07: Festival

130 12 2
                                    

ASTRID DOMINGO
ONLINE WORLD
Tuesday, 7:59 pm

Pagdating ko ng bahay ay nag-online agad ako dahil sa sinasabing bagong event ni Lunaris. Nandito kami sa labas ng city at hinihintay nalang namin si Nazumi dahil paniguradong pagod yun sa photoshoot nila kanina.

Isang liwanag ang lumabas at niluwa nito si Nazumi.

"Sorry, natagalan," wika niya.

"So, ano ba talaga tong event na to Lunaris?" tanong ko.

"Mag-teleport muna tayo sa City ng Victon dahil doon gaganapin ang event," sagot niya.

Naghawak kamay naman kami at nag-teleport sa City ng Victon.

Habang naglalakad kami ay kinukwento sa amin ni Lunaris ang tungkol sa event.

Ang event ay tinatawag na Rolleta Event. Kung saan ang Top 10 na gang ay hahatiin sa limang grupo. Sa isang grupo ay dalawang gang ang magkasama at magtutulungan, malalaman niyo kung sino ang gang na makakasama niyo sa pamamagitan ng isang malaking rolleta. Sa rolletang iyon nakasulat ang pangalan ng limang gang at papa-ikutin ito, kung anong gang ang tatama sa arrow ay yun ang makakasama niyo.

Ang Rolleta Event ay may dalawang stage. Ang unang stage ay ang elimination, kung saan magpapatayan muna ang limang grupo at ang huling grupo na matitira ay siya ang magpro-proceed sa stage 2. Sa stage na ito ay dito na kayo gagawa ng mission.

"Kinda exciting," nakangiting sambit ni FantasticBliss.

"Yeah, sana magandang gang ang mapunta satin," wika pa ni Raven.

Nandito na kami sa gymnasium ng Victon marami ng players ang nandito para tunghayan ang bagong event na ito.

"GOOD EVENING PLAYERS!!" the emcee greeted us. Nakuha naman nito ang atensyon ng lahat.

"Alam kong narinig niyo na ang tungkol sa bagong event ng larong ito, ngayong gabi ay gaganapin muna ang pagpili ng grupo," panimula niya. "Nais kong imbitahan ang Top 10 gang sa buong Gang Raid dito sa stage," wika niya. Agad naman kaming umakyat na sampu sa stage.

Nilabas naman nila ang isang malaking rolleta, nandoon ang pangalan ng limang gang na pagpipilian para maging kasama ng natitirang limang gang.

Nandoon ang pangalan ng Raven Pitch Gang, Black Knights Gang, Fire Phoenix Gang, Bone Crusher Gang at ang gang namin. Kapansin-pansin na isa lang na babae na gang ang nakasali.

"We will start with the Blue Dragon Gang, let's see who's your partner in this event," wika ng emcee at pina-ikot ang rolleta.

Unti-unting bumagal ang ikot nito at tumama sa Black Knights Gang.

"So, Black Knights Gang and Blue Dragons will pair up in this event!" anunsyo niya at nagpalakpakan ang mga manonood.

Sunod naman ang Grim Slayer Gang, pina-ikot ng emcee ang rolleta at tumama ito sa Bone Crusher Gang, it means sila ang mag-partner sa larong to.

Sunod naman ang Dark Demon Gang, paniguradong mahirap para sa magiging partner nila ang pakisamahan sila, puro mayayabang lalong-lalo na si Justnobody at si Mister Rookie.

Unti-unting bumagal ang takbo ng rolleta at hindi namin inaasahan kung saan tumigil ang arrow.

"No way," bulong ni Nazumi.

Napatingin naman ako sa grupo nila at nakatingin din sila sa amin. Okay, hindi ko alam kung kaya namin silang makasama.

"Okay, that's all for this evening. Ang tournament ay gaganapin the next next day, ang unang level ay gaganapin sa abandoned factory at ang pangalawang level ay sa mismong event na ninyo malalaman," wika niya.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now