037: Present

59 7 1
                                    

NAYEE KIM JUNG
REAL WORLD
Wednesday, 8:34 am

Bukas na pala ang pasko, naisipan ko na ngayon nalang bumili ng bag, gift ko na rin sa sarili ko. May nakita kasi akong magandang bag nong pumunta kami ni Astrid sa mall. Paniguradong marami na ang mga tao ngayon sa mall kaya bibilhin ko nalang baka maunahan pa ako.

Mabilis akong naligo at bumaba sa kusina para kumain. Namataan ko naman si Kuya na naka-upo nanaman sa harap ng TV.

"Oh, saan ka nanaman pupunta Nayee Kim?" tanong nito sakin.

Umupo muna ako sa harap ng mesa bago siya sinagot. "Bibili ako ng bag, Nathan Kit," sagot ko.

"May pera ka?" nanunuksong tanong nito.

"Oo, ikaw lang naman ang wala," sagot ko at nag-make face.

"Saan mo kinuha pera mo? Hindi ka naman marunong mag-ipon kasi lamon ka ng lamon," wika niya pa.

"I have my ways Kuya kaya manahimik ka nalang," sagot ko. Hindi pa kasi nila alam na nagsa-side line ako bilang babysitter kina Lukas, pero plano ko namang sabihin sakanila.

"Baka nagbebenta ka ng drugs ah!" sigaw nito.

Natawa naman ako, "Baka ikaw, eh ikaw tong mukhang adik!" sigaw ko din.

"Tama na 'yan! ikaw Nathan tigil-tigilan mo na yang kapatid mo," ani ni mama habang tinututukan kami ng sandok.

Inirapan ko nalang si Kuya habang siya naman ay bumalik na sa panonood ng TV. Inihanda naman ni mama ang almusal kaya agad na akong kumain para maaga akong makakapunta sa mall. Matapos kong kumain ay inihatid na ako ni Kuya. Kahit may saltik to minsan ay alam kong mahal niya ako.

"Mag-ingat ka ha!" sigaw niya bago pa ako makapasok ng mall.

Tumango nalang ako at agad na hinanap ang bag na nagustuhan ko dito.

"Saan na kaya yun?" pagmo-monologue ko. Napakamot nalang ako sa noo habang nililibot ang store ng mga bag.

"What are you looking for?"

Napatingin naman ako sa nagsalita. Nagulat ako ng makita sa harap ko ang mukha ng Kuya ni Lukas, if I'm not mistaken, his name is Lockshren.

"Ahh, yung bag na nakita ko dito noon," sagot ko.

Napatango-tango naman siya.

"Ahh ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Itinaas niya naman ang kamay niya na hawak na supot na may laman ng box ng sapatos. "I bought a shoes there," sagot niya at napatingin sa store ng mga sapatos na kaharap lang ng store kung saan kami nandito ngayon.

"Ahh," tipid kong sagot.

Okay medyo awkward.

"Nakita kitang palibot-libot dito sa loob kaya I approached you," sagot niya pa.

Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy sa paghahanap. Parang nabuhayan naman ang loob ko ng makita na ang bag na kanina ko pa hinahanap. Agad akong lumapit doon at kinuha yun na nakasabit sa isang rack.

"Buti nalang hindi pa nabili," bulong ko. Napatingin naman ako kay Lockshren na nakangiting nakatingin sakin.

"Sorry," ani ko. Baka akala niya baliw ako dahil kinakausap ko sarili ko.

Hindi lang siya sumagot sakin.

Pumunta na ako sa counter at agad na binayaran iyon. Nanatili paring nakasunod sakin si Lockshren kaya hinayaan ko nalang.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now