011: Wrong Move

171 15 2
                                    

RAINE LEE PEREZ ―𖤐
REAL WORLD
Friday, 9:30 am

"Nakaka-bwesit naman, hindi ko na naabutan ang finale," naka-ngusong wika ni Astrid. Kaaga-aga ang ingay-ingay.

"Ayan, bida-bida ka kasi," tawang-tawang tugon ni Luan at sumabay na din si Bliss sa pagtawa.

"Alam mo pwede ka ng pagawan ng statue dahil sa kabayanihan mo kagabi," sulpot naman ni Nayee habang nagka-copy ng notes.

"Talaga!" pagsang-ayon ni Luan at nag-apir pa sila ni Nayee.

Napa-irap naman si Astrid, "Bakit ko pa kasi tinulungan yun, psh." ani niya.

"Pano mo nalaman ang nangyari kagabi?" tanong ni Bliss.

"Duh! we're living in the modern world, uso kaya yung livestream. Kaya after kong mamatay nagising agad ako kaya ayun nanood nalang ako," inis niyang sagot.

Usap-usapan ngayon sa buong Pilipinas ang nangyari sa Rolleta Event kagabi at trending din ito sa lahat ng social media platforms with a hashtag #DDGandMBGslayed.

DDG stands for Dark Demon Gang and MAG stands for Midnight Abyss Gang. As of now, nasa 500 million views na ang livestream kagabi.

Halos pumutok na din ang eyebags ko dahil sa madaling araw na kami natapos. 2:45 am na natapos kagabi kaya 4 hours lang ang tulog ko. Kagigil.

"Good morning class!" bati ng Prof. namin. Agad naman kaming nagsibalikan sa mga upuan namin.

Buti pa ang upuan binabalikan eh, 'no?

Last subject na namin to ngayong umaga at lunch na. Nag-discuss lang naman si Prof. Mendoza ng kung ano-ano sa History at may pinasagutan lang na quiz.

Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria ng maramdaman ko na kailangan kong mag-cr.

"Guys, cr lang ako," wika ko. Napatango naman silang apat at nauna ng maglakad.

Dumiretso naman ako sa cr at agad na umihi. Pagkatapos ay inayos ko muna ang mukha ko bago lumabas ng cr. Napa-tigil ako sa paglalakad ng may namataan akong isang lalaki na naka-sandal patalikod sa isang poste dito sa hallway.

"Teka," bulong ko.

Mabagal ko siyang nilapitan. Aba! anong ginagawa ng mokong na 'to dito sa school?!

"HOY! MATAPOS MO KONG LOKOHIN NOON MAGPAPAKITA KA SAKIN NGAYON? ABA! ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!" sigaw ko.

Napapatingin sakin ang lahat ng estudyante na dumadaan dito sa hallway. Paano ba naman kasi lunch na kaya marami na ang nasa labas.

Gulat pang nakatingin samin ang ibang students. Ba't ganyan ang mga mukha nila ha!?

"Ano? sumagot ka!" sigaw ko at hinila siya paharap sakin. "Ang kapa—" napasinghap ako at napatakip sa aking bunga-nga dahil ibang tao pala ang nasigawan ko.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя