LSS Series #1 - 23

902 69 12
                                    

Tyler Allen Garcia.

"Salamat, Manong!"

Bumaba na 'ko sa taxi at inantay muna si Kuya Tyson para sunduin ako sa labas dahil nakakahiyang pumasok agad eh si Kuya Tyson lang naman kilala ko dito at si Ate Renee.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Kuya Tyson na nandito na 'ko sa labas at nahihiya akong pumasok kaya pasundo hehe.

Habang inaantay ko si Kuya, tumingin-tingin muna ako sa gilid ko. May napansin ako na pulang kotse na pamilyar ang kuha ng gilid pero hindi ko maalala kung saan. Hangga't sa maalala ko ang litratong kinuha ni Arianne kaya agad kong binuksan ang cellphone ko.

"Tyler!" lumingon ako sa gilid kung saan ang entrance ng resto nila Kuya at nakita ko si Ate Renee na kumakaway kaya hindi ko natuloy ang pagtingin sa cellphone ko.

"Sorry late akong lumabas. Kuya mo kasi ngayon lang ako sinabihan." ngiting-saad niya.

"Okay lang, Ate." pumasok na kami sa loob para magpakita kay Kuya Tyson at sa anak nila.

Pagpasok ko sa loob, marami na rin ang tao at maingay ang buong lugar dahil sa mga malalaking speakers na nakakalat sa loob. May mga bata rin na nagtatakbuhan sa open side ng resto at ang iba ay nagpi-picture.

"Tyler!" lumingon ako sa sumigaw ng pangalan ko at kumaway ako.

"So happy na nakapunta ka." nakipag-knuckles ako kay Kuya Tyson at tumango sa kanya.

Pero sa totoo lang, sinabi ko lang kay ate na pupunta aalis kami ng mga kaibigan ko. Alam ng mga kaibigan ko na pupunta ako dito. Siyempre, hindi sila agad pumayag pero sabi ko sa kanila na ako na ang bahala kay Ate at wag na lang sila tumanggap na kahit anong tawag ni Ate.

Tinawag ni Kuya Tyson ang kanilang anak na si Leona. "Leona, he is Tito Tyler."

"Hi Leona! Happy Birthday!" bati ko sa kanya tsaka nilahad ang dala kong munting regalo.

"Thank you, Tito Tyler!" niyakap ako sa bewang ni Leona kaya bumaba ako at yumakap din.

Pagkatapos namin magkakilala ni Leona, inaya na ko nila Kuya Tyson at Ate Renee na pumunta sa table nila para samahan sila.

"Uhm, Excuse Me? Mama?" huminto kaming tatlo nang may kausapin si Kuya.

"Yes?" lumingon ang nanay ni Kuya sa kanya at ngumiti.

"I would like you to meet my friend, Tyler. Tyler si Mama." lumingon sakin ang Mama niya at medyo nagtaka ako dahil unti-unting napawi ang ngiti ng Mama ni Kuya. Panget ba ko para maumay siya sa itsura ko?

"G-good Afternoon po, Tita!" dahan-dahang tumayo si Tita at nagulat ako dahil niyakap ako nito nang mahigpit.

"So... happy to meet you, Tyler..." napapangiti na lang ako nang alanganin dahil medyo weird kasi itong mommy ni Kuya Tyson.

"N-nice to meet you, Tita hehe..." narinig kong may binulong si Kuya kay Tita kaya agad niyang kinalas ang pagkakayakap sakin at tumawa lang ako bahagya.

Tumungo muna kami sa lamesa kung saan nakaupo sila Kuya Tyson at Ate Renee at si Leona na birthday celebrant ay umupo sa may stage at nakatayo ang MC ng party tsaka nagstart na.

Nagsimula na ang event at siyempre nagkainan muna bago gawin ang mga aktibidad ng party. Pagtapos nun ay tsaka nagsimula na ang MC na magpalaro at nakakatuwa dahil makikita mo sa mga ngiti ng mga bata na natutuwa sila sa mga laro.

Matapos ang mga palaro sa birthday, pinatawag ng MC ang mga magulang ni Leona para pumunta sa stage at samahan para sa blowing of candle.

Tumayo kaming lahat at sabay-sabay na umawit ng 'Happy Birthday' bago mahipan ang kandila.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon