LSS Series #1 - 33

1K 67 7
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Na-miss kita sobra, Tyler."

Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya nang masama.

"Paano ako maniniwala sa sinasabi mo? Ni paramdam, wala kang ginawa? Tapos ayaw mo pa 'kong makita." sumbat ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ito at lumapit sa'kin at pinunasan ang mga luha ko. "I'm sorry..."

"Aldrich naman eh," I cried in a low tone. "Ayoko nang maulit ang dati. Aasa nanaman ako sa mga ipapakita mo sa'kin tapos mawawala nanaman ang lahat sa isang iglap."

"Shhh..." niyakap ako ni Aldrich kaya hindi ko napigilan ulit ang pagbuhos ng luha ko.

"Tahan na," hinagod niya ang likod ko habang nakayakap ito sa'kin. "Nandito na 'ko. At pangako, hindi ko na uulitin 'to."

Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin kay Aldrich.

"I hate that I love you because you always do that," panimula ko. "But I never regret of falling in love with you."

Ngumiti ito sa'kin at nilagay ang mga kamay sa pisngi ko.

Our lips slowly touched and he started to kiss me. I felt his sincerity and sweet on his kiss.

I started to fight back his kiss and puts my arms on top of his shoulders.

We stayed longer in that position. Sobrang sarap sa pakiramdam na may assurance na 'ko sa pagmamahal ko sa kanya.

When our lips slowly parted, he looked at me and smile. "I love you, Tyler. Salamat sa pagtanggap sa'kin nang buong-buo."

Matapos nito, nagpasya itong pumasok muna sa loob para makapag-usap ng mas maayos.

Naghanda rin ako ng makakain niya dahil malamang, gutom ang mokong na 'to.

"Ito oh." nilapag ko na ito sa dining table at sinamahan itong kumain.

Habang kumakain si Aldrich, nabuksan namin ang tungkol sa kanila ni JM.

Humingi rin ito ng tawad dahil masyado daw itong nagpaapekto sa mga sinabi ni JM sa kanya.

"Totoo naman kasi si JM eh," uminom ito ng tubig. "Wala kang mapapala sa'kin. Hindi nga 'ko nakapagtapos ng pag-aaral eh, tapos ikaw, may trabaho kang maayos."

I hold his hands at looked at him. "Kahit kailan, Al, hindi pumasok sa isip ko ang mga bagay na 'yun,"

"Minahal kita sa kung sino ka noon at ngayon, bonus na nga lang kung magbago ka for the good eh. Pero minahal kita sa kung sino ka talaga." habol ko.

Ngumiti ito sa'kin at binitawan ang hawak niyang baso at pinatong ang kamay niya sa kamay ko.

"Sobrang sulit ng pag-aantay ko sa'yo, Ty," panimula niya. "Salamat at natagpuan ulit kita."

Kinabukasan, hinatid ako ni Aldrich sa school. Siya na ang nagmaneho ng kotse at iniwan niya muna ang motor sa bahay ko.

"Susunduin kita mamaya ah?" ngiting-saad niya.

"Opo," sagot ko. "Iuwi mo muna 'yan para 'di ka na mag-commute."

Tumango lang ito at tumalikod na 'ko para pumasok.

"Ehem!" napalingon ako sa kanya nang umubo ito nang malakas.

I raised my eyebrow and waiting for him to talk.

He forwards his cheek at points it. "Wala ba?"

Napadilat ako nang maintindihan ko ang gusto niyang makuha - Ang kiss.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon