LSS Series #1 - 34

1.1K 68 14
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Sige na, oh, Al. Puntahan na na'tin."

Naglalakad kami ni Aldrich papuntang talyer at kinukulit ko siyang puntahan namin si JM pero hindi ako nito pinapansin.

"Paano pag delikado du'n? Pupunta ka pa rin ba?" tanong si sa'kin ni Aldrich.

"Oo naman," sagot ko agad sa kanya. "Kaibigan ko ang nasa peligro, kaya pupuntahan ko siya agad. Kaya ngayon, kung ayaw mo 'ko samahan, ayos lang. Ako na lang pupunta mag-isa."

"Tyler naman eh," nagmadali akong naglakad papunta sa talyer para sumakay sa kotse ko.

Pagkadating ko, nasa labas na sina Arvin at nakatayo malapit sa kotse ko. "Kuya Ty, pwede bang pahatid si Kat sa kanila? Malapit lang naman 'yun eh."

"Tara. May kailangan pa 'kong puntahan eh. Samahan mo muna ako, pwede?"

"Sa'n ba 'yan, Kuya," tanong ni Kat sa'kin. "May away ba ja'n?" at inangat niya ang dala niyang baseball bat. Ba't ba ang hilig niya sa baseball bat?

"Ewan ko eh, Tara na. Baka maabutan pa tayo ni Aldrich." tumabi na sila at sumakay na kami ni Kat sa kotse.

Pagkastart ko ng kotse, saktong dumating si Aldrich sa talyer kaya agad akong umatras at nag-iba ng daan.

Habang nagmamaneho ako, tinawag ako ni Kat dahil may tumatawag sa'kin.

"Si Kuya Bogs," sagot niya. "Tumatawag po. Sagutin ko ba?"

"Wag," seryosong saad ko habang nakatingin sa daan. "Hayaan mo siya."

Ilang minuto bago kami makarating sa unit ni JM. Pagkaakyat namin ni Kat, nagtaka ako may tatlong lalaki sa harap ng pinto ni JM at malakas itong kinakalampag.

"Excuse me," pagkuha ko ng atensyon sa kanila. "Sino po sadya niyo dito."

"Girlfriend ko!" sabay-sabay nilang tatlong sagot.

Girlfriend?! Ano nanamang ginawa ni JM at napunta sa unit niya ang mga 'girlfriend' ng mga 'to?

"Tanga! Break na tayo nu'ng nakaraang buwan! Kapal din ng pagmumukha mo 'noh!?" sigaw ng babae sa loob.

Pinausog ko muna ang tatlong lalaki para kumatok at ako ang kumausap.

"JM," panimula ko. "Buksan mo muna 'tong pintuan para makapag-usap tayo nang maayos."

"Wag!" sumigaw ang babae nang makita kong gumalaw ang doorknob.

"Ba't ayaw mong pagbuksan? Paano magkakaayos niyan kung-" tanong ko na agad naputol.

"Shut up," sigaw niya sa'kin. "Sino ka ba para makisawsaw dito sa usapan?!"

"That's the person that I'm telling you. Siya ang gusto ko, at hindi kayo." sigaw ni JM sa loob.

Napatingin ang apat na kasama ko sa labas pero dedma lang ako sa kanila.

"No way!" malakas na hinampas ang pintuan at patuloy na silang nagtalo-talo sa loob.

"Kuya, tabi ka muna." umusog ako sa gilid kasama ang mga lalaki.

"Kuyang may-ari ng unit na'to! Mayaman ka ba?!" weird na tanong ni Kat kay JM.

"What the," tanong ni JM sa kanya. "What kind of question is that-"

Nabigla na lang ako nang sirain ni Kat ang doorknob gamit ang dala niyang baseball bat.

Hinatak ni Kat ang lock na sa may butas kaya nabuksan na namin ito.

May tatlong babae na napaupo sa sahig nang itulak ni Kat ang pintuan. Sobrang haggard na ang mga 'to kaya halata sa kanila na nag away-away ang mga 'to.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon