LSS Series #1 - 03

1.2K 68 3
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Salamat po!”

Nasa canteen kami ni Hazel at Vincent at kasama na’min si Irah ngayon na absent ng ilang araw dahil sa contest niya sa TeenFilipina.

Alam na rin nila Vincent at Hazel na si Irah ang kasali sa TeenFilipina dahil madaldal ang bruha eh. Akala niya kami lang dalawa ang magkasama. Hindi niya napansin na APAT kami sa lamesa.

“Hinding-hindi ako nagkakamali talaga nung first day eh! Ikaw ‘yung model sa TeenFilipina eh.” Masayang saad ni Hazel kay Irah.

“Isa ka pa naman sa crush ko sa contest na ‘yun. Pero ngayon parang hindi na. Kasi nakakahiya na eh. Kaklase ko pala ‘yung crush ko…” nahihiyang saad ni Vincent kay Irah.

“Basta atin-atin lang muna ‘tong usapan ha? Wag niyo muna ipapaalam na ako talaga ‘yung kasali sa contest ha?” pakiusap ni Irah kay Hazel at Vincent.

“Sige sige… Pero bakit naman? Ayaw mo ‘yun? Kapag nalaman na ng lahat lalo na ng school, susuportahan ka pa nu’n?” pagtataka ni Hazel.

“Si Aileen eh…” kinwento ko sa kanila ang kinwento ni Irah kung ba’t ayaw niyang ipaalam sa iba na siya ‘yun.

“Pambihira naman! Feeling strong naman ang bruha?! Akala mo kung sinong batas sa school eh.” Inis na saad ni Hazel.

“Hayaan mo ‘yung inggitera na ‘yun. Palibhasa kasi wala siyang kaibigan dito maliban sa mga ‘anak-anakan’ niya sa 2nd year na akala mo kung sino maganda.” Sabay turo ni Vincent kila Aileen habang kumakain silang apat.

“Si Leslie nga hindi ko na nakakausap eh simula nang mapasama kay Aileen.” Sabi ni Hazel.

Tinapos na namin ang kinakain na’min para makaakyat na rin kami sa classroom dahil magb-bell na rin.

Nasa 3rd floor na kami at malapit na rin kami sa classroom namin. Pero napansin ko na nasa labas ang iba at parang may kaguluhan sa loob.

Agad kaming tumakbong apat para makitingin sa nangyayari.

Pagkasilip na’min sa may bintana, nakita na’min na pinipigilan nila Rica at nang Sgt. At Arms ng klase si Steven at Aldrich.

“Nako… nagkabungguan na talaga ang dalawa…” sambit ni Vincent habang nanonood.

“Ty? A-anong nangyayari? Ba’t kayo nasa labas?” biglang dumating si Andrea na may dalang chichirya.

“Sila Aldrich at Steven mukhang nagkagulo eh. Gan’to na rin sila kanina pag-akyat namin.” Kwento ko sa kanya.

“Hoy!” pumasok sa loob si Andrea at tinulungan sila Rica umawat.

“Magsi-ayos nga kayong dalawa!? Kayo jan sa labas, pumasok na parating na si Sir baka ipa-guidance pa tayo eh.” Agad kaming pumasok at nag-ayos ng classroom habang sila Aldrich at Steven ay pinaglayo muna ng pwesto.

Tinabi muna sa’kin si Aldrich dahil absent naman ang katabi ko habang si Steven ay nasa harap na harap katabi ni Hazel.

“Pst! Uy!” kinalabit ko si Aldrich at lumingon ito sa’kin ng seryoso kaya medyo kinabahan ako.

“Ikaw naman… hayaan mo na ‘yung gagong ‘yun. Gusto lang nu’n magpasikat at magpapansin sa iba.” Sabi ko sa kanya.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon