LSS Series #1 - 15

935 55 7
                                    

Tyler Allen Garcia.

“Merry Christmas and Happy New Year!”

Isang linggo ang makalipas matapos ang bagong taon. Two hours ang Math namin ngayon pero sinwerte kami dahil absent ang teacher namin sa Math ngayon at wala namang papalit na teacher kaya iniwan na kaming gan’to.

At nandito kaming lahat sa likod dahil ang galing Hongkong na si Anna na du’n nag pasko at nag bagong taon ay pinatipon kaming lahat para bigyan niya ng mga pasalubong.

“Oh ito sa’nyo, Rica, Leslie, at Zyla…” inabot ni Anna ang tsokolate kila Rica at natuwa naman ang tatlo.

“Wow! Salamat sa pagan’to, Anna!” saad ni Leslie.

“Thanks sa chocolate!” sabi naman ni Rica.

“Oh ikaw Zyla! Alam kong may ganyang chocolate ka na sa bahay niyo. Ang yaman niyo kasi eh, pero ya’n lang ang naisip ko for you.” Paliwanag ni Anna kay Zyla.

“I’m good with these. Thank you!” ngiting saad ni Zyla.

Inabot naman ni Anna ang T-shirts kay CJ, Archie, at Terrence. “I Love… Hongkong???”

“Wala bang Mickey Mouse na design ja’n??? Ayoko nitong I heart HK…” reklamo ni CJ.

“Hoy CJ! Kung ayaw mo, edi wag! At tsaka mukha ka namang daga eh! Parang sinuot ni Mickey Mouse ang I heart HK na t-shirt diba? Yun nga lang low budget na Mickey ka…” nagtawanan kami nang asarin ni Anna si CJ.

“Ito naman sa inyo, Irah, Andrea, at Xyaaan….” Inabot ni Anna ang mga box ng Lipstick at laking-ngiti nanaman ang mahilig mag Liptint/Lipstick na si Xyan.

“May pang awra ka na sa mga boys ja’n sa 4th year kaya gora na!” wika ni Anna.

“Jusko! Ang dudugyot rin ng 4th year eh! Kaya sa labas ko na ‘to ipang a-awra. Salamat!!” saad ni Xyan.

“At siyempre…. Ang Boyfriend kuno ko…” napangiti na lang ako nang iabot ni Anna ang backpack.

“Birthday gift ko na rin ‘yan sa’yo kaya wag ka na nang magalit. Alam kong ayaw mong pinag gagastusan ka.” Sumbat ni Anna kaya natawa na lang ako.

“Salamat, Anna!” saad ko.

Sa gitna ng kasiyahan namin, may nagbukas ng pinto na para bang galit at nagulat kami nang mga C.A.T Officers ang pumasok kaya balik kaming lahat sa mga tamang upuan namin.

Pumunta sa harapan ang mga officers at si Kuya Lucas ang nasa gitna nila. Pawang tahimik lamg kaming lahat dahil alam na namin ang iaanunsyo ng mga ‘to.

“3rd year! Alam niyo naman na ang school na’tin, every January ay nagaganap ang training for the next C.A.T. o ang tinatawag na C.O.C.C.” panimula ni Kuya Lucas, ang Commander ng C.A.T. this batch.

“Simula next week, simula na ng training niyo. Alam niyong required ang lahat dito maliban sa mga may sakit. Pero siyempre yung may sakit, siguraduhin niyong LEGIT Doctor’s Certificate ang ipapakita niya kundi, malilintikan kayo sa’kin. Nagkakaintindihan ba tayo?!” tanong ni Commander.

“SIR YES SIR!” sagot naming lahat.

“Ang secretary ng klaseng ‘to, alamin mo ang mga may sakit and by tomorrow ay kukunin ko sa’yo yung listahan. 10 AM SHARP! Naiintindihan ba?” tanong ni Commander sa secretary namin na agad namang rumesponde kay Commander.

“Hahatiin naman kayo sa tatlong grupo – ALPHA, BETA, at CHARLI. At ang bawat grupo naman ay may leader. Ang leader ang siyang magbabantay sa grupo nila. Kapag may absent, pasensyahan, san’yo ang parusa. Nagkakaintindihan ba?!” saad ni Commander.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon