko.

Nang matapos na kami maghain, saktong handa na ang kanin at sopas kaya nilapag na nila sa lamesa at kumain na kami ng tanghalian namin.












LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon