LSS Series #1 - 07

941 67 1
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Hoy Zyla! Pagkain ko ‘yan eh! Ang yaman-yaman mo, di ka bumili ng isang gabundok na hotdog du’n!?”

Kasama ko si Xyan at Zyla ngayon sa Canteen at kumakain kami ng Lunch ngayon.

“Huy Ty! Kanina ka pa tahimik ja’n ha? Natatae ka ba?” pangbubulabog sa’kin ni Xyan habang nakatulala ako sa pagkain ko.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang hayop na pangalan na ‘yun eh. ‘Bogs’. Ayan lang ang nasa isip ko hanggang ngayon.

Ano kaya ang kailangan nila kay Aldrich at hinahanap nila? Ang OA ko rin kasi eh. Bakit hindi ko na lang siya tanungin.

“Siraulo ka talaga! Nananahimik lang, natatae agad?” kontra ko sa kanya na ikinatawa niya na lang.

Nagpatuloy kami sa pag kain ng lunch namin dahil malapit na matapos ang oras.

“Hi…” napalingon kami nang biglang may bumati sa’min.

“Uy Irah! Hi! Maupo ka-“ umusog ako at tumabi sa’kin si Irah.

Inalok namin ito kumain pero tumanggi ito at nagpasalamat na lang dahil nakakain na daw ito.

“May itatanong lang ako sa inyo kaya ako nandito.” Sabi niya sa’min at agad naman namin tinanong sa kanya kung ano ang itatanong niya sa’min.

“Diba matagal niyo ng kaklase si Archie? Alam niyo ba kung sa’n siya mahilig? Bukod sa Bandana at sa mga Ripped Jeans? Anything?” nang magtanong si Irah sa’min tungkol kay Archie, biglang nagtinginan si Xyan at Zyla.

“Ikaw ha! May pagtingin ka pala kay Archie ha!” pang-asar ni Zyla.

“Alam ba niya? Kundi sasa-“ putol na tanong ni Xyan.

“Nililigawan niya ‘ko…” nahihiyang sagot ni Irah na ikinatili ng dalawa at ako ay natatawa lang sa gilid.

“Bakit ngayon ko lang alam ‘yan? Parang halos lahat ng magjowa sa classroom na’tin, alam ko eh? Sumama ka naman kasi sa’min minsan!” sabi ni Xyan kay Irah.

“Gusto ko talaga sumama sa inyo. Kaso ang Mommy ko napakastrict eh.” Sabi naman ni Irah ba ikinatango lang na’min.

“So ano nga ba ang gusto pa ni Archie?” muling tanong sa’min.

Mahilig si Archie sa mga Light-colored sweater, Shoes, Necklace, at mga juice ng Vape kaya ayan ang binigay na’min kay Irah.

“Ay sige! Salamat sa inyo ha?” sabi ni Irah sa’min at nagpaalam na muna ito. Kami naman ay tinapos na namin ang pagkain na’min para makabalik na sa taas.












Uwian na namin ngayon at kasama ko si Andrea at Anna sa may court papalabas na ng school.

“Dating gawi? Sa may barbequehan?” tanong sa’min ni Anna.

“Tara!” pag-sang ayon ko.
“Hindi ako makakasama sa inyo ngayon-“ bigla kaming napatingin kay Andrea. “Bakit naman?”

“Sinasama ako ni Mommy sa Business Meeting niya ngayong gabi. Sorry…” napatango na lang kami at tuluyan na kaming lumabas ng school.

Pagkalabas namin ng school, nakita namin si Aldrich na nag-iisa sa may tabi ng tindahan habang umiinom ng softdrinks “Uy!”

Tinapon niya ang kanyang softdrinks sa may basurahan at tsaka tumakbo ito papalapit sa’min.

“Ba’t ka naman nagiisa du’n? Para ka tuloy du’ng nawawalang bata.” Pang-aasar ko.

“Asa’n sila Terrence? Bakit hindi mo sila kasama ngayon?” nang matanong ito ni Anna kay Aldrich, biglang nagbago ang ekspresyon nito.

“W-wala sila eh. Hindi ko alam kung sa’n. At tsaka kayo talaga inantay ko dito.” Sagot niya sa’min na pautal-utal.

“Bakit? Anong kailangan mo?” tanong ni Andrea sa kanya.

“Ah eh… Sa’n ba kayo pupunta? Pwede ba ‘ko sumama? Ayos lang kung ayaw niy-“ sabi niya sa’min.

“Kaming dalawa lang ni Tyler ang kakain sa Barbequehan dahil si Andrea uuwi na. Aalis sila eh-“ sabi ni Anna kay Aldrich.

“At gano’n? Sige-“ Lumapit ito banda kay Anna at tumabi “Hatid ko na lang si Andrea… Kung okay lang sa’yo.”

Tumingin sa’min si Andrea at kami ni Anna ay pumayag na lang.

“W-wag na, Aldrich. Kaya ko naman eh-“ pagtanggi ni Andrea.

“Magpahatid ka na, Andrea.” Ngiting-saad ko sa kanya.

At sa huli ay pumayag na rin ito at nagpaalam sa’min. Lumingon si Aldrich banda sa’min at nagpasalamat.

Pagkaalis nila Andrea at Aldrich, ay du’n naman biglang dumating ang mga tropa ni Aldrich na kakalabas lang pala sa school.

“Oh! Magkasama pala kayong dalawa eh – Nasa’n si Archie?” tanong ko sa kanila.

“Hinatid na si Irah sa kanila. Eh kayo? Iniwan kayo ng kaibigan niyo para kay Aldrich ‘noh?” tanong ni Terrence at mukhang iba ang mood nito ngayong araw.

“Hindi naman. Uuwi na talaga si Andrea. Kaso si Aldrich na lang maghahatid. Kaya naiwan na kami dito.” Paliwanag ni Anna sa kanila.

“Hindi nakikinig ang kaibigan na’tin…” saad ni CJ kay Terrence habang tinatapik ang balikat nito.

“Bakit? May problema ba?” tanong ko sa kanila.

Napabuntong-hininga na lang si Terrence habang nakatingin sa gitna kaya si CJ ang sumagot ng tanong ko “Kasi kinausap namin ‘yang si Aldrich kanina tungkol kay Andrea.”

“Oh? Ano sabi niyo sa kanya?” ani Anna.

“Sinabihan namin na wag niyang igugol sarili niya o gawin ang lahat para kay Andrea – alam niyo naman diba ang dahilan? Maski kayo sinabihan na niya?” tanong ni CJ at tumango naman kami.

“Ano naman sabi niya?” wika ko.

“Siyempre medyo nagalit. Bakit daw hindi na lang namin suportahan? Porket daw ba hindi daw kami sinagot eh gano’n din daw gagawin sa kanya? Kaya ayun… nagkainitan ang dalawa kanina-“ sabay turo ni CJ kay Terrence.

Desidido talaga si Aldrich para kay Andrea kahit na alam na niya talaga ang mangyayari sa kanya. Bilang kaibigan nilang dalawa, ni Aldrich at Anna, medyo naiipit ako. Kasi tinutulungan ko pa si Aldrich eh kahit na wala naman siyang pag-asa kay Andrea.

Tapos kay Andrea naman, hindi niya alam na tinutulungan ko si Aldrich para mapayagan niyang manligaw – Tignan niyo ha? Hindi pa ‘yun panliligaw ang ginagawa niya.

“Tama nga naman si Aldrich. Kaibigan niyo siya eh. Bakit hindi na lang suportahan siya sa kung ano gusto niya?“ sabi ko sa kanila.

“Alam namin ‘yun. Pero kung alam naman din namin na wala ring patutunguhan, bakit pa namin hahayaan? Siyempre bilang kaibigan, hindi ko na siya papayagan pa gawin ‘yun para hindi masaktan diba?” medyo inis na kontra ni Terrence sa’kin na sumang-ayon naman kaming tatlo dahil may punto naman.

Inaya na lang kami ni Anna kumain sa BBQhan ni Aling Yolly para ma de-stress ang lahat sa nangyayari.










LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon