LSS Series #1 - 04

1K 64 5
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Ito na ba ‘yun?”

Nandito na ‘ko sa tapat ng bahay nila Irah na may kalakihan din at inaantay ko na lang siya lumabas.

Naka pang-jogging talaga ako dahil ‘yun ang usapan na’min kahit na medyo mukhang tanga ako.

Naka jacket lang naman kasi ako at naka jogging pants pa… PLUS! May towel pa at Earphones. Oh diba? Damit na damit??

“Hi Ty!”

Lumabas na si Irah na naka Crop Top at Leggings na suot “Tara pasok na muna tayo sa loob.”

Sumunod naman ako sa kanya at pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

“W-wow!”

Bumungad sa bahay nila Irah ang magandang ayos ng bahay nila at ang mga picture niya na grabe ang ganda!

“Pag pasensyahan mo na ‘yung mga pictures hehe. Si Mommy kasi eh. Gustong-gusto i-display ang pagmukukha ko sa bahay eh.” Nahihiyang kwento ni Irah.

“Nako! Ayos lang ‘yan ‘noh?! At tsaka ang ganda mo kaya sa mga picture. Lalo na ‘yang picture mo sa TeenFilipina-“ sabay turo sa picture na tinutukoy ko.

“Salamat… tara! Nandu’n sila Mommy sa likod. Ipapakilala kita.” Tumango lang ako at sumunod ulit ako sa kanya.

“Mommy!” nakita ko ang Mommy niya na nagkakape sa may upuan.

“Mom? Si Tyler po pala. My friend sa school!” pagpapakilala sa’kin ni Irah sa Mommy niya.

“Hi po Tita! Good morning po.” Bati ko sa Mommy ni Irah.

“Hello Tyler! Nice to see you.” Bati naman sa’kin ni Tita.

“Tyler…” nilapag ni Tita ang kape niya at tsaka kinausap ako muli.

“Bantayan mo ‘yang si Irah ha? Ayoko na magb-boyfriend muna siya. May umaaligid ba sa kanya sa school niyo? Or boyfriend?” tanong sa’kin ni Tita.

Kita ko sa reaksyon ni Irah na parang kinakabahan naman. Parang wala naman siyang boyfriend sa school eh…

“Wala naman po, Tita.” Sagot ko na ikinatango naman niya.

Nagpaalam na kami sa Mommy niya at umalis na kami.

Habang naglalakad kami, tinanong ko sa kanya kung sa’n kami pupunta.

“Basta… pero feel ko alam mo na ‘tong lugar na ‘to kaya malalaman mo agad kung sino pupuntahan na’tin..” sagot niya sa’kin.

Nagsimula na kaming tumakbo hanggang sa makarating kami sa pupuntahan na’min.



“Teka… Teka…”

Nakarating na kami sa pupuntahan na’min at ‘di ako makapaniwala sa nangyayari.

“Teka tawagan ko lang si Archie.”

Habang tinatawagan ni Irah si Archie, nandito kami ngayon sa may plaza ng subdivision nila Archie.

Pagkatapos niyang tawagan si Archie, agad ko siyang tinanong “Kelan pa?! Paano naging kayo?! Ay kayo ba?! Nililigawan ka ba niya!? Ano?! Sagoot-“

“Teka Tyler! Isa-isa lang…” pagpigil sa’kin ni Irah habang tumatawa pa ‘to.

“Nililigawan niya pa lang ako. Mga 2 or 3 weeks na. Hindi lang halata sa room dahil kay Aileen. Baaka kung ano nanaman sasabihin nu’n.” kwento niya.

Hay nako Aileen nanaman. Kelan ba tatahimik ang bibig nu’n at magiging masaya na lang sa iba?

“Sup guys!” nakita na na’min na dumating na si Archie at nakapang jogging attire din.

“Buti pinayagan ka ng Mommy mo?” saad ni Archie kay Irah.

“Sabi ko kasi magj-jogging lang kami ni Tyler. At tsaka nakakatawa dahil kinwestyon si Tyler kung may manliligaw daw ba ‘ko sa school or boyfriend eh.” Kwento ni Irah.

“Sabi ko naman kay Tita wala dahil hindi ko naman alam na nanliligaw ka eh-“ sabi ko sa kanila.

“So pag alam mo ik-kwento mo kay Mommy?!” natatarantang tanong ni Irah.

“HAHAHAHAHAHA gagi siyempre hindi. Mapagkakatiwalaan niyo naman ako.” Ngiting-saad ko naman sa kanila.

“Salamat Ty! Wag kang mag-alala, sagot ka namin palagi. Basta sumama ka lang sa’min para payagan si Irah.” Pakiusap ni Archie.

“Sure! Sagot niyo naman pala lahat eh!” masigla kong sagot sa kanila.

May hinanap pa si Irah kay Archie pero hindi ko naintindihan ang pangalan dahil nakatuon ako ngayon sa Cellphone ko.

“Ayan na pala eh…” tinignan na’min sabay kung sino ang tinuro ni Archie at nagulat ako na si Aldrich ang nakita ko at papunta sa’min.

“Morning! Morning!” bati niya sa’min pero dinedma ko lang ‘to at sila Irah ang kausap.

“Kasama pala ‘to…” Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa Cellphone ko para hindi niya ‘ko kausapin. Pero parang hindi naman ata tatalab ‘to.

“Uy!” sabi na nga ba eh hindi gagana ‘tong palusot ko eh. Bigla akong inakbayan ni Aldrich at tumabi sa’kin.

Tumango lang ako at tinanggal ko ang pagkaka-abkbay ni Aldrich sa balikat ko.

“Aww… snobber. Okay lang… Alam kong galit ka pa rin. Kaya sorry naaa.....” pangungulit sa’kin ni Aldrich.

Patuloy niya ‘kong kinukulit hanggang sa hindi na ‘ko nakatiis at kinausap na siya.

“Ang kulit…” nakangiti kong saad sa kanya pero sa loob-loob ko nanggi-gigil na ‘ko.

“Hindi ako galit. May ka-chat lang ako. Okay- HOY!” biglang inagaw ni Aldrich ang telepono ko kaya nataranta ako.

Wala naman talaga akong ka-chat eh. Kaya kinakabahan ako hehe…

“Psh! Wala ka ngang ka-“ at biglang tumunog ang Messenger ko at biglang lumuwag ang pakiramdam ko.

“O-oh.. Meron nga…” agad kong hinablot ‘to at sinamaan lang ‘to ng tingin.

“Ano ba kasing ginawa mo, Al?” pagtatanong ni Archie kay Aldrich.

“Kahapon kasi, nakita na’min si Steven. Tapos nanggago nanaman kaya susugurin ko sana-“ sa sobrang tagal magkwento ni Aldrich, inunahan ko na siya.

“Pinipigilan ko siya dahil susugod na siya kay Steven. Pero sa sobrang galit, tinulak ba naman ako sa gilid-“ sabay pakita sa kanila ang siko ko na may sugat.

Binatukan ni Archie si Aldrich nang marinig niya ang kwento “ARAAY! Ba’t mo ginawa ‘yun!?”

“Ba’t mo kasi ginawa ‘yun?! Dapat tinawag mo kami para suntukan na yung magaganap-“ bigla kaming napatingin ni Irah kay Archie nang marinig namin ang hirit niya.

“Hehe… biro lang. Ito naman. Tara na nga. Magj-jogging tayo diba-“ tumayo na si Archie at sumunod naman na kami kay Archie.




“Oh ito tubig oh…”

Inabot ko sa kanila ang binili kong tubig. Nakakapagod mag-jogging lalo na kapag ngayon ka lang ulit nag-jogging.

“May bukas na ba na kainan dito sa’nyo, Archie? Nagugutom na ‘ko eh…” tanong ko kay Archie.

“Hindi ako sigurado eh… Wait check ko.” Tumayo na si Archie para umalis at si Irah ay sumama naman kay Archie.

“Ikaw Ty? Hindi ka sasama? Al?” pagtatanong sa’min.

“Hindi.”
“Hindi na.”

Umalis na silang dalawa para maghanap na bukas na kainan para sa’ming apat.

Siyempre naiwan nanaman ako sa mokong na’to kaya mangungulit nanaman ‘to.

“Buti na lang hindi ako nakinig kay Aileen. Kundi, baka hindi na kita kaibigan.” Biglang kwento ni Aldrich.

“Huh?”

“Kasi sinabi kasi sa’kin ni Ai-“

“Alam ko na ‘yan. Every school year naman niya ‘ko sinisiraan sa mga transferee eh. Kaya wala nang bago sa’kin kung hindi ko close ang mga transferee.” Pagk-kwento ko sa kanya.

“Ay weh? Bakit gano’n siya sa’yo? I mean... Ba’t galit sa’yo si Aileen.” Tanong niya sa’kin.

“Ewan ko ba du’n kung ano ikinagagalit niya. Basta dumating na lang ang araw na nalaman ko na sinisiraan niya ‘ko sa ibang tao, kaya hindi ko na siya pinansin.” Sagot ko sa kanya.

Muli akong natahimik pagkatapos na’min pag-usapan ang tungkol sa’min ni Aileen.

“Pero alam mo? Masaya ako na naging kaibigan kita.” Agad ako napatingin sa kanya at natawa.

“Anong drama naman ‘yan, Aldrich? Ang aga ha?” saad ko sa kanya.

“Baliw! Hindi ako madrama. Sinasabi ko lang naman ‘to dahil totoo naman eh. Alam kong naiinis ka na sa’kin dahil napa kakulit ko tapos kakakilala pa lang na’tin pero hindi ka nag dalawang isip na makipagkaibigan sa’kin…. KUNG kaibigan ang turing mo sa’kin.” Kwento niya na pilit kong hindi mapangiti.

“Hoy grabe ka! Kaibigan naman turing ko sa inyo ‘noh? Lahat kayo sa classroom. Wala naman akong pake kung kaibigan ang turing niyo sa’kin o hindi eh. Basta kaibigan ko kayo-“

“Pati si Aileen-“

“Oo pati si Aileen ‘noh? Si Aileen ang bestfriend ko nung elementary. Kaya kahit gano’n ‘yun, may tiwala ako na magiging mabait ulit ‘yun.” Ngiting-saad ko sa kanya.

“Iba din pala ‘tong Bespren ko eh! Napakaaaa bait-“ sabay akbay sa’kin at ginulo pa ang buhok ko.

“Tigil-tigilan mo ‘ko, Aldrich ha? Baka mabait ka lang dahil alam mo na tinutulungan kita kay Andrea.” Pag-iiba ko ng usapan at sabay taboy sa kanya.

“Hoy grabe ka naman?! Hindi naman ako gano’n ‘noh? Marunong naman ako tumanaw ng utang na loob.” Malungkot na saad niya na ikinailing ko na lang.

Tumawag na sa’min si Irah sa telepono at may bukas na daw na tapsilugan kaya pumunta na kami ni Aldrich du’n.



“Hoy! Ang bigat naman ng bag mo!”

Nasa street na kami ni Aldrich at naihatid na na’min si Irah bago kami umuwi. Bitbit ko ang bag nitong kumag na ‘to dahil nagsleep over pala du’n kila Archie at pinahawak pa sa’kin.

“Sige na oh?! Kachat ko pa si Andrea eh.” Saad niya sa’kin.

Badtrip ‘to?! Ginawa pa ‘kong alalay para lang makachat ang ‘babaeng pangarap niya’?!

Napahinto kami sa may tabing-bahay na’min dahil napansin na’min na bukas ang gate na’to at may truck sa labas.

Nakita ko ang kapitbahay na’min na pinapanood ang mga lalaki na naglilipat ng mga gamit “Arianne? Mga bagong lipat ba sila?”

“Obvious ba? HAHAHHA Char-“ at napalingon kami kay Aldrich nang tumawa bigla.

“Tinatawa-tawa mo ja’n?” inis na saad ko.

Umiling lang ‘to sa’kin at tumingin kami ni Arianne (kapitbahay ko) sa mga nag-aayos.

“Leleng! Tumulong ka naman!” sigaw ng isang babae sa anak niya ata siguro.

“Opo! Ano ba ‘yan eh!” lumabas ang babae na pamilyar sa’kin at nagdadabog itong papunta sa truck.

“Ty! Diba si Leslie ‘yun?!” at nang mabanggit ni Aldrich ang pangalan ni Leslie, bigla kong tinawag si Leslie.

“Leslie?” at lumingon naman ito nang nakasimangot kaya napangiti ako ng onti.

“T-Ty?!?!” gulat na saad niya at tumakbo agad ito sa’min papalapit.

“Hala!! Anong ginagawa mo dito?!- Ay hello din Aldrich! HALAAA!!!” ewan ko bakit gan’to reaksyon ni Leslie ngayon pero dedma na lang.

“Dito ka rin ba nakatira?” tanong niya sa’kin.

Tinuro ko ang bahay ko na ikinagulat niya nang malaman niya na sunod lang pala sa kanila ang bahay na’min.

“Hala! Edi kapitbahay pala kita!!” biglang napa-akap si Leslie sa’kin pero agad naman ako humiwalay.

“Ba’t ba ang saya mo ngayon? Nakasimangot ka kanina ta’s ngayon nakangiti?” tanong ni Aldrich sa kanya.

“Kasi hindi ko akalain na dito nakatira si Tyler… Ay! Kaya pala siguro dito ako pinalipat ni Aileen-“ at bigla ko siya pinahinto magsalita.

“Teka! Pinalipat ka pa ni Aileen ng bahay… para lang sa’kin?” seryoso kong tanong.

Medyo kinabahan si Leslie nang tanungin ko siya tungkol kay Aileen.

“Lilipat talaga kami ng family ko ng bahay. Kasi anlayo ng bahay namin dati sa school na’tin ngayon. Tapos si Aileen ang tumulong at naghanap ng bahay na matitirhan na’min. Tapos may binilin siya na may kilala daw akong nakatira dito. At ikaw ‘yun.” Kwento niya.

“Pambihira naman ‘tong Aileen na ‘to. Ang init ng dugo talaga sa’yo-“ komento ni Aldrich.

“Pero!! Wag kayong mag-alala sa’kin. Wala naman talaga akong paki kay Aileen eh. Nasasakal na nga ‘ko sa kanya sa totoo lang eh.” Kwento niya na ikinabigla na’min ni Aldrich.

“Eh kung gano’n, ba’t di ka na lang bumuwag sa kanya? Kesa ipilit mo pa sarili mo?” tanong ni Aldrich.

“Hindi rin madali ‘yun, Al. Sabi niya kasi pag hindi daw ako sumama sa kanya, gagawan daw niya ‘ko ng kwento sa iba para wala na daw ulit akong kaibigan. Gaya nung first day.” Malungkot na saad ni Leslie.

“Eh si Hazel daw nakakausap mo naman daw siya no’n ha?”

“Oo… pero ‘yun na yung time na kay Aileen na ‘ko sumasama. Pinagsabihan niya ‘ko na wag lumapit sa mga close mo eh. Eh halos lahat, close mo… Kaya wala akong malapitan kundi siya at si Steven.” Inis niyang sabi sa’min.

“Hayaan mo na lang si Aileen. Pero kapag hindi mo na kayang tiisin, labanan mo. Wala namang masama kung lalabanan mo eh.” Payo ko sa kanya na ikinangiti niya.

“Salamat talaga, Ty-“ at bigla niya kong niyakap kaya gumanti na lang ako.

“Buti na lang kapitbahay kita. Makakausap rin kita pag wala na sa school.” saad niya.

Pinakilala ko naman si Leslie kay Arianne pagkatapos.

“Ty! Uwi na ‘ko-“ nagmamadaling kuha sa’kin ni Aldrich ng gamit niya.

“Oh ba’t ka naman nagmamadali?” pagtataka ko.

“Nag-aya kasi si Andrea na mag mall kami. May kailangan daw kasi siya eh samahan ko daw.” Ahh kaya pala nagmamadali at tuwang-tuwa ang mokong.

“Ay?! Kayo ba ni Andrea?!” gulat na reaksyon ni Leslie kay Aldrich.

“Hmmmm… Sabihin na lang na’tin na dun din pupunta…” nakangiting sagot niya kay Leslie na ikinailing ko. Confident huh?

“Ano ba ‘yan! Akala ko pa naman….” Bitin na saad ni Leslie na inaantay na’ming tatlo.

“Akala ano?” tanong ni Arianne sa kanya.

“Wala…” sagot niya.

Nagpaalam na Aldrich sa’min at inaya ko naman sila Arianne at Leslie sa bahay na’min.

“Ay Tyler!” napahinto kami nang bumalik si Aldrich sa’min.

“Oh? Ba’t ka bumalik?” tanong ko sa kanya.

“Gusto mo sumama? Inaaya ka rin niya eh.” Pag-aya niya sa’kin na agad naman akong tumanggi. Ayoko naman maging third wheel ‘noh?

“Sumama ka na Ty!!!” pilit sa’kin ni Leslie na ikinagulat ko naman.

“Eh ayoko eh... Sorry.” Paumanhin ko sa kanya.

“Gano’n? Sige… Ano na lang gusto ni Andrea na kainan sa mall? Du’n ko na lang siya dadalhin pag nagugutom na siya.” Tanong niya sa’kin.

“Sa Tokyo Tokyo. Du’n siya mahilig. Kahit ano du’n bilin mo para sa kanya, okay na sa kanya ‘yun.” Nang marinig niya ang sagot ko, nagpaalam na siya at nagpasalamat.




“Okay pass your papers!”

Pinasa ko na sa harapan ang papel ko at buti na lang ay natapos ko ang lahat sa exams. Sana makatulong ang grades ko ngayong exam sa paghatak sa mga kulang kong grades.

“Okay class… Listen up!”

Umayos kami ng upo at nakinig sa sasabihin ni Miss Angelica sa’min.

“Since tapos na ang quarterly exam ninyo, in a few weeks, malalaman niyo na ang grade niyo this quarter. And alam niyo naman na gustong-gusto ko na lahat kayo ay mapasama sa Honors. Pero sampu lang talaga ang umabot sa expected average para du’n.” sabi ni Miss sa’min.

Ineexpect ko na rin na wala ako ngayon sa rankings dahil nga sa late ako pumasok at di ko nagawa ang mga activities na ginawa nila.

Nagpasa naman ako lahat ng kailangan at ginawa nila no’n pero alam kong hindi pa sapat ‘yun  para mabawi.

“And sa araw ng kuhaan ng card ninyo, ay ang Recollection ninyo. Lahat kayo ay dapat pumunta.” Habol ni Miss.

Nag ring na ang bell at oras na para umuwi dahil half-day lang kami ngayon araw.

Habang nag-aayos ako ng gamit, lumapit sa’kin si Aileen pati si Leslie “Tyler… Tyler… Tyler…”

“Ano nanaman ba ‘yun, Aileen?” tanong ko sa kanya.

“Gusto ko lang magsabi ng sorry dahil naagaw ko sa’yo ang pwesto mo sa Honors-“ pang-aasar sa’kin ni Aileen.

“Paano mo nalaman? Sinabi na ba ni Miss?” pagtataka ni Leslie na ikinainis ni Aileen.

“Shut up, Leslie!” saad niya kay Leslie kaya natahimik si Leslie at bumaling uli ang atensyon niya sa’kin.

“Hindi pa man sinasabi ang pwesto BUT! I am sure that my name is on the list.” Saad niya sa’kin.

“Edi Congrats na lang. Wala naman akong magagawa eh. Reasonable naman ‘yung pagkawala ko sa Honors kung mawala man ako. Ang hindi reasonable alam mo kung ano? Eh yung mapasama ka sa Honors-“ mainahon kong bwelta sa kanya.

“Excuse me?!” galit na ani Aileen.

“Ano nanaman ba problema mo, Aileen?!” agad na lumapit si Anna at Andrea sa’kin.

“Kung manggugulo ka lang, umalis ka na lang.” utos ni Andrea kay Aileen.

“Hindi pa ‘ko tapos sa’yo…” umalis ito nang nagdadabog at sumunod naman si Leslie sa kanya.

“Buti na lang pumunta ulit kami dito sa taas…” alala ni Anna sa’kin.

“Eh ba’t pala kayo bumalik dito sa taas?” tanong ko sa kanila.

“Hinahanap ka kasi na’min dahil aayain ka sana na’min mag tanghalian sa karinderya eh. Tara?” pumayag ako na sumama kaya kinuha ko na ang bag ko at sumunod sa kanila.

Nasa labas na kami ngayon nh school at naglalakad na papuntang karinderya.

“Huy! Tyler! Anna! Andrea!” napalingon kami sa kabilang gilid ng kalsada nang may tumawag sa’ming tatlo.

“Uy! Bakit?” sila Terrence, CJ, at Aldrich lang pala ito.

“Sa’n kayo pupunta? Magla-lunch na rin ba kayo? Gusto niyo sumama sa karinderya?” tanong ni Aldrich sa’min.

“Sakto! Du’n din punta na’min!” saad ni Anna sa kanila.

“Ano Ty? Andrea? Sama ba tayo?” tanong ni Anna sa’min.

“Okay lang.”
“Pwede rin..”

Tumawid na sila papunta sa’min at sabay-sabay na kaming anim papuntang karinderya.




“Salamat Ate!”

Nakapili na ang iba ng kanilang kakainin pero ako hindi pa rin dahil hindi ko alam kakainin ko.

“Ano gusto mo?” biglang sulpot ni Aldrich sa gilid ko.

“Ikaw po ba ‘yung nagtitinda?” tanong ko sa kanya kaya ako nabatukan.

“Ililibre kasi kita! Ito naman…” saad niya sa’kin.

“Wag na. Salamat na lang. At tsaka kung ako sa’yo, si Andrea na lang ilibre mo. Para maka goodshot ka du’n.” suhestyon ko.

“Oo nga ‘noh… Sige teka!” agad siyang lumapit kay Andrea para itanong.

Kita ko talaga sa determinasyon ni Aldrich na desidido ito na mapasakanya si Andrea.

Bukod sa ginagawa niya ang lahat para lang kay Andrea, napansin ko rin na nagbago ito. Gaya ng pagpasok. Dati uma-absent ito palagi pero ngayon, pumapasok na ito. Tapos ang pagyo-yosi niya ay tinigil niya na rin kahit na sobrang hirap.

“Huy! Tulala ka jan ha?!” bumalik ako sa wisyo nang gulatin ako ni Anna.

“Hehe…” tangi kong sambit sa kanya.

“Tignan mo ‘yang si Andrea-“ sabay turo ni Anna kay Andrea.

“Mukhang nakukuha ni Aldrich ang kiliti ni Andrea ha? Mapapasagot niya kaya Bespren na’tin?” tanong ni Anna sa’kin habang tinitignan ang dalawa.

“Siguro?” maiksing sagot ko.

Bumili na ‘ko ng pagkain ko at inantay na ‘ko ni Anna hanggang sa makabili ako.

Pagkatapos na’min kumain, humiwalay na sila Terrence at CJ sa’min dahil maglalaro pa daw sila sa Computer Shop.

“Ikaw Al? Hindi ka sasama?” tanong ni CJ.

“Hindi na pre. Ingat na lang kayo!” nagpaalam na ang dalawa at naglalakad na kami ngayong apat papunta kahit sa’n.

“Gusto niyo na ba umuwi?” tanong ni Anna sa’min.

“Okay lang.”
“Ayoko pa.”
“Depende. May ganap ba?”

“Ayain ko sana kayo pumunta sa bahay tapos nood na lang tayo ng movies. Okay ba?” at mukhang game naman sila Andrea at Aldrich kaya sumama na rin ako.

Naglakad na kami papunta kila Anna para manood ng movie.

“Buti na lang sumama ka. Baka ma third wheel kasi ako eh. Kunyari jowa kita ngayon-“ sabay akap sa braso ko habang naglalakad.

“Ewan ko sa’yo, Anna! Pero sige. Tayo muna ngayon habang ang dalawa ay mukhang nagkakamabutihan.” Ani ko.

“Pero Ty? Alam kaya ni Aldrich na hindi nagpapaligaw ‘tong si Andrea sa mga kaklase na’tin?” tanong niya sa’kin.

“Mhmm… Alam daw ni Aldrich ‘yun pati ‘yung pamb-basted niya sa mga lalaki na’ting kaklase. Pero wala naman daw mawawala eh kung hindi susubukan.” Sagot ko sa kanya.

“Tama nga naman… Pero alam mo? Mas ikinagulat ko, Ty? Sumasama siya palagi sa’yo. Para bang close na kayo?” pagtataka ni Anna.

“Ano ka ba? Sumasama ‘yan kasi nagpapatulong lang sa’kin. Hindi naman talaga kami close niyan-“ sabay turo ko sa kanya.

“Aray naman ‘yun? Ayos lang sa’yo ‘yun? Parang ginagamit ka lang?” tanong sa’kin ni Anna na ikinatahimik ko saglit.

“A-ayos lang. Hindi ko naman talaga siya kaibigan in the first place eh. Mas masakit sa’kin ‘yun kung halimbawa, ikaw na close ko tapos nanjan ka lang pag kailangan mo ‘ko, dun ako mah-hurt.” Paliwanag ko.

“Pero malay mo naman diba? Kaibigan rin ang turing sa’yo niyan diba? Ramdam ko naman na may utang na loob at kabaitan ‘yang si Aldrich.” Saad ni Anna na ikinatango ko na lang.





“Uwi na kami!”

Nagpaalam na kami ni Aldrich kay Anna at Andrea at hindi na namin kasama si Andrea dahil du’n daw matutulog si Andrea kila Anna.

Kaya kaming dalawa na lang ni Aldrich ang naglalakad pauwi. Habang naglalakad, hindi ko alam bakit pumasok bigla sa isip ko ang pinag-usapan na’min kanina.

“Ty? Ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik ha?” tanong ni Aldrich sa’kin.

“Anong gusto mo? Mag-ingay ako habang nanonood tayo ng palabas? Sisigaw ako gano’n?” seryosong tanong ko sa kanya na nainis siya kaya ako nabatukan.

“Kung hindi ka seryoso kausap, pilosopo naman.” Reklamo niya na ikinangiti ko naman.

“Haha… ayos lang ako.” Sagot ko sa kanya na may kasamang thumbs up para ayos.

“Nga pala, Ty. Gusto kong magpasalamat sa’yo ha?” sabi niya sa’kin habang patuloy kami sa paglalakad.

“Salamat sa’n?” tanong ko sa kanya.

“Sa pagtulong sa’kin kay Andrea. Alam mo ba nu’ng nag mall kami, natuwa siya dahil alam ko daw kung sa’n niya gusto kumain. Kaya salamat!” ngiting-wika niya sa’kin.

“Wag ka muna magpasalamat. Hindi ka pa nga sinasagot eh. At tsaka sinasabihan kita tungkol sa kaibigan ko ha? Alam mo naman na hindi basta-basta nagpapaligaw ‘yun.” Babala ko.

“Oo naman. Pinapakita ko lang naman sa kanya na seryoso ako sa kanya eh. Kaya wag kang mag-alala-“ at nataranta kami dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.

“Teka! May payong ak-“ at bigla niya kong hinatak at tumatakbo sa gitna ng ulan.

“Wag na tayo mag payong! Maligo na lang tayo!” saad niya sa’kin habang tumatakbo sa gitna ng ulan.

Wala na ‘kong magagawa dahil basang-basa na rin naman na ‘ko eh.

Para kaming bata ni Aldrich ngayon dahil naglalaro kami sa gitna ng ulan. Hindi ko pinansan ang oras at sinulit na lang ang masayang pangyayari.

Tamang sipa lang sa tubig at habulan. Nahabol pa nga kami ng aso eh kaya pagod kaming dalawa.




“Akin na ‘yang bag ko!”

Hinahabol ko pa rin ang kumag na ‘to dahil hinablot niya ang bag ko. Nandito na kami banda sa’min kaya huminto na rin ito.

“WAAAAAAAHH!!!” natahimik kaming dalawa nang may sumigaw sa’ming babae na naka facemask at nakapayong.

“Nakakakilig naman!! Masayang naliligo sa ulan!! Halaa….” Saad ng babae sa’min na HINDI naman na’min kilala.

“Nakakakilig ba ‘yun? Naligo lang sa ulan?” seryosong saad ko sa kanya at bigla naman akong siniko ni Aldrich “Hayaan mo na…”

“Ang sungit mo naman, Tyler…” saad niya na ikinagulat ko dahil alam niya pangalan ko.

“Sino ka ba? Ba’t alam mo pangalan niya?” tanong ni Aldrich sa babae.

“Ano ba kayong dalawa?! Ako ‘to… si Leslie.” At sabay kaming nagulat ni Aldrich.

“Leslie?! Ba’t ganyan kasi itsura mo?! Lumalabas ka nang naka facemask.” Irita kong tanong sa kanya.

“Si Nanay kasi eh… Inutusan ba naman ako bumili sa tindahan. Kaya yun!” sagot niya sa’kin na ikinatango ko na lang.

“Sige na, bye na… hinahanap na ata ako ni Nanay… bye!! Gosh!!” masayang wika ni Leslie habang naglalakad papuntang bahay nila.

Natawa na lang kami ni Aldrich sa nangyari at kinuha ko na sa kanya ang bag ko.

Itutuloy...

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon