026: Promises

78 8 0
                                    

RAINE LEE PEREZ
REAL WORLD
Wednesday, 7:00 am

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng bahay at magbantay ng taxi papuntang school. Yes, papasok na ako, medyo okay na rin since kahapon. Nakangiti akong lumabas ng taxi ng dumating na ito sa school, ewan ko parang ang ganda ng mood ko simula kahapon.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong dumiretso sa court dahil alam kong nandoon si Blake. Malapit nalang matapos ang pagiging slave ko sakanya kaya paninindigan ko na to. Napangiti ako ng makita ko siyang naglalaro sa court dahil papalapit na ang basketball league. Umupo ako sa bleachers at pinanood lang siya habang naglalaro.

Pumito ang coach nila senyas na magkakaroon muna sila ng break. Inayos ko ang pagkaka-upo ko ng matanaw niya ako at naglakad papalapit sakin.

"Hey, anong ginagawa mo dito?" tanong niya at umupo sa katabi kong upuan.

"Tinatanong pa ba yan? I'm your slave remember?" ani ko.

Natawa naman siya, "About that," pabitin niya at itinaas ang kamay niya kung saan nandoon ang bracelet ko.

Kinuha niya ito at nilagay sa kamay ko. "I'm giving this back to you," ani niya at napatingin sakin ulit.

"Your contract is done, everything that I did to you is enough, You're free now my slave." ani pa niya.

Napangiti naman ako, "Salamat,"

Hindi ko alam kung anong nangyari sakin ng bigla nalang akong napayakap sakanya. Malungkot din palang iwanan tong trabaho ko haha.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya, "Sige, balik ka na don pupunta na din ako sa classroom," ani ko at tumayo na.

"Sige, mag-ingat ka ha, baka mabinat ka," paalala niya at kumaway na sakin.

Napatigil ako sa paglalakad ng may bigla akong naalala. Maybe it's my time to return the favor.

"Blake!"

Napalingon naman siya at lumapit sakin, "Bakit, may nakalimutan ka?" tanong niya.

Umiling naman ako, "Hindi, may itatanong lang ako, kailan nga yung basketball league niyo?" tanong ko.

"2 days from now," sagot niya.

Ah, sa friday na pala.

"Naisip ko kasi, sinamahan moko kahapon sa amusement park baka pwedeng ako naman ang sumama sayo sa basketball league niyo," ani ko at napayuko.

Sana pumayag.

"You sure?" tanong niya.

"Oo nga, kung ayaw mo edi wag," ani ko at akmang aalis na ng hawakan niya ang kamay ko.

"Joke lang e, I'm glad that you'll be there with me," nakangiti niyang sabi.

Napangiti din ako, "Sige," wika ko at naglakad na palayo.

Pagpasok ko ng room sabay-sabay na napatingin sakin ang mga kaklase ko, Weird. Sinalubong naman ako ng yakap ng mga kaibigan ko.

"WAHHHHHH! BA'T DIMO SINABING PAPASOK KA NA, SANA NAGPA-PARADE AKO!" sigaw ni Astrid. Kahit kailan talaga tong babaeng to, ang ingay-ingay.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now