LSS Series #1 - 14

834 64 2
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Mauna ka na kumain, Ate. Wala pa ‘kong gana…”

Pumasok na lang ako sa at humiga sa kama ko. Grabe ang pagod ngayong araw. Akala mo eh walang bukas sa dinami-dami ng nangyari kanina pagkatapos ng party sa school.

Flashback

Palabas na ‘ko ng school mag-isa dahil wala akong balak sumama sa mga gala ngayon. Kinausap ko na rin si Anna na siya na lang mag-abot ng regalo ko kay Aldrich tutal magkikita naman sila dahil sasama si Anna sa inuman sa bahay ni Archie eh.

Kaya rin sasama si Anna kila Archie dahil wala ‘tong pupuntahan dahil si Andrea ay sasama sa Christmas Party ng company ng Mommy niya. Eh nandu’n si Irah sa party. Sinasama pa nga ‘ko eh pero umayaw talaga ako.

Hindi pa ‘ko nakakalayo sa school, napalingon ako sa may gate dahil may sumigaw ng pangalan ko.

Pagkalingon ko sa likuran ko, si Andrea ito at tumakbo papalapit sa’kin. “Anong atin, Andrea?”

“Ty… pwede bang mag-usap tayo?” tanong niya sa’kin na para bang malungkot ‘to.

“O…sige. Tungkol sa’n ba?” tanong ko sa kanya.

“Galit ka ba sa’kin, Ty? Kanina mo pa ‘ko iniiwasan eh?” halata kay Andrea na malungkot ito nang magtanong ‘to sa’kin.

“Huh? Ba’t mo naman naisip ‘yun? At tsaka anong iniiwasan?” tanong ko sa kanya kahit na guilty ako na iniiwasan ko siya.

“Kanina sa party, bihira mo lang ako kausapin. Samantala ‘yung iba nakakausap mo. Tapos kanina tinext kita na kung a sabay tayong tatlo, hindi mo sinagot. Pero nu’ng si Anna ang nagtext sa’yo, agad mong nireplyan.” Kwento niya sa’kin.

Hindi ko rin alam ba’t ako nagkaka-gan’to ngayon eh. Bakit apektado ako masyado sa ginawa sa’kin ng kupal na ‘yun?! Sino ba siya? Eh baguhan lang naman sa’min ‘yun eh.

“Kung dahil ba ‘to sa nangyari kahapon sa’min ni Aldrich, sorry Ty. Nakwento sa’kin ni Anna ang nangyari sa’nyo ni Aldrich kagabi. Kasalanan ko talaga ‘to eh. Alam ko na sobrang close ka na sa kanya tapos gano’n lang gagawin niya dahil sa ginawa ko…” hinawakan ni Andrea ang kamay ko at tumingin sa’kin.

“Huy! Wag mo ngang isipin ‘yun… Sino ba siya para… sirain ‘yung samahan na’tin diba?” pumiglas ako sa pagkakahawak ni Andrea at niyakap ko ito.

“Kung naisip mo na galit ako sa’yo, Sorry. Pero wala lang talaga ako sa mood ngayon. Pero hindi dahil sa away namin ng gagong ‘yun, okay?” kumawala ako sa pagkakayakap at ngumiti kay Andrea.

Nagpaalam na ‘ko kay Andrea dahil gusto ko na talaga umuwi at magpahinga. Pero bago pa ‘ko makalakad, isang tao nanaman ang muling pumigil ng pag-uwi ko.

“HOY TYLER!” Sigaw ni Aileen sa’kin na hindi pumunta kanina sa party.

Lumapit ako sa kanya kaya huminto ito sa pagkakalakad niya. “Hayop ka talaga! Ikaw pala! Ikaw ang nanabotahe ng presentation na’min kaya AKO nasuspinde!”

Halata sa kanya na gigil na gigil ito. Nakita kong lumabas sila Anna kasama ang iba pa naming kaklase at agad silang lumapit sa’ming tatlo.

“Paano mo naman nasabi, Aileen-“ tanong ko sa kanya.

“Sinabi sa’kin ni Michael na IKAW! Ang huling gumamit ng Laptop bago kami magreport. At nakita niya sa history niya na wala kang sinearch tungkol sa assignment na’tin nung araw na ‘yun sa Laptop niya!” galit na paliwanag niya.

