045: Clash of the Cities II

115 9 0
                                    

RAINE LEE PEREZ ―𖤐
ONLINE WORLD
Thursday, 7:34 pm

Napakagat-labi ako habang naka-upo sa meeting place namin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng sobra, marami na kaming nasalihan na tournament pero iba to e, sana naman manalo kami.

Napatingin ako sa mga kaibigan kong unti-unti ng dumadating. Halata sa mga mukha nila na kabado din sila.

"Nakaka-stress naman! Pagkatapos ng practice eto nanaman," reklamo ni HeyAstray.

Bumuntong-hininga naman ako, dumagdag pa kasi yung practice namin kanina nakakapagod tapos eto may game pa. Nakaka-baliw na!

Ilang minuto pa ay nakumpleto na kaming lahat, mamaya pa namang 8:30pm ang start ng game at 7:30 pa lang naman kaya may oras kaming magpahinga.

"Grabe, mas kinakabahan ako ngayon mga ate!" wika ni TheHeiress habang hawak-hawak pa ang dibdib nito.

"Ako nga din e," segunda naman ni Luxurious.

For the representatives of Eclipsa and Penumbra you all may now proceed to the city's main gate!

Dahil sa announcement na 'yon mas tumibok pa ng mabilis yung puso ko. Pinangunahan kami sa paglalakad ni Justnobody. Halos lahat ng mga players ng Penumbra ay sumasalubong samin at nagchi-cheer. May pinalabas din na hologram ng mga players sa Eclipsa na panay din ang cheer.

Napatingin ako sa lalaking tumabi sakin, "Oh, bakit ka nandito bumalik ka 'don sa pwesto mo," bulong ko.

"Bawal bang lumapit sayo? And nililigawan naman kita ah?" wika niya. Napa-irap naman ako, ngayon pa talaga?

"Ewan ko sayo," tanging sagot ko.

"Napansin ko kanina na parang kinakabahan ka, kaya nandito ako para pagaanin ang loob mo," dagdag niya at nagtaas-baba ng kilay.

I raised my brow, "Pagaanin? Tsk, makita ko lang nga mukha mo nangigigil pa ako lalo," wika ko.

Binatukan niya naman ako, "Wala ka talagang sweetness," ani niya at bumalik sa pwesto niya.

Natawa nalang ako sa reaksyon niya. As usual, pikunin.

Narating na namin ang main gate ng Penumbra at sinummon ang mga motor namin. Sa pagkakaalam ko, sa isang abandoned pier gagawin ang game. Meron ding pagbabago sa mechanics like, bawal makipag-communicate sa ka-team, bawal mag-reload ng baril at bawal uminom ng healing potion.

The representatives of the City of Eclipsa and Penumbra are now entering the abandoned pier!

Agaw pansin agad ang lalaking muntikan ng maka-talo samin nong nakaraang Clash of the Cities ngayon napansin ko na mas tumaas ang level nito at rank, like pinaghandaan talaga nila ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Agaw pansin agad ang lalaking muntikan ng maka-talo samin nong nakaraang Clash of the Cities ngayon napansin ko na mas tumaas ang level nito at rank, like pinaghandaan talaga nila ito.

Bumaba kami sa mga motor namin ay sabay na naglakad para harapin ang representatives ng Victon at Lunar. Hindi naman siguro kami mahihirapan nito, lalo na't malayo ang agwat ng mga level namin sakanila. Si Justnobody ilang push nalang maabot niya na ang max level nasa level 95 na siya ngayon. Si Nazumi naman level 90 na at ako level 88.

The Clash of the Cities will begin in...

3!

Naging cue na namin ang announcement na yun para mabilis na maghanap ng magpapataguan. Ilang beses pa akong natigilan sa pagtakbo dahil wala naman masyadong matataas na lugar, kung meron man, madali akong makikita.

Napapikit ako ng mariin at nag-decide na doon nalang sa wasak-wasak na bubong ng waiting area dito sa pier magtago, tutal gabi naman siguro hindi naman nila ako mapapansin. Mabilis akong umakyat sa bubong, muntikan pa akong mahulog dahil nasira ang isang parte ng bubong dahil sa pag-akyat ko.

2!

Maingat akong dumapa at sinet-up ang sniper ko at maiging in-adjust ang focus nito.

1!

It's Game on Gangsters!

Napangisi ako ng may agad akong namataan na isang representative ng Lunar, paiba-iba ang direksyon ng baril nito. Tinutok ko ang ang sniper sakanya at pinutok ang baril. Agad naman itong natumba at namatay.

Raven successfully eliminated breeze14!

Napayuko ako ng may nagpaputok ng baril malapit sakin. Mabilis ko namang hinanap kung sino iyon, namataan ko naman ang isang sniper sa nasa kaharap ko lang na bubong. Tinutok ko sakanya ang sniper, sakto namang pinaputukan niya ako buti nalang at hindi ako natamaan.

"Ako naman," bulong ko at pinaulanan ito ng baril.

Raven successfully eliminated quen12!

Napatingin ako sa current status ng game, 17 nalang ang natira sa Lunar at Victon samantala samin naman ay wala pang namamatay. Sunod naman akong napatingin sa map, kumunot ang noo ko ng may makitang color blue na dot na mabilis na tumutungo malapit dito sa pwesto ko at may sumusunod sakanyang red na dot.

Napayuko ako ulit ng may malakas na pagsabog na naganap. Nanlaki ang mga mata ko ng mamataan si Fantasticbliss na mabilis na tumatakbo at may humahabol sakanya lalaking taga-Victon.

Walang tigil niya itong pinaulanan ng bomba. Mahigpit ako napahawak sa nakausling metal ng magsimulang mag-collapse itong bubong na pini-pwestohan ko, dahil siguro sa walang tigil na pagsabog.

Napag-desisyonan kong umalis nalang bago pa tuluyang mag-collapse ang bubong. Maingat akong bumaba, ilang pulgada nalang ang layo ng paa ko sa lupa ng may sumabog ulit dahilan para tuluyan ng mag-collapse ang bubong.

"Ahh!" daing ko ng madaganan ng malalaking tipak ng semento at metal.

Napatingin ako sa health bar, mabilis itong kumalahati. Nandidilim ang paningin ko at kaunti nalang ay mawawalan na ako ng malay hanggang sa may namataan akong lalaki na tumatakbo papunta sakin.

"RAINE!" sigaw nito.

Blake...

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now