LUAN VILLAMORTE
REAL WORLD
Wednesday, 4:20 pmMasigabong palakpakan ang aming narinig ni Khyle pagkatapos naming kumanta. This is my first time performing kaya proud ako sa sarili ko. Paglabas namin ni Khyle ay ginulo niya ang buhok ko.
"You did a great job!" he exclaimed while smiling widely at me.
"S-salamat, ikaw nga din e," nahihiya kong sagot.
Bumalik na ako sa upuan ko. Si Khyle na daw bahala sa mga guitara na ginamit namin. Mahinang pumalakpak ang tatlong bruha pagka-upo ko.
"Galing mo!" masayang sabi ni Bliss.
"Ang cute niyong tignan ni Khyle sa taas, nakakakilig," panunukso pa ni Astrid.
"Ewan ko sayo," tugon ko at napa-iling.
"And now, let's see the photoshoot of the candidates yesterday!" wika nong emcee.
"Let's start with the college department!"
Inilabas naman sa isang malaking screen ang resulta ng photoshoot ng college.
Ang gaganda nila, parang nahiya ako bigla, char.
"Now, let's see from the Senior High Department!"
Malakas na hiyawan ang maririnig sa buong gymnasium ng ilabas sa big screen ang photoshoot ni Nayee.
CASUAL ATTIRE
FORMAL ATTIRE
BLACK AND WHITE
CITEȘTI
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Ficțiune adolescențiONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on or game over?" Recently, a well-known virtual game was launched online and among the top players were five girls. Will they be able to acquire new fighting techniques and gaming strategies fro...