“Oo ako nga ang nangielam ng presentation mo. Pero ang ginawa ko lang ay dinilete ko ‘yung kababuyan mo sa pinakahuli na slide-“ nabigla na lang ako nang sampalin ako ni Aileen ng malakas kaya napahawak ako sa pisngi ko.

“Napaka epal mo talaga kahit kailan… Kelan ka ba titigil sa kakasawsaw sa buhay ko ha? Kelan?!” sasampalin sana ako ulit ni Aileen pero nakita kong may humawak sa kamay niya.

“Tama na, Aileen!” binitawan ni Leslie ang kamay ni Aileen at tsaka tinulak ito nang malakas kaya napaupo si Aileen sa kalsada.

“Alam ko na ang plano mo nu’ng presentation na’tin… nilagay mo ang mukha ko du’n na may inedit na nakahubad na katawan. Bakit hindi katawan mo ang nilagay mo du’n? tutal bagay naman sa’yo maging hubadera eh!” nagulat kaming lahat nang ibitaw ni Leslie ang mga gano’ng salita kay Aileen.

“Gago ka… Wala kang utang na loob sa’kin!” tumayo si Aileen at susugurin niya si Leslie pero sinalo ni Aileen ang sampal ni Leslie na napakalakas kaya napadilat ako at ang iba ay nagulat.

“Ang lakas na talaga ng loob m-“ muling sinampal ni Leslie si Aileen kaya napaurong si Aileen at napasandal sa nakapark na kotse.

“Pagod na ‘ko maging sunod-sunuran mo. Akala ko napakabait mo kesa sa kanila kaya pumayag ako na sumama sa’yo. Pero ikaw pala ang demonyong hayop ka!” galit na saad ni Leslie.

“Anong nangyayari dito?!” dumating si Steven kasama ang mga tropa nito sa ibang year level at inalalayan si Aileen.

“Kayo! Ang tatapang niyo pag mag-isa lang si Aileen eh ‘noh? Lalo ka na, Tyler!? Ilabas mo ngayon tapang mo lalo na’t nandito ako-“ duduruin sana ako ni Steven pero biglang lumapit si Terrence, CJ, Archie, at Vincent sa’kin kaya umatras agad si Steven pati ang tropa niya.

“Hindi ako nagsimula ng gulo dito, Steven. Si Aileen ang nagsimula. Kahit itanong mo pa sa mga iba na nandito eh.” Mainahon kong depensa kay Steven.

“Tama si Ty. Masyado ka Steven eh!” bulyaw ni Leslie kay Steven.

“Manahimik ka, Leslie! Ikaw wala kang utang na loob sa’min ni Aileen. Kami ang naging kaibigan mo bago mo pa maging kaibigan ‘tong plastik na ‘to!” sabay turo sa’kin ni Steven at napailing na lang ako.

“Oo! Nagpapasalamat ako dahil dinamayan niyo ko nung una. Pero patagal ng patagal, ginagamit niyo na ‘ko. Kaya tama na!” bulyaw ni Leslie.

Nagsimula nang magsumbatan sila Leslie at sila Aileen kaya naiingayan na ‘ko sa mga ‘to.

“Bahala nga kayo ja’n! Andami niyong satsat!” umalis na ‘ko at iniwan ko ang mga ‘to na nagkakagulo du’n dahil ayoko nang makisawsaw sa problema nila.

End of Flashback.

Habang nakatulala ako sa kisame, may kumatok sa pintuan at pinapasok ko naman ito. “Pasok!”

Unti-unting bumukas ang pinto at nakita ko si Leslie at may dalang regalo. “Hi Ty!”

“Uy Leslie! Pasok ka…” naupo ako sa kama ko at binuksan ang lamp shade sa gilid ng kama ko.

Naupo si Leslie sa tabi ko at may inabot na regalo sa’kin “Naiwan mo kanina sa school. Sorry ngayon ko lang nabigay dahil sinama ako nila Anna sa bahay ni Archie eh.”

Hala oo nga pala! Hindi ko napansin na may nakalimutan akong regalo. “Salamat Leslie! Hindi ko namalayan na may naiwan pala akong regalo.”

Kinuha ko ang regalo at tinitigan lang ito. Hindi pa rin ako makapaniwala na nabunot namin ni Bogs ang isa’t-isa.

“Hindi mo pa ba bubuksan ‘yan? Tinititigan mo lang ‘yan eh.” Saad ni Leslie at natawa.

“Bahala na. Wala rin ako sa mood eh.” Sagot ko sa kanya.

“Nagtampo pa nga si Aldrich dahil iniwan mo daw ang regalo niya sa’yo at di mo pa daw binubuksan. Palibhasa kasi siya tuwang-tuwa sa regalo mo sa kanya eh. Yung relo na nabili mo, balak niyang bilin pag nakaipon dahil ang ganda daw.” Kwento ni Leslie sa’kin na napangiti ako kahit papano.

Ito yung part na nakakainis kay Bogs eh. Kapag nagkakaron kami ng alitan o may ginawa siyang kasalanan sa’kin, babalewalain niya lang tapos kakausapin ako na para bang walang nangyaring alitan.

“Ahhh… nandun din pala si Aldrich? Okay na sila nila Terrence?” pagkukunwari ko.

“Yun na nga ang ichichika ko sa’yo, Ty! Kasi kanina, si Archie, ako, at si Irah lang kinakausap niya kanina. Si Anna, kinausap niya dahil sa regalo at sa ibang bagay… nag-usap silang dalawa lang eh pero hindi ko na pinakaelaman ‘yun.” Pagkwento niya.

So hindi pa rin ayos sila Terrence kay Aldrich hanggang ngayon. Kung sa bagay, ang dalawang ma-pride talaga pag nagkaron ng alitan, hindi mo alam kung sino susuko.

“Osiya, Ty. Uwi na ko ha? Nga pala, gusto kong magpasalamat sa’yo. Dapat matagal ko na nasabi sa’yo ‘to eh. Salamat dahil tinulungan mo ‘ko kay Aileen.” Saad ni Leslie na nagpangiti sa’kin.

“Wala ‘yun, Leslie. Kaibigan mo ‘ko kaya ipaglalaban kita.” Wika ko.

Niyakap ako ni Leslie at lumabas na ito ng kwarto ko.

Muling bumalik ang atensyon ko sa regalo na galing kay Aldrich dahil sa Exchange gift.

Tinago ko na lang ‘to at kinuha ang twalya ko para maligo bago matulog.













“Pahiram muna ako nitong libro mo ha?”

Pumayag naman si Irah kaya hiniram ko muna ang libro na nasa gilid ng kama niya. Nandito pala ako sa bahay ni Irah at inaantay ko lang ito matapos mag ayos ng buhok dahil aalis kami.

Mamimili kami ng mga kailangan para sa gagawin naming brownies para sa Noche Buena bukas! Dito kami pinapa-Noche Buena ng Mommy ni Irah para kumpleto daw kami. Kaya ito, nakaisip kami ni Irah na magbake ng Brownies.

“Uhm… Ty?” tawag sa’kin ni Irah habang nagliligpit ng mga make-up at blower.

“Bakit?” tinabi ko na ang librong hiniram ko dahil tapos naman na ata siya.

“May kasama pala tayo ngayon…” nang marinig ko ang salitang ‘to; hindi ko maiwasan ma bumuntong-hininga.

“Ty.. sorry ngayon ko lang nasabi. Si Archie lang naman ‘yung kasama eh. At si-“ saad niya.

“Ayoko. Hindi na lang ako sasama kung gano’n. Tutal naman, tatlo kayong mamimili eh. Kaya uuwi na lan-“ tatayo na sana ako ng kama ni Irah nang biglang magsalita ito.

“Huh? Anong tatlo kami? Oo tatlo tayo. Kasama ka.” Naguguluhan si Irah sa’kin. Maski ako naguluhan.

“Sabi mo kasi… Si Archie at Si…” pagpapaliwanag ko kay Irah.

“Ay na-! Patapusin mo muna kasi ako, Ty… Si Archie lang naman ‘yung kasama. At SInabi niya na sa’kin na huwag na tayong umalis dito dahil susunduin naman niya tayo…” hindi ko alam ang ire-react ko nang marinig ko ang sinabi ni Irah.

Masyado kasi akong OA eh. Hindi naman dapat ako kumilos nang ganito eh. Ewan ko ba!

“Hay nako Ty! Alam ko naman na may ayaw kang makasama eh…” tumabi sa’kin si Irah at tinanggi ko naman ang sinabi niya.

“Pinagsasabi mo…?” tanong ko kay Irah.

“Well… napag-usapan ka namin nung nasa bahay kami ni Archie matapos ang Christmas Party kaya nalaman ko.” Ay ang galing naman pala nila… Pinag-usapan pa nga ako.

“Pero hindi naman totally kaming lahat ang nag-usap tungkol sa’yo… Kami ni Anna at ni Archie. Kasi nakita namin na badtrip si Anna pagtapos nila mag-usap ni Aldrich eh kaya di na ‘ko nagdalawang isip na kausapin siya.” Kwento ni Irah na medyo ikinalungkot ko.

“Hayaan mo na ‘yung kumag na ‘yun. Marami ka namang kaibigan eh. Kayang-kaya mo siyang palitan…” sabay yakap sa’kin ni Irah.

“Tama na drama, Irah… At tsaka pwede bang wag na natin pag-usapan ‘yun? Hayaan na ‘yun.” Saad ko sa kanya nang kumalas ako sa pagkaka-akap.

Ngumiti lang si Irah at maya-maya ay may kumatok na yaya ni Irah at sinabi na may naghahanap sa kanya. Bumaba na kami dahil si Archie na ‘yung nag-aantay sa baba.

Makalipas ang oras, nandito na kami sa Supermarket at nagsimula na kaming mamili mg kailangan. Medyo natagalan kami dahil nagkakanda lito kami kung san yung ganitong section.

“Akin na yung ibang kailangan, maghiwalay muna tayo tapos magkita na lang tayo sa Counter 7.” Pumayag naman sila Irah at kinuha ko na ang iba pang bilihin.

Nagsimula na kong maglibot at maghanap ng kailangan. Habang naglalakad ako, may nabangga ako at nalaglag ang hawak niyang chips na dalawa kaya tinulungan ko ito.

“Sensya na pre. Di ko sinasadya…” saad ko habang kinukuha ang nalaglag ko.

Nang maiabot ko sa kanya ang dala niya, nagulat kaming dalawa nang makita namin ang isa’t-isa. “Uy! Ikaw yung…”

“Butas yung bulsa ng pantalonntas nalaglag yung wallet? Ako ‘yun.” Tama! Siya nga yung nakita ko dito sa mall dahil sa wallet niya.

“Akalain mo nga naman oh? Dito ulit kita makikita…” sabi ko sa kanya habang natatawa.

“Sensya na kung nabangga kita. Kanina pa kasi ako naiinis eh. Hindi ko mahanap yung mga kasama ko eh. Ikaw ba, Ty? Ikaw lang ba mag-isa?” tanong niya.

“May kasama ako. Humiwalay lang ako sa kanila para mabilis ang kilos. Andaming tao kasi ngayon eh dahil Noche Buena na bukas.. diba?” sagot ko sa kanya.

“KUYA! NANJAN KA LANG PALA! TARA NA…” napalingon kami nang may sumigaw na bata at lumapit sa’min.

“Sige Ty… Una na ‘ko. Merry Christmas!” bati niya sabay ngiti.

“Merry Christmas din!” nagpaalam na ito at umalis na ito kasama ang kapatid niya. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga kailangan ko. At natawa na lang ako nang bigla kong maalala…

“Hindi ko nanaman nakuha pangalan nu’n…” natawa na lang ako at napakamot ng ulo nang marealize ko ‘yun.

Tumungo na ‘ko sa susunod na section para kunin ang iba pang kailangan.

Nang matapos ko nang kunin ang kailangan ko, dumiretso na ‘ko sa Counter 7 para antayin sila Irah at Archie. Pagkatapos namin bayaran, kumain muna kami at tsaka umuwi.














“Merry Christmas mga te!!”

Kasama ko si Arianne at Leslie at nasa tapat kami ng bahay ni Leslie ngayon dahil may inabot na pagkain sa’min ni Arianne. “Nako Leng! Salamat sa pa Spaghetti ha?”

“Wala yun! At tsaka nilutuan ko talaga kayo ng para sanyong dalawa lang. Si Mama kasi nagluto para samin at tsaka sa mga bisita. Kaya maingay sa loob dahil nandito yung mga pinsan ko eh.” Kwento niya.

Tinikman namin ang lutong Spaghetti ni Leslie at nasarapan ako sa totoo lang! Halatang di tinipid yung sauce at ang sahog. “Ang sarap ng luto mo ha? Salamat sa paganto! Sayang kasi di ako magpapasko dito eh. Kila Irah kasi kami magpapasko eh. Inaantay ko lang si Ate matapos tas aalis na rin kami.”

“Gano’n ba? Sayang naman. Pero okay na yun at least natikman niyo yung gawa ko!” saad naman ni Leslie.

Habang nagkakatuwaan kami, bigla akong napatigil sa pagsasalita nang makita ko si Aldrich kasama ang mga tropa nito sa Motorshop. Tanda ko pa ang mga ‘to dahil kelan lang kami pumunta du’n eh.

Napahinto ako hindi dahil sa nakita ko si Aldrich. Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa suot niyang Sweater – Kulay pula din na may design na sobrang parehas nang sa’kin.

“Merry Christmas, Aldrich!!!” masiglang bati ni Leslie kay Aldrich.

“Merry Christmas din.” Bati ni Aldrich at tuluyan na ‘tong umalis.

Nang makalayo ito sa’min, nagulat ako sa pagsigaw ng dalawa sa tabi ko. “Para kayong tanga!? Ba’t kayo sumisigaw?!”

“Parehas kayo ng suot ni Aldrich ngayong pasko– AHHHHH!!!!”nakakabinging wika ni Leslie.

“Kaso hindi naman nagpapansinan… pero okay lang ‘yun! At least nakita namin ni Leslie ang Ship namin na parehas ang suot this Christmas!!!!” masayang lahad ni Arianne na medyo naguluhan ako.

Ship??? Barko??? Huh??? Anong ibig sabihin nun???

“Hay nako, Tyler. Ang SHIP na sinasabi namin ay hindi BARKO. Ang ship ay yun yung parang pares pares. Dalawang tao ba kumbaga na niro-root mo na parang couple.” Paliwanag niya.

“Oo nga… at kayo ang SHIP namin…” kinikilig silang dalawa habang ako naman ay nalailing na lang.

Saktong may dumating na kotse at nagpaalam na ko sa dalawa dahil dumating na si Kuya Nikolai at umalis na kaming tatlo papunta sa bahay nila.














“Cheers!!”

Nandito kami ngayon ni Irah sa garden nila at kakatapos lang namin kumain. Nagpapahangin kami ngayon at naglabas siya ng wine para sa’ming dalawa. Hindi ako masyadong umiinom kaya unti-unti lang ang pag-inom ko dito.

“Bagay ba sa’kin??” tanong ni Irah sa’kin. Tumayo ito at pinakita ang dress niyang color white.

“Oo bagay sa’yo. Sabi ko nga kanina diba pagdating namin dito ‘Ang ganda mo.’” Sagot ko.

“Bigay ni Archie ‘to sa’kin nu’ng Christmas Party. Christmas gift niya daw sa’kin. Tapos ito-“ sabay pakita niya ng kanyang cellphone.

“Ito ‘yung regalo ko kay Archie. Bagay ba sa kanya.” Pinakita niya yung picture ni Archie na sapatos na suot nito.

“Oo. Sakto nga pinili mo sa kanya dahil mahilig siya sa ganyang design eh.” Kwento ko sa kanya na ikinangiti niya.

Uminom ulit kami ng wine bago magpatuloy sa kwentuhan.

“Nga pala… natanggap mo ba ‘yung regalo mo kay Leslie?? Naiwan mo pala nung Christmas Party eh.” Tanong ni Irah sa’kin.

“Ay oo. Nabigay agad sa’kin ni Leslie nung gabing ‘yun.” Sagot ko sa kanya.

“Eh ano natanggap mo kay Aldrich? Diba siya nakabunot sa’yo?” tanong niya sa’kin.

Binaba ko ang hawak kong baso at dahan-dahang tinuro ang suot ko sweater.

“Wow naman! Suot yung regalo ng bestfriend niya sa kanya.” Pang-asar ni Irah kaya napailing na lang ako.

Habang umiinom kami, biglang nabuksan ni Irah ang usapang birthday. Kasi kanina napagusapan namin ang mga birthday namin sa hapag-kainan dahil nalaman namin na Birthday pala ni Tita ngayong December 25. Tapos nalaman nila sa dalawang araw, birthday ko na.

“So ano plano mo sa kaarawan mo? May ganap ka ba?” tanong ni Irah sa’kin.

“Nasanay na ‘kong walang ganap tuwing kaarawan ko. Dadalaw lang yung mga dadalaw, sila Anna, Andrea, Vincent, Hazel, ayan sila yung madalas na dumadalaw sa’kin twing kaarawan ko. Ayoko na kasi gumastos dahil wala naman kaming budget. Ngayong taon, baka pumunta ako sa sementeryo kung sa’n nakalibing si Lola.” Kwento ko sa kanya.

Hindi ako sanay ngayon sa totoo lang. Magpasko sa ibang bahay, Magpasko ng wala ang Lola, at magdidiwang ng kaarawan na kaming dalawa lang ni Ate. Nami-miss ko na si Lola sa totoo lang.

“Huy! Ba’t ka malungkot ja’n! Hay nako…” lumapit si Irah sa’kin at yumakap ito.

“Wag ka na malungkot. Nasa taas naman na ang Lola mo at payapang nagce-celebrate ng pasko. At tsaka nandito naman kami kaya wag kang mahiyang lumapit pag may kailangan ka.” Ani Irah.

“Salamat, Irah ha?” saad ko.

“Salamat din, Tyler. Dahil nanjan ka para suportahan at protektahan ako.” Saad naman ni Irah.

Kumalas si Irah sa pagkakaakap at naupo at nag-cheers kami. Inalis ko na muna ang lungkot ko at inenjoy ang pasko.












“Ty….? Ty…..?”

Medyo nainis ako nang gisingin ako. “Hmmmm?” Dinilat ko ang mata ko at si Ate ang bumungad. “Happy Birthday!”

Napangiti ako nang batiin ako ni Ate. Ang bilis ng araw grabe! Dalawang araw matapos ang pasko at ngayon ay kaarawan ko na.

“Salamat, Ate…” bumangon ako sa kama at nasandal habang nagiinat dahil bagong gising lang.

“Ano gusto mong gawin? Kain tayo sa labas? Mall tayo? Ano gusto mo?” sunod-sunod na tanong sa’kin ni Ate.

“Ate…. Sabi ko naman sa’yo na pumunta lang tayo sa sementeryo at du’n kumain ng Bulalugaw kasama si Lola, okay na sa’kin ‘yun.” Ani ko.

Alam kong may maayos nang trabaho si ate kaya kahit papano eh, nakaluwag-luwag kami sa buhay. Pero gusto ko kasing i-celebrate ang birthday ko sa paraan na kung paano ko cine-celebrate ito. At tsaka kailangan magtipid lalo na’t may babayaran pa kami sa eskwelahan ko.

“Hay nako.. sige na nga. Maya-maya ay aalis na tayo ha? Kaya maghanda ka na ha? Magluluto lang ako ng almusal.” Tumango lang ako kay Ate lumabas na ito ng kwarto.

Tumayo na rin ako at nagsimula na ‘kong magligpit ng kama at maghanap ng damit pagtapos.

Mga alas onse ng umaga ay nagpasya na kaming umalis ni ate sa bahay at magcommute. Hindi na sinama ni Ate si Kuya Nikolai dahil gusto niyang tatlo lang kami ni Lola na magce-celebrate ng birthday ko ngayong araw.

Bago kami dumiretso sa sementeryo, bumili muna kami ni Ate ng Bulalugaw para kainin du’n sa sementeryo. Nagdala rin kami ng plastic tupperware na maliit para kainan namin.

Mga ala-una na kami nakarating sa sementeryo dahil may kalayuan ito sa bahay namin at sobrang traffic ngayong araw.

“Hello Lola!!” nilapag namin ni Ate ang banig na dala namin at ang bulaklak.

Sinindihan ko na ang kandila at inilagay na sa may gilid ng puntod ni Lola at naupo sa banig.

Masaya ako dahil nandito ako sa puntod ni Lola ngayong kaarawan ko. Sobrang ayos na nito sa’kin kahit walang handa o ganap, makasama lang si Lola.

Kumain na kami ni Ate at nagkwentuhan din habang kinakausap din si Lola dahil alam naman namin na kasama namin si Lola ngayon.

Alas kwatro na ng hapon at nagpasya na kaming umuwi ni ate dahil traffic pabalik. Ayoko pa sana umalis pero kailangan na.

Nagdasal muna kami ni Ate bago nagligpit ng banig. “Lola… aalis na kami. Dadalaw ulit kami dito ha? Love you! Miss ka na namin…”

Naglakad na kami ni Ate papalabas ng sementeryo. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang maluha dahil nakakalungkot na wala na si Lola kahit na ilang buwan na ang nakalipas.

“Ayaw ni Lola na umiiyak tayo diba? Tahan na…” saad sa’kin ni Ate habang nakaakbay ito sa’kin at naglalakad.














“Bayad po, Manong.”

Bumaba na kami ni Ate sa tricycle at tsaka binuksan na ang gate. May napansin ako dahil may kotse sa harapan na pamilyar sa’kin. Pero hindi ko na pinansin masyado ‘to baka naki-park lang sa’min.

Pagkabukas ko ng pinto, agad kong pinindot ang switch ng ilaw malapit sa pintuan dahil sobrang dilim ng loob.

“HAAAAPPPYYY BIIIRTHDAAAAY!!!!!” napaurong ako nang may sumabog na confetti at sigawan sa loob. Eh kami lang ang ALAM KO na nandito ngayon.

“Hala….” Nakita kong may Cake, Isang plato ng Isaw, Spaghetti, at Lumpia sa lamesa pati Laptop at si Anna nasa screen.

Si Kuya Nikolai, Arianne, Leslie, Hazel, Vincent, Andrea, Irah, at Archie naman ay nakatayo sa gilid habang si Terrence at CJ nasa may pintuan malapit at sila ang nagputok ng popper kanina.

“Surprise, Ty… Alam kong makulit ako pero ayokong matapos ang araw mo na gano’n na lang. Si Lola din nako, magagalit sa’kin ‘yun pag wala tayong ganap. Kaya ito…” saad sa’kin ni Ate.

Di ko maiwasan na magulat at matuwa at the same time dahil sinorpresa nila ako kahit na di ko na kailangan ang gan’to.

“Salamat… Salamat sa’nyo. Nag-abala pa kayo ng ganito. Salamat rin Ate.” Niyakap ko si Ate at nagkatahan bigla ang lahat ng happy birthday kaya pinalapit na ‘ko ni Ate sa table.

Pagkatapos kumanta, ay humiling muna ako ng tahimik at tsaka hinipan ang kandila kaya nagpalakpakan na ang lahat.

“Binata na ang bunso ko grabe… Baka may girlfriend ka na ha?” pang-aasar ni ate sa’kin.

“AKO ATE!! AKO ANG GIRLFRIEND NIYAN!!” napalingon kami sa laptop at si Anna pala ang sumisigaw kaya natawa kami.

“Kung ikaw ang girlfriend, ba’t wala ka dito? Alam mo namang December birthday ng boyfriend mo pero gumala ka pa sa ibang bansa?” natatawang tanong ni Ate.

“Sorry na Ate… bawi ako hihi..” ani Anna.

Nagpasalamat ako sa kanila dahil nag-effort pa sila para sa’kin ngayon kahit na di ko talaga plano ang gan’tong birthday.

“Tara picture muna!” nilabas na ni Irah ang tripod at tsaka binuksan ang camera tsaka nilgyan ng 5-second time. Inangat ko naman ang laptop para kasali si Anna sa picture.

Pagkatapos ng picture taking, nagsimula na kaming kumuha ng pagkain para kumain.

“Ty… pinapaabot pala ni Aldrich. Galing daw kay Adrian??? Ewan ko kung sino ‘yun basta siya nag-abot. Tapos si Aldrich pala nagdala ng Isaw. Di na pumunta dahil di mo daw pinapansin. Arte ‘noh?” Natawa na lang kami ni Archie at kinuha ko naman ang papel at tsaka kumain na si Archie.

Natuwa ako dahil ginawan ako ni Adrian ng Happy Birthday letter. At nagpasalamat pa dahil tinulungan ko daw siya nung may sakit siya.

Pagkabasa ko ng letter, naalala ko agad si Aldrich na siya pala ang may dala ng Isaw na ‘to. Alam na alam niya ang paborito ko kila Aling Yolly kaya napangiti ako.

Lumapit na ‘ko sa lamesa para kumuha na ng pagkain at ienjoy ang araw ko ngayon.

Itutuloy...

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon