043: Overnight

64 9 2
                                    

NAYEE KIM JUNG
REAL WORLD
Wednesday, 5:57 pm

Parang tumigil ang mundo ko nang sabihin niyang gusto din niya ako. Baka nanaginip lang ako? o baka nabingi lang ako ng 5 seconds? Pasimple kong kinurot ang tagiliran ko para hindi niya mahalata.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit na naramdaman ko. Totoo nga, hindi ako nanaginip. Napatingin ulit ako sakanya na nakayuko. Mabagal ko naman siyang nilapitan at umupo sa tabi niya.

"Lukas, I'm sorry hindi ko naman alam na mapupunta to sa ganito e," wika ko.

Binaba niya ang hawak na botelya ng alak at tumingin sakin, "Will you let me explain now?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako, "No,"

Kumunot ang noo niya, "What? Why?
Tumayo naman ako ay nameywang sa harapan niya, "Kailangan muna nating maka-alis dito, tingnan mo yung ginawa mo sa buong bar," ani ko at tinuro ang makalat na bar.

"Nakakahiya kaya," I added.

Ngumisi siya, "So what? if this wouldn't happened, you won't come here,"

(。ŏ_ŏ)

Siraulo.

"Ewan ko sayo halika na nga, tumayo ka na diyan," ani ko at tinulungan siyang makatayo.

"No need to help me, kaya kong tumayo," wika niya at nilapag ang bote ng alak.

"Tara na," ani ko at nauna ng maglakad napansin ko namang sumusunod siya sakin.

Binuksan ko ang pinto ng bar at bumungad sakin ang mga problemadong mukha ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Lukas na kanina pa siguro naghihintay samin.

(╥╯﹏╰╥)ง

Ayan, parang ganyan ang mga mukha nila.

"Lord, Salamat!" sigaw ni Blake.

Agad naman siyang binatukan ni Khyle, "Manahimik ka, gago," ani nito at pinandilatan si Blake.

Lumapit naman si Lockshren samin, "We knew it, ikaw lang ang makakatulong samin," nakangiting sabi niya.

Napangiti naman ako, napalingon naman ako kay Lukas na masamang nakatingin samin ng Kuya niya.

"Ano? Tatambay nalang ba tayo dito?" bored na sabi niya. "Kayong apat, umuwi na kayo," dagdag niya habang nakatingin sa apat niyang kaibigan.

"Ito talagang si Lukas walang utang na loob, kung hindi dahil samin hindi pupunta dito si Nayee," wika ni Hux.

"I don't care, go home," ani niya at nauna ng sumakay sa kotse.

"Nakakabad-trip talaga 'yan, buti nalang pogi ako,"

Sabay kaming napatingin kay Gabriel.

"Oh ano, aangal kayo?" ani niya.

"Wow, nice joke thanks for sharing." pilosopong sabi ni Blake.

Sabay naman kaming nagpigil ng tawa, hindi nalang namin sila pinansin. Sumabay nalang ako kina Lukas. Napag-isipan ko kasi na ako naman ang may kasalanan bakit nagkaganoon si Lukas dahil sa ayoko siyang kausapin ay ako nalang muna ang mag-aalaga sakanya.

"Bye! Ingat kayo," masayang wika ni Astrid.

Kumaway naman ako sakanila at binaling ang atensyon sa harap. Nagulat ako ng sinandal ni Lukas ang ulo niya sa balikat ko. Ilang minuto din akong natigilan, hoy! ba't kinikilig ako!?

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